CHAPTER 39

301 15 0
                                    

Ano kayang laman nitong malaking regalo na ito?" Kuwestiyon ko sa aking sarili nang may hindi maipintang mukha. Mapasahanggang ngayon kasi ay nahihiwagaan pa rin ako sa laman nitong kulay pulang karton na ang sukat ay mas malaki pa kesa sa akin. "Kanino kaya ito galing?" Tanong ko ulit habang ang mga mata ay hinahagod ng tingin ang karton mula sa ibabang parte nito hanggang sa itaas na parte nito.

Feeling ko tuloy ang liit liit ko dahil sa laki nitong box na ito.

Hindi naman pwede na decoration lang itong box na ito sa loob ng hotel, dahil sa pagkaalalala ko, wala ito sa plano namin, kaya sigurado ako na ang box na ito ay galing sa isa sa mga kaibigan ko. Pero, para kanino naman? Kay Yvette?

"Alam mo, para kang sira, kinakausap mo sarili mo." Napalingon ako sa kanan kong parte nang marinig ko ang boses ni Michael. Nang maramdaman ni Michael na nakatingin ako sa kaniya, binigyan niya ako ng isang madaling sulyap, at nginitian, pero hindi kalaunan ibinalik na din nito ang buong atensyon sa malaking regalo na nasa harap namin na mayroon ding malaking laso na sumasayad sa sahig na tinatapakan namin ngayon.

"Mic, anong laman niyan? Tao? Andyan ba si Yvette?" Natatawa kong biro na siya rin namang ikinatawa ni Michael.

Kahapon dapat namin isusupresa si Yvette, dahil kahapon ang birthday niya, kaso ang problema wala naman ang birthday girl dito kahapon, dahil nasa ibang bansa siya kasama ang pamilya niya, at doon nila sinilebrate ang birthday ni Yvette. Hindi pa nga dapat uuuwi ng Pilipinas si Yvette, eh, kaso kinuha siyang Ninang ng pinsan ni Michael para sa biyag ng anak nito, at hindi naman kayang tumanggi ni Yvette dito, kaya wala na siyang nagawa at umuwi na lang nh Pilipinas. Mabuti nga at Singapore lang ang bansang pinuntahan nila ng pamilya niya, kasi kung malayong bansa ang pinuntahan nila, sigurado ako, matatagalan ang pagdating niya dito sa Pilipinas. Oo nga pala, ang ibig kong sabihin sa binyag na dadaluhan ni Yvette ay itong surpresa na hinanda namin para sa kaniya. Kinuntiyaba lang namin ang pinsan ni Michael, para makauwi si Yvette ng Pilipinas, at para hindi masayang itong supresang hinanda namin para sa kaniya. Ang mahal kaya ng bayad ng room na binook namin para lang dito sa birthday niya, mabuti nga at hindi nasayang ang pera namin eh, kasi kahapon talaga dapat namin gagamitin itong malaking room na ito, mabuti na nga lang at pumayag ang management na ngayon namin gagamitin ang room, kaso nga lang may dagdag na bayad.

"Ang laki laki talaga ng box, feeling ko talaga may laman yan." Pagsasalita mo matapos ang ilang minutong katahimikang namayami sa amin ni Michael at sadyang ang mga naglilibot lamang naming mga mata ang gumagalaw.

"Baka decoration lang." Sagot naman ni Michael habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa malaking regalo.

"Decoration?!" Medyo napataas ang boses ko dahil sa narinig mula sa kaniya. "Ang laki laki namang decoration niyan." I said with a sarcasm voice.

Tumawala lang naman si Michael at iniiling ang ulo, hindi kalaunan ay nagpaalam na ito sa akin na babalik na ito sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin ngayon. Tumango lang naman ako sa kaniya at naiwang nagtataka pa rin ang mukha dahil sa malaking regalo na nasa harap ko.

Napahinto lamang sa pagtitig ang mga mata ko sa malaking regalo nang pakiramdam ko ay parang bumigat ang kanan kong balikat na nagsanhi upang matuon dito ang buo kong atensyon. Ang puso ko ay biglang bumilis ang tibok at ang mga mata ko ay biglang bumilog nang sa pagtingin ko sa aking balikat, isang kamay agad ang bumungad sa akin, at para akong nakakita ng multo nang sa paglingon ko sa aking likod, ang walang ekpresyon na mukha agad ni Zeil ang nakita ko. Dahil sa mga pinaghalo-halong emosyong naramdaman ko nang makita ang walang emosyong mukha ni Zeil, napasigaw ako ng malakas at hindi kalaunan ay nawalan ng balanse ang katawan at muntikan na sanang mapasubsob ang likod ko sa malaking regalo nang agad na nayakap ni Zeil ang bewang ko na nagsanhi para hindi matuloy ang sanang pagsubsob ng likod ko sa malaking regalo.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now