CHAPTER 27

275 12 0
                                    

Matapos ng nangyari kanina, hindi ko na alam kung papano ko ba hahanapin si Lola. Natatakot ako na kinakabahan.

Kanina nang pinagbuksan ko ng pintuan si Zeil, hindi ko alam na nasa likuran ko pala si Lola. Sinundan nya pala ako at nang makita nya si Zeil agad na nag-init ang ulo nito at walang sabi-sabing sineraduhan nya ng gate si Zeil at pinagbataan na layuan na ako at huwag ng babalik sa bahay namin.

Ito ang palagi kong tinatanong kay Zeil, ito ang palagi kong sinasabi sa kaniya na pa'no kung biglang dumating si Lola? Pa'no kung malaman nya na may relasyon kami? Pa'no na ang relasyon naming dalawa? Pero lahat ng tanong ko pinagsasawalang bahala lang naman nya, na para bang hindi iyon big deal sa kaniya. Oo, alam ko dapat labas na si Lola dito, dapat hindi na siya nangingilam dahil matanda na ako at nasa wastong edad na rin naman ako para pumasok sa isang relasyon. Pero kahit na, ang opinyon nya ay mahalaga pa rin sa akin dahil pamilya ko siya. Dahil Lola ko sya, at ayaw ko na kapag nasa isang relasyon ako may isa akong pamilya na tutol sa pakikipagrelasyon ko dahil alam ko na magiging dahilan ito upang naghiwalay kami ng taong karelasyon ko.

"Delaney! Lumabas ka dyan! Mag-uusap tayo!" Malakas at halatang galit na galit na sigaw ni Lola habang malakas ring kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

Napalingon naman ako sa pintuan at napahilamos ng mukha.

"Delaney!" May babala na sa pananalita ni Lola.

Hindi pa rin ako kumikibo sa kinauupuan ko at nanatili pa rin akong nakatitig sa pintuan ng kwarto ko na ngayon ay lumilikha nang maingay na tunog dahil sa ginagawang malakas na katok ni Lola.

Simula nang paalisin nya kanina si Zeil, hindi na ako lumalabas ng kwarto ko, at sa tingin ko mag-iisang oras na akong andito sa loob, laking pasasalamat ko na nga lang at hindi ako naiihi o napapatae dahil kung mangyari man iyon no choice ako, I have to go out in my room.

"Don't provoke me to forcefully open this goddamn door, Delaney! Alam mo kung pa'no ako magalit! I'm warning you! Open this door at mag-uusap tayo!" Malakas na sigaw nito na nagpatulo ng luha ko. "Delaney!" Sigaw nya ulit sa pangalan ko at ngayon ay parang sinusuntok na nya ang pintuan ng kwarto ko.

I still didn't move and still didn't say any words, I just bow down my head which causes to slide my tears freely from my eyes.

Ayaw kong harapin si Lola dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kaniya at saka ayaw kong ilabas ang lahat ng galit na nararamdaman ko sa kaniya.

"Delaney!"

I just shook my head and wipe my own tears. When my palm touched my eyes, I immediately felt how hot the liquid was coming out from my eyes.

"Ano ba, huminto ka na please..." Naiinis kong saad sa sarili ko nang mapansin na kahit anong punas pa man ang gawin ko, hindi pa rin matigil-tigil sa pagtulo ang mga luha ko at hindi pa rin matuyo-tuyo ang mukha ko. Mayat-maya kasi ang tulo ng mga luha ko na siyang nagsasanhi upang mainis ako.

"Mom! Stop it! Huwag mong pilitin si Delaney na lumabas kung ayaw naman nya." Rinig kong saway ni Mommy kay Lola na nagpahinto sa pagpupunas na ginawa ko.

"Mag-uusap kami ng anak mo, Lenny." Mahinahon na sagot ni Lola at bumalik nanaman sa pagkakatok.

"Mom, stop it, masisira mo na yang pinto."

"Delaney! Open the door! Mag-usap tayo! Huwag kang magtago d—"

"Mom! Ano ba!" Sa pagkakataong ito tumaas na ang boses ni Mommy na naging dahilan upang mapahinto si Lola sa pagkakatok.

"Ano ba Lenny?! Kakausapin ko lang naman ang apo ko! Tatanungin ko kung bakit andito yang Mellanon na yan! At bakit alam nyang Mellanon na yan ang bahay ninyo?!"

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now