CHAPTER 28

283 17 0
                                    

"I thought darating ang boyfriend mo..." Napalingon ako sa taong nagsalita nito.

Pagharap ko sa aking likod, agad na bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Lola na para bang nang-iinis pa ito sa akin. Hindi ko na lang naman ito pinansin at ibinalik ko na lang ulit ang buo kong atensyon sa harap ko at doon ako napairap. Ayaw kong irapan ng harap-harapan si Lola.

"Nasaan na ngayon ang boyfriend mo, Delaney? Akala ko ba darating sya ng—"

"Pwede ba Lola kung mang-iinis ka lang din naman, pwede ba pumasok ka na lang sa loob ng bahay?" Sarkastiko kong saad sabay baling sa kaniya. Kanina pa ako nag pipigil, pero hindi ko na kaya.

"Nag-aaalala lang naman ako sa iyo, apo." Mababakas sa kaniyang bases na nag-aalala nga talaga siya ganoon na din sa kaniyang mga mata. "Kanina ka pa andito sa labas ng bahay, kanina mo pa siya hinihintay, kanina ka pa naghihintay —"

"Lola, wala naman akong sinasabing kaawaan mo 'ko." Bumuga ako ng hangin at ngumiti ng pilit sa kaniya. "Dito lang ako sa labas, hihin—"

"Delaney, anong oras na? Magdidilim na oh—"

"Sabi ko dito lang nga ako!" Nakita ko naman kung papano natigilan si Lola dahil sa biglaan kong pagsigaw. Agad naman akong napapikit ng mga mata. "Bakit ba kasi ang kulit kulit ninyo? I'm fine Lola, totally fine I don't need your sympathy. I'm ok—"

"But, Delaney —"

"Mom!" Sabay naman kaming napalingon ni Lola sa taong nagsalita nito.

It's Mommy.

"What are you doing here, Mom? Malamig dito, baka lagnatin ka..." Nag-aalalang tanong ni Mommy kay Lola.

"Andito ako para papasukin si Delaney sa loob, baka mamaya siya ang lagnatin at hindi ako." Sagot naman ni Lola na siyang ikinairap ko ulit.

Hindi na ako bata at tiyaka kaya ko na ang sarili ko.

"I'm not a baby anymore, Lola." Wala sa sarili kong sagot. "At saka kaya ko naman eh," Pabalang kong sagot.

Nakakainis.

"Delaney!" May babala sa tono ng pananalita ni Mommy.

"What?!" Tanong ko sabay lingon kay Mommy nang nakakunot ang noo at nakakrus ang dalawang braso.

Hindi naman ako sinagot ni Mommy pero alam ko na nagtitimpi lang siya ng galit sa akin.

"Mom, pumasok na kayo sa loob ng bahay. Ako na ang kakausap kay Delaney." Hinagod ni Mommy ang braso ni Lola na para bang pinapakalma nya ito. Bumuntong hininga lang naman si Lola at tipid na ngumiti sa akin bago tumalikod at naglakad papasok sa loob ng bahay namin.

Nang makasigurado na ako na wala na si Lola tiyaka ako tumalikod kay Mommy at bago ko pa naman tuluyang maitalikod ang likod ko sa kaniya, hinawakan na nito ng mahigpit ang braso ko at hinarap ulit sa kaniya.

"What?" Tanong ko sabay taas ng isang kilay.

"What was that?" She asked angrily as her eyes are also burning in anger.

"Anong what was that?" Pagmamaang-maangan ko pa sabay taas ng dalawa kong kamay na para bang nagmamalimos ako. Nagmamaang-maangan ako kahit na alam ko naman kung ano ang ibig nyang sabihin.

"Really, Delaney?" Si Mommy at lumapit pa ito ng bahagya sa akin, tiyaka lang naman ako sumeryoso at umayos ng tayo. "Your Lola, is just concerned about you, about your health, then you will just treat her like that? You will just treat her like nothing?"

"So what do you want me to do Mommy? Act like I'm happy? Even I'm not? Ganoon ba Mommy? Ganon-ganoon na lang yun Mommy? Matapos nya akong sampalin kahapon, gusto mo tratuhin ko sya na parang okay lang? Na parang hindi ako nasaktan sa ginawa nya kahapon? Na parang katanggap-tanggap yung rason nya kaya nya gustong maghiwalay ni Zeil?" I finger coated the word 'katanggap-tanggap' and 'rason' using my imitating face.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now