Kabanata 20

42.6K 1.1K 114
                                    

Warning: Spg

Kabanata 20

[ Aliyah's point of view ]

Kanina pa kami nandito sa isla na pinangalan niya sakin. Simple lang ang isla ngunit napakaganda.

Mas maliit ito kumpara sa islang pinanggalingan namin kanina ngunit ang kinaganda nito ay may sarili itong jacuzzi sa loob ng kagubatan.

Matatayog din ang coconut tree at madaming bunga, sa maliit na mansyon naman na nakatayo rito ay may sariling pool na gawa sa salamin na talagang ginastusan ng malaki.

Ngayon ay nasa loob kami ng bahay at nag tutulungan kami ni Hercules mag luto. Actually hindi ko nga alam kung tumutulong ba talaga siya.

Wala kasi siyang ibang ginagawa kundi ang tumayo sa tabi ko at titigan ako ng mariin. "Alam mo kesa titigan ako, bakit hindi mo na lang kaya ako tulungan mag luto?" sabi ko sa kanya.

"Nah, you can do that alone. I'm enjoying watching you." pumunta siya sa likod ko bago ako yakapin. Mabilis akong napairap nang kagatin niya ang puno ng tenga ko.

Bahagya ko siyang hinampas sa braso bago singhalan "Tigilan mo 'ko malandi ka." singhal kong anya na kinatawa naman niya.

Lihim akong napanguso, maging pag tawa niya ay napaka seksi sa pandinig. Para bang inaakit ako.

Matapos kong imarinade ang manok ay si Hercules na ang nag ihaw nun. Sa labas kami ng mansyon nag ihaw. Tirik na tirik ang araw ngunit may silong naman ang labas kaya hindi din kami masusunog.

Nakaupo ako sa upuan habang binubusog ang mata ko sa magagandang tanawin. Hindi ko namalayan na inabot na pala sakin ni Hercules ang isang buko juice.

"Hey, it's too hot you must drink this." kinuha ko yun sa kanya "Kailan ka kumuha nito?"

"Kanina habang nasa loob ka ng bahay at naglilibot, after we eat we must visit the jacuzzi here. Masarap maligo run." tumango na lang ako sa kanya bago sumipsip sa istro na nasa buko juice.

Hindi ko maiwasan mapatango dahil napakasarap nito, fresh na fresh ang buko at manamisnamis.

Kagaya ng sinabi ni Hercules ay mga alas dos ng hapon ay natapos kami kumain. Nag pahinga lang kami saglit dahil halos sumabog ang t'yan ko sa kabusugan.

Bukod kasi sa manok na iminarinade ko ay madami pang seafood katulad ng crabs, hipon, labster at isda na hinanda ni Hercules sa lamesa na talaga namang napakasarap.

Ngayon ay nag lalakad kami patungo sa jacuzzi ng islang ito.

Nakahawak siya sa kamay ko at mag kasiklop ang mga kamay naming dalawa. "Hercules sigurado ka bang walang ahas o mabangis na hayop sa islang ito?" tanong ko sa kanya.

Aba! Natatakot din ako noh. Kami lang dalawa ang nasa isla, paano na lang kung biglang may ahas pala dito edi baka tinuklaw na kami.

"Don't worry babe I secure the island and this is safe. Walang mabangis na hayop dito kundi ako lang." tumawa pa siya kaya naman inirapan ko na lang siya.

Nagulat ako ng hapitin niya ako palapit sa kanya "Bakit ata nagiging madalas ang pagtataray mo? Pansin ko kanina mo pa 'ko iniirapan."

Natigilan ako at kumunot noo "Wag mong sabihin na buntis ka at ako ang pinag lilihian mo?" natigilan ako bago siya tignan sa mukha.

Medyo nakangisi siya sakin, napaisip naman ako sandali pero pagkaraan ay itinaas ko ang kilay ko sa kanya.

"Hindi ako nag tataray at hindi rin kita pinaglilihian."

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Where stories live. Discover now