Hindi ko na inalam pa kung ano ang nangyayari dahil naunahan na ako ng gutom.

------

Jehridale's POV

Nauna ng umuwi sa amin si Shinichi, dahilan daw sa may emergency sa bahay nito.

Kasalukuyan na kaming nasa catio mania ng tatlo sa mga kaibigan ko.

"Susunduin pala siya ni Tita, akala ko tatakbo siyang literal pauwi"nakangising anito ni Airon habang hawak ang stick. Nagbibilliards ang tatlo habang ako ay nakaupo at nagbabasa ng comics.

"Dale,"pagtawag sa akin ni Nath. Pinagkunutan ko agad siya, "what?"

"Tahimik ka ata ngayon ah, ah alam ko na! Hindi ka siguro kumain kaya wala ka sa mood. Nagugutom na rin ako, sakto, order tayo ng-"

"Pizza"dugtong ni Tim. Napatingin na lamang kami sa kanya. Nagugutom rin pala ang hayop na ito?

"Aba aba! Sakin naman ay cheeseburger no, sa'yo Airon?"

"Hindi ba nakakataba 'yang mga inoorder niyo?"

"Wew minsan lang naman!"

"A'right, mine is cheesedog hahaha"

"Sa'yo Dale?"

Natunganga na lamang ako sa kanila. Wala pa nga akong sinasabing kahit ano eh. Hays.

Aysh, sabagay, kanina pala kumukulo ang tiyan ko..nalipasan na kami ng lunchbreak dahil abala kami sa pagrereview..

"Chocolate cake sakin"

"Huh?? Bakit iyon? Gusto mo ng dessert?"

"W-Wala, basta*tsk*iorder mo ko. Tsk"

Hindi na nakaimik si Nath pero ang nanunukso na naman niyang tawa ay nagsisimula na naman. Binato ko na lang sya ng unan sa mukha.

"B-Bakit? Hahhahahaah!"

"Gago, tatawanan mo pa ako ah"

"Eh ikaw kasi eh! Halatang nagluluksa ka, may naalala tuloy akong tao na kumakain ng chocolate cake sa party"

Nginiwian ko siya at binulungan ng tumahimik ka. Pinandilatan naman niya ako ng mata. Kainis. Nangaasar na naman!

"Heto na at ako ay oorder, lalabas lang ako saglit"

Pagkalabas ni Nath ay tumabi naman si Timrelli sa akin. Nakaupo sya sa may parteng sandalan ng braso nitong sofa.

"Kanina ka pa hindi makatira diyan Aronil, parang wala ka sa sarili mo"

"Sorry bro, ito na"

Nang tumira ito ay saktong pumasok din ang kulay itim ba bola. Ganon na lang ang panlulumo ni Timrelli ng masaksihan iyon.

"Eh? Pinasok mo kaagad ung pangpusta ko! Yay"

"Sorry sorry. Hays"

"Kanina ka pa nagsosorry, may problema ba pre?"

"W-Wala..."pag-iiwas nito ng tingin. Nagkatinginan kami ni Tim. Hindi ko maintindihan ang pagmamaktol ng lalaki.

"Palagay mo Dale? Ano kayang problema?"bulong sa akin ni Tim. Nagkibit balikat ako. Hindi ko rin alam. Mukha bang mahuhulaan ko ang nasa isip niya?

THE UNEXPECTED Season 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt