CHAPTER 32

317 18 0
                                    

"Delaney, did your father came home last night?" Tanong ni Mommy sa akin habang ang mga mata ay papikit-pikit na, halatang inaantok na, pero pinipigilan pa rin niya ang sarili nya na matulog.

Andito ako ngayon sa loob ng kwarto nina Mommy at Daddy, kinukumutan ko si Mommy para makatulog na, dahil kagabi pa ito walang tulog.

"Kaninang madaling araw? Hindi ba siya umuwi?" Tanong ulit ni Mommy sa akin, ngunit katulad nang ginawa ko kanina, hindi ko pa din siya sinagot.

"Mom, matulog na kayo. Ang laki laki na ng eye bags nyo tapos ang liit liit na ng mga mata ninyo." Sabi ko na lang sabay ngiti sa kaniya.

Hindi naman ako pinansin ni Mommy ngumuti lang ito sa hangin at maya maya lamang ay may patak na ng luha ang tumulo mula sa kaniyang mga mata. Handa na sana akong punasan ang luhang ito nang itagilid ni Mommy ang kaniyang ulo, at siya na mismo ang nagpunas ng luhang ito.

Sa totoo lang awang-awa na ako kay Mommy, kagabi pa ito walang tulog dahil hinihintay niyang umuwi si Daddy, pero sa mahigit ilang oras niyang paghihintay, walang Daddy ang nagpakita, walang Daddy ang umuwi. Matapos kasi nang nangyari kahapon, bigla na lang umalis ng walang pasabi si Daddy, tinatawagan ko siya kagabi, pero kinocall-ended naman niya ang bawat tawag ko sa kaniya. Tinitext ko siya, tinatanong kung nasaan siya, sinasabi na umuwi na siya, pero hindi naman niya sinasagot ang bawat text messages ko sa kaniya. Dahil sa nangyari kahapon hindi nakakain ng maayos si Mommy, nakadawalang subo lamang ito ng kutsara, laking pasasalamat ko na nga lang at tinanggap niya ang gatas na ibinigay ko sa kaniya, dahil kahit papano nagkaroon ng laman ng sikmura niya. Ginugol lamang niya ang buo niyang oras kahapon sa kahihintay kay Daddy. Nakaupo lamang siya ng buong magdamang kahapon sa sofa, matiyagang hinihintay si Daddy habang hawak hawak ang cellphone niya, umaasa na baka tatawag o magtetext man lang si Daddy, pero hindi ito nangyari kahapon. Walang tawag o text na natanggap si Mommy.

"Your Dad doesn't love me anymore, Delaney." Napapikit naman ako ng mariin, pinipigilan ang sarili na masaktan dahil sa sinabi ni Mommy. Nang handa na akong imulat ang mga mata ko umupo na ako sa may uluhan ni Mommy at sinuklay-suklay ang buhok niya.

"Daddy loves you so much, Mommy. Nasaktan lang yun kaya ganoon." Sabi ko na lang habang ang puso ay nadudurog nanaman.

"Mahal?" Mahinang tanong ni Mommy. "Pero gustong makipag-annul?"

Napapikit ulit ako ng mga mata.

Ganito pala ang feeling kapag umalis nang walang pasabi ang Tatay mo no? Masakit. Ganito pala ang feeling kapag gusto nang makipaghiwalay ng Daddy mo sa Mommy mo no? Nakakapanghina. Ganito pala ang feeling kapag nakikita mong umiiyak ang Mommy mo no? Nakakapangdurog ng puso.

"Mom, matulog na kayo, wala pa kayong tulog..."

"Pa'no ako matutulog kung wala ang Daddy mo? Kung galit ang Daddy mo sa akin? Pa'no ako matutulog kung alam kong hindi na ako mahal ng Daddy mo? He wants an annulment." Pagak na tawa ni Mommy.

Natahimik naman ako dahil sa sinabi ni Mommy. Pilit kong pinapagana ang utak ko para may maisagot ako kay Mommy, pero kahit anong pilit ko, walang ibang naiisip ang utak ko kundi ang sakit.

"Umalis siya Delaney...umali siya ng walang pasabi, umalis siya ng hindi man lang ako pinagsasalita ng maayos."

"Nagpapalamig lang yun si Daddy, Mommy. At tiyaka mahal ka non, iniyakan ka nga eh. Diba sabi mo sa akin kapag iniyakan ka ng isang tao, ibig sabihin non mahal ka niya. Nadala lang siguro ng galit si Daddy kahapon —"

"Galit? Saan naman? Bakit naman siya magagalit sa akin? Kung alam naman niyang siya ang mahal ko."

Natahimik ulit ako at tinuon ko na lang ang buo kong atensyon sa pagsususuklay ng buhok ni Mommy, habang ang utak ay nililipad nanaman ng hangin.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now