CHAPTER 36

305 15 0
                                    

Agad akong kumatok sa pintuan ng kwarto ni Lola nang nasa tapat na ako nito.

"Pasok!" Rinig kong sigaw ni Lola mula sa loob. Napangiti naman ako dahil dito at agad na pinihit ang doorknob gamit ang isang kamay habang ang isang kamay naman ay ang may hawak ng isang basong tubig at ang gamot na ineresata ng doctor kay Lola.

Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto ni Lola, agad ko siyang nadatnan na nakahiga habang ang mga mata ay nakatutok lamang sa kisame ng kwarto niya na para bang may malalim siyang iniisip.

"Hi Lola!" Bati ko sa kaniya habang nakangiti na nakaagaw ng atensyon niya. Nang marinig ni Lola ang boses ko, agad siyang napabangon at agad ring napaupo ng maayos. "Time for your meds!" Nakangiti kong sigaw habang ang mga mata ay hindi maalis-alis sa malungkot na mukha ni Lola.

Napakunot naman ako ng noo habang nakanguso.

Nang makaupo na ako sa tabi ni Lola, hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mukha nito, kahit na nakangiti siya ng malapad.

"Lola, hindi ka ba masaya na ako ang naghatid ng gamot mo?" Ito ang naiisip kong dahilan kaya malungkot si Lola. Kasi noong mga nakaraang araw kapag sila Mommy o Daddy ang naghahatid sa kaniya ng gamot masaya naman siya, pero bakit pagdating sa akin hindi?

"Why are you asking me that kind of question? Syiempre masaya ako, ikaw ang nagdala eh." Sa pagkakataong ito nakangiti na si Lola. Isang ngiti na totoo, at ngiti na umabot hanggang sa kaniyang mga mata. At dahil sa ngiti na iyon, napanatag na ang puso.

"Akala ko talaga ayaw mo 'kong makita eh," Pagdradrama ko habang ang boses ay parang nagpabebe.

Umiling-iling naman si Lola at kinuha ang baso ng tubig sa kanan kong kamay at akala ko ay iinomin nya ito nang ilagay niya ang baso ng tubig sa kabilang banda ng kama nya kung saan nakapwesto ang maliit niyang mesa. Pagkatapos niyang ilagay ang baso ng tubig sa maliit na mesa, humarap ulit sa akin si Lola habang nakangiti pa rin ng malapad, kaya ngayon ang puso ko ay hindi na maawat sa pagkabog ng malakas na naririg ng dalawa kong tenga.

"Araw-araw kitang gustong makita Delaney," Huminto siya at kinuha ang isa kong kamay na nakapatong sa hita ko at pinisil-pisil ito ng mahina. Napangiti naman ulit ako dito. "Araw-araw kitang gustong makita na masaya." Dagdag pa ni Lola habang hindi inaalis ang mga mata sa akin.

Agad naman akong ngumiti ng napakalapad, na nagsasanhi para mabinat ng sobra ang labi ko at pakiramdam ko pati giligad ko ay nakikita na dahil sa lapad ng ngiti ko.

"Ang sabi ko masaya, hindi nakangiti." Natatawang sabi ni Lola.

"Eh, pareho lang naman yun Lola, ah." Pangangatwiran ko. "Kapag nakangiti ka ibig sabihin non masaya ka."

Umiling-iling ulit si Lola. "Hindi lahat ng ngiti dulot ng kasiyahan, kaya hindi ibig sabihin na nakangiti ka masaya ka. Yung iba nga nakangiti, pero nasasaktan."

Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya habang ang mukha ay nagtataka. Naintindihan ko ang huli niyang sinabi, pero yung mga nauna hindi.

"What I mean is may mga tao talagang ngumingiti pa rin kahit na nasasaktan. May mga taong pinipilit pa rin na maging masaya kahit na alam nilang hindi sila masaya. At may mga tao rin na gustong maging masaya pero hindi nila kaya."

Agad namang pumorma ng letrang 'o' ang bibig ko matapos iyon marinig kay Lola.

Hindi ko alam na marunong din palang humugot si Lola.

Ang bibig ko ay parang nabitin sa hangin nang biglang paglandasin ni Lola ang isa niyang hintuturo sa ilang parte ng mukha ko. Para akong kinilabutan sa paraan ng panlandas na kaniyang ginagawa. Ang mga mata ni Lola ay parang kinakabisa ang bawat parte ng mukha ko na madadaan ng kaniyang hintuturo. Ang kaniyang bibig ay nakatikom pero alam ko na may gusto siyang sabihin dahil nararamdaman ko ito. Ang aking puso na kanina pa nagwawala ay parang gusto ng kumawala sa dibdib ko dahil sa pinaghalong takot, saya, at kaba, na nararamdaman ko sa ginagawa ni Lola. Huminto lang si Lola sa paglalandas na kaniyang ginagawa nang mapunta na ang kaniyang hintuturo sa ibang bahagi ng aking mata, medyo napahinto pa siya nang dito siya dalahin ng kaniyang hintuturo, pero hindi kalaunan ay ibinaba na niya ang kaniyang daliri at huminto na sa paglalandas na kaniyang ginagawa.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon