CHAPTER 30

340 20 0
                                    

"Delaney..."

Narinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko, pero tulad ng ginawa ko kanina hindi ko pa rin siya pinansin at nanatili pa ring nakayuko ang ulo ko habang ang mga mata ay nakatutok lang sa puting sahig ng hospital.

Kanina, matapos umiyak si Lola, matapos niyang sumigaw at magalit bigla siyang namutla at hindi makahinga. Ang buo niyang mukha ay biglang pumutla na para bang nawalan siya ng dugo, habang ang kaniyang kanang kamay naman ay nakatapat sa kaniyang puso na para bang nahihirapan siyang huminga, kaya ngayon andito kaming lahat sa hospital. Agad kasi naming dinala si Lola sa hospital at sa tingin ko mag iisang oras na kaming andito. Si Mommy ay umuwi muna sa bahay para kuhaan ng damit si Lola dahil ang sabi ng doctor na sumuri kay Lola kailangan nitong iconfine sa hospital para masuri nila ng maayos ang kalagayan ni Lola.

Hindi ito ang unang pagkakataon na atakehin si Lola sa sakit nito sa puso. Lola has Congenital heart defect, dala-dala na niya ito simula pinanganak pa lamang siya at ngayon ko lang ito nalaman, nalaman ko lang ito nang sabihin ito ni Mommy sa doctor na sumuri kay Lola.

Ang sabi ng doctor na sumuri kay Lola kanina, bawal namin siyang estressin o gumawa man lang ng bagay na makakapag stress sa kaniya, dahil maaari itong maging dahilan para mas lalong lumala ang sakit niya sa puso, pero heto ako...gumagawa ng mga bagay na makakapagstress kay Lola.

Kasalanan ko kung bakit andito si Lola. Kasalanan ko kung bakit nastress si Lola. Kasalanan ko kung bakit ngayon nakahiga nanaman siya sa kama ng hospital.

Lahat na lang dahil sa akin. Lahat na lang kasalanan ko. Lahat na lang ako ang may gawa. Wala na talaga akong nagagawang tama sa pamilyang ito.

Napakagat labi naman ako habang ang ulo ay nakatungo pa rin, pinapabayaan ang bawat butil ng luha na tumulo sa aking hita.

Sabi nila masayang magmahal, at masayang pumasok sa isang relasyon lalo na kapag mahal na mahal ninyo ang isat-isa. Sabi nila walang masama sa pag mamahal, walang masama kung magmamahal ka, pero bakit ganito? Bakit palagi na lang akong umiiyak dahil sa pagmamahal? Bakit unti-unting nasisira ang dating buo at masaya kong pamilya? Bakit ngayon nasa hospital si Lola? Bakit parang kasalanan ang pagmamahal? Bakit ganito ang magmahal?

"Delaney..." Tawag ulit nito sa pangalan ko.

Naikuyom ko naman ang dalawa kong palad at napapikit ng mga mata. Pinipigilan ang sarili na magalit at sumigaw.

"De—"

"Hindi pa ba halata Zeil? Iniiwasan kita? Ayaw kitang makausap. Bakit ba ang kulit kulit mo? Bakit ba lapit ka nang lapit sa akin?" Naiinis kong tanong sa kaniya sabay angat ng ulo ko.

Agad namang bumalandra ang gulat sa mukha ni Zeil nang makita nanaman nya akong umiiyak at basang basa ng luha ang buo kong mukha, pero hindi kalaunan ang gulat sa kaniyang mukha ay napalitan ng lungkot at sakit.

"O-Okay..." Ito na lang ang sabi nya habang marahan na tumatango. Nang sabihin na nya ito saka lang ako bumuga ng hangin at isinandig ang ulo sa pader. Napapikit ulit ako ng mata habang ang utak ay naguguluhan dahil sa mga iniisip.

Ang kaninang dalawang palad ko na nakakuyom ay unti-unti bumabalik sa dati nitong porma. Unti-unti na akong kumakalma. Unti-unti nang humuhupa ang galit sa puso ko. Pero...pero ang luha ko sa mga mata ay hindi, patuloy pa rin ito sa pagtulo na parang wala bang katapusan, na para bang walang kapaguragan.

Nakapikit pa rin ako habang tahimik na umiiyak.

Sana lang, sana lang mali ang iniisip ko, dahil kapag tama iyon alam ko madudurog talaga ako. Alam ko masasaktan talaga ako.

Bigla naman akong napamulat ng mga mata ng maramdamang parang may umupo sa tabi ko. Paglingon ko sa kanan ko nakita ko si Mommy na katulad ko nakasandal din ang ulo sa pader habang prenteng nakaupo sa tabi ko.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now