Sixty Two: Winter Moon

Start from the beginning
                                    

The little boy sighed and patted the little girl's head. "Baka may sapat naman silang rason kaya hindi nila sinipot ang kaarawan mo ngayon. Atsaka dapat hindi ka nagtatanim ng sama ng loob sa magulang mo..." He smiled. "Hindi naman kasi lahat ng gusto mo ay nakukuha mo at hindi lahat ng mga pangako nila ay natutupad. Atsaka imbis na magmukmok ka rito sa hardin, bakit hindi mo na lang iwaglit muna pansamantala ang kalungkutan mo hangga't kaarawan mo? Dapat magsaya ka muna ngayon," wika nito.

Nag-iwas ng tingin ang batang Eraia. "Alam ko naman 'yon..." Huminga ito ng malalim bago muling tingnan ang batang lalake. "Sandali lang. Ano pa lang pangalan mo at bakit ka nandito sa hardin ng palasyo namin?" kunot-noo'ng tanong nito na mukhang nahimasmasan na.

The little Frost slightly smiled at the little Eraia. "I'm the second prince of Westland Palace, Frost Clarke. Naligaw kasi ako habang naglilibot sa sentrong bayan ng Veintorici at dito ako napadpad," ani nito. "Ikaw, anong pangalan mo?"

The little Eraia plastered a wide and jolly smile like she didn't cried earlier. "I'm Celestina Eraia Lavinia, princess of Veintorici palace," may bahid ng pagmamalaking wika nito.

Hindi na rin napigilan ng batang lalake na napangiti ng malaki dahil sa nakakahawang ngiti ng batang babae.

While Brittany just sighed upon watching the two.

This is how they met. She thought.

Wari lumambot ang kaloob-looban ni Brittany habang pinapanood ang dalawa. Nakakataba ng puso para sa kaniya kung paanong unang nagkakilala ang dalawa.

Nasa isip ni Brittany na iba rin pala talaga ang karisma ng batang si Frost lalo na ang galawan nito. Kaya siguro nagkagusto rito si Eraia. Kung hindi lang talaga nagdududa si Brittany sa pakikitungo ni Frost sa kaniya ay hindi malabong isa ito sa pagkakatiwalaan niya. Hindi niya rin masabi o malaman sa sarili kung bakit hindi nito mapagkatiwalaan ang binata. Iyon kasi ang kutob niya, o tamang sabihin na hinala niya.

Kasabay ng pagpikit ni Brittany ay ang kusa ring paglaho ng dalawang bata sa tabi niya pero hindi pa rin siya nawala sa sariling puwesto niya.

Kunot-noo niyang inilibot ang paningin nang makitang ang pag-alpas ng halaman dahil sa hangin ay tila tumigil. Maging ang mga patay na dahon sa paligid na nagsisiliparan ay sabay-sabay na nakahinto na tila tumigil ang oras ng lugar na ito.

Agad siyang tumayo nang maramdaman na may nagmamasid sa kaniya sa paligid. Pero imbis na hanapin iyon gamit ang mga mata niya ay pinikit niya ang kaniyang paningin upang pakiramdaman ang presensyang nagmamasid sa kaniya. Wala sa sarili siyang napaiking at nagmulat ng mata, saktong nagtama ang paningin niya sa puwesto kung saan nararamdaman niyang presensya.

"Come out," she blankly said habang nakatingin sa puwesto na iyon.

Pero agad din siyang natigilan nang lumabas ang babae galing sa isang may kalakihang puno. Natigilan siya hindi dahil sa gandang taglay nito kun'di dahil pamilyar siya sam ukha ng babae'ng ito.

She blinked twice trying to familiarized the lady's face until the lady went near to her.

Tila nanigas sa puwestong kinalalagyan si Brittany dahil sa nakikita niya ngayon sa harapan niya. "Kim?" wala sa sariling aniya. Kalauna'y dahan-dahang nanlaki ang mata niya.

Hindi niya napigilan ang kaniyang emosyon at unti-unting nangingilid ang luha niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

Paano?

Paanong nasa harapan niya ngayon ang kaibigan niyang iniwan niya dahil mas gusto niyang iligtas ang sarili?

The lady that Brittany called 'Kim' smiled at her slowly nodded her head.  Mahina itong tumawa sa pagmumukha ni Brittany dahil hindi niya inakalang iiyakan siya nito sa muli nilang pagkikita.

"Mukhang nakalimutan mo na ang pinangako ko sa'yo," pormal na ani ng nagngangalang Kim.

"H-Ha?" Wala sa sariling turan ni Brittany, hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. Pilit niyang nilalabanan ang emosyon. Halo-halo ang nararamdaman niya ngayon. Takot, saya, lungkot at gulat ang namayani sa damdamin niya.

Si Kim ang tanging kaibigan ni Brittany na alam ang buong pagkatao niya. Alam nito ang lahat ng bagay sa kaniya kaya dito niya lang ipinapakita ang tunay niyang ugali. Dito lang siya naging makulit, isip-bata at maingay.

"Ang pangako kong magkikita muli tayo sa pagpatak ng snow moon, hindi ba?" Inangat nito ang paningin sa buwan. "Tinupad ko ang pangako ko, Brittany."

Author's note: May trust issue rin po ba kayo sa mga may nams na Kim?HAHAHAHAHAHAHAHAHA me too lods.

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Where stories live. Discover now