CHAPTER 31

381 16 0
                                    

Pareho ng namamaga at namumula ang dalawa kong mga mata, pero wala pa rin itong kapaguran sa paglabas ng mainit na likido na bumababa papunta sa labi ko. Ang dalawa kong braso ay parehong nakapatong sa dalawang tuhod ko na nakataas, habang ang ulo ko naman ay nakayuko.

Kanina ko pa gusto kong huminto sa pag-iyak dahil kanina pa ako pagod na pagod sa kaiiyak, kanina pa pagod ang katawan ko, pero itong mga mata ko ay parang walang kapaguran sa kaiiyak.

How I wish I didn't woke up today. How I wish I just slept all day. How I wish all the pain and sadness that my heart feels will vanish away...but how will it happen? If my body used to do it all day? How will it happen if my body has been used to do it for the past few weeks and days? Before I'll go to my bed, the last thing that I do was to cry, then when I wake up, tears will immediately dripped down in my eyes. This is my daily routine. My daily routine is to cry all night and day.

Grabe din kasi kung maglaro ang mundo at tadhana, isipin mo ex-boyfriend din pala ni Mommy ang Papa ni Zeil. Isipin mo siya pala ang babaeng kwinikwento sa akin ni Zeil. At isipin mo, siya pala ang unang babae na nakasuot at nakapag-may-ari ng bracelet na ibinigay ni Zeil sa akin.

Ang gandang plot twist ng buhay ko. Kaya ngayon, malinaw na malinaw na sa akin ang lahat. Malinaw na sa akin kung bakit ganoon na lang ang gulat ni Mommy nang pumunta ang Lolo at Papa ni Zeil dito sa bahay. Malinaw na sa akin kung bakit ganoon na lang kung makatitig ang Papa ni Zeil kay Mommy. Ngayon malinaw na malinaw na sa akin kung bakit parang naiilang si Mommy noong andito ang Lolo at Papa ni Zeil. Kasi nga naging magkarelasyon din pala sila ng Papa ni Zeil.

Ang galing lang.

Now I wondered if Mommy really loves Daddy. I'm now questioning her love for my Daddy. Is she really inlove with my father? Or she's just faking her feelings for my Daddy? For the sake of this family, and of course for the sake of me.

People say, it hurts to know the truth and they were right. Pero, walang makakatalo sa sakit na naramdaman ko kahapon nang malaman ko ang buong katotohanan ng harap-harapan. Hindi ko alam kung maiinis ba ako at magagalit o matutuwa at magpapasalamat sa nangyari kahapon.

Nagtalo lang naman sila Mommy at Daddy kahapon sa hospital and take note andoon ako sa tabi nila habang nagtatalo sila. I can't explain my feelings yesterday while watching my parents arguing because of this simple thing. Pinagtatalunan lang naman nila ang paghatid ni Mommy kina Zeil papuntang baba ng hospital kahapon. Aaminin ko, nung una nagalit ako kay Daddy, kasi napakaseloso niya. Nilalagyan niya kasi ng malisya ang simpleng paghatid na ginawa ni Mommy kahapon. But, when I heard my father's reason why he's acting like that, I feel like my whole world collapsed for a moment. It was as if I was suddenly weakened because of what I heard, and my body suddenly felt numb and cold.

Napangisi naman ako ng hilaw.

In just one day dalawang pasabog agad ang nalaman ko. Una ang pagbubuntis ni Lola. Kahapon nalaman ko na ang pagbubuntis ni Lola ay hindi nagtagumpay dahil nakunan ito nang itulak siya ng Lolo ni Zeil nang itulak ni Lola ang Lola ni Zeil na sa mga oras na iyon ang buntis din pala. Grabe din itong Lolo ni Zeil, sharp shooter. Dalawang babae ang nabuntis niya. Sa tingin ko iyon ang dahilan ni Lola kaya galit na galit siya sa pamilya ni Zeil. Nakunan siya dahil tinulak siya ng ama ng dinadala niya para ipagtanggol ang babaeng nabuntis niya, pero hindi niya alam buntis din pala si Lola noong mga sandaling iyon, kaya ngayon nagsisisi ako dahil hindi ko man lang nagawang alamin ang totoong dahilan ni Lola kung bakit siya galit na galit sa mga Mellanon. Kahit hindi pa ako isang ina, pero bilang isang babae alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng anak, what more kay Lola diba? Pangalawa ang relasyon nila Mommy at ng Papa ni Zeil. Nakakatawa pero ang galing...

History repeat itself.

Nagsimula kay Lola, napunta kay Mommy, tapos ngayon sa akin naman? Sa amin naman ni Zeil? Ano bang gustong mangyari ng mundo at ng tadhana?

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now