CHAPTER 16

414 47 2
                                    

"Good Afternoon Miss Delaney Shell Marquez, I'm Pritzker Zeil Mellanon. Twenty-six years old. My hometown is Davao City and I'm a graduate of BS Biology Major in Zoology, in short I'm a licensed zoologist." Wika ni Zeil habang nakatayo sa harapan ko, at ang labi ay halos mapunit na dahil sa lapad ng kan'yang ngiti.

Napakunot ako ng noo at kasabay nito ang pagbilog ng dalawa kong mga mata.

Zoologist?! Zoologist s'ya?! 'Yong totoo? Graduate s'ya?!

Pero ano munang zoologist? Ngayon ko lang ito narinig.

"Zoology is a branch of biology that studies the animal kingdom including the structure, embryology, evolution, classification, habits, and distribution of all animals, both living and extinct and how they interact with ecosystem. Our ecosystem." Pagsasalita ni Zeil nang makita nitong nagtatanong ang mga mata ko. Napaangat naman ako ng ulo at nang magtama ang mga mata naming dalawa, agad n'ya akong kinidatan. Pagkatapos n'ya akong kindatan, umupo ulit s'ya sa tabi ko.

"Ano? Gulat ka na naman?" Natatawa nitong tanong sabay hilig ng kan'yang katawan sa akin. Agad ko namang naramdaman ang bigat n'ya pero pinagsawalang bahala ko lamang ito.

Hindi ko inaakala na ang taong nasa tabi ko ay nakapagtapos pala ng pag-aaral at isang licensed zoologist. Hindi ko inaakala na gano'n pala s'ya, pero kung makalait ako sa kan'ya wagas.

"M-May course ba na ganoon dito sa Pilipinas?" Nag-aalalangan kong tanong sabay lunok ng laway. Hindi ko alam pero nahihiya ako sa tanong ko, para kasing wala akong alam, pero totoo naman kasi, wala naman talaga akong alam kung may course ba na gano'n dito sa Pilipinas. It's my first time to hear that kind of course.

Bago sagutin ni Zeil ang tanong ko umayos muna ito ng upo at itinuon ang buong atensyon sa ibang bagay habang nakangiti ang labi. "Mayroon namang BS Biology major in Zoology dito, kaso sa ibang bansa pa ako nag-aral. Sa Sweden."

Sweden?!

Kaagad na nagpantig ang dalawa kong tenga ng marinig ang bansang Sweden.

'Yong totoo?! Nakarating na s'ya doon?! Sweden is my dream country! Isa ang Sweden sa mga bansang gusto kong puntahan! Tapos s'ya, nakarating na pala doon!

God!

Nakakaingit!

Ngayong nabanggit ni Zeil ang bansang Sweden, hindi ko na naman mapigilan ang mangarap at magday dream. Simula bata pa lamang kasi ako, gusto ko na talagang pumunta sa Sweden o sa America, pero ayaw naman nina Mommy at Daddy, they rather choose to stay in our hacienda than to go abroad. Minsan naiingit ako sa mga kaklase ko noong nasa college ako dahil nakarating na sila sa bansang 'yon habang ako hindi pa. Gustong-gusto ko talagang pumunta doon dahil gusto kong mameet ang King nila, as if naman na ma-me-meet ko talaga, at gusto ko ring pumunta sa bansang 'yon para mapuntahan ang mga sikat na destinasyon doon. Tapos itong si Zeil, nakarating na pala doon at nakapag-aral pa!

Naguguilty tuloy ako.

Kung anu-anong mga masasakit na salita kasi ang mga pinag-iisip at pinagtatapon ko sa kan'ya, tapos s'ya, nakarating na pala sa Sweden, tapos ako hindi pa. Nakakaingit na nakakainis.

Tumigil lamang ako sa pag-iisip ng kung anu-anong mga bagay at natuon ang buo kong atensyon kay Zeil nang mapansin na bigla s'yang natahimik at bigla rin s'yang naging seryoso. Ang kan'yang mga mata ay nakatuon sa ibang bagay at halatang nililipad din ng hangin ang kan'yang isip.

"Bakit parang hindi ka masaya na nakapag-aral ka sa Sweden?" Tanong ko sabay kuwit sa kan'ya

Napakurap-kurap naman s'ya ng mga mata at pagkatapos nito napalingon s'ya sa akin. Hindi s'ya nagsasalita, basta lamang s'yang nakatitig sa akin habang ang kan'yang mga mata ay may bahid ng kalungkutan ngunit ang kan'yang mga labi naman ay nakangiti. A forced smile.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now