CHAPTER 34

282 12 3
                                    

"Delaney ang bagal mo namang lumakad, ano ka pagong?" Singhal na tanong ni Yvette sa akin habang ang mga mata ay nanlilisik na nakatingin sa akin.

Inirapan ko lang naman ito at inisang hakbang ang pagitan naming dalawa. Nasa likod niya kasi ako at nakabuntot lamang sa kaniya habang naglalakad.

Andito kami ngayon sa Mall nila Camari, andito kami ngayon dahil may bibilhin daw na mahalaga si Yvette, at dahil wala na akong ibang choice kundi ang sumama sa kaniya, sumama na lang ako.

Kahapon, matapos malaman ng mga magulang ko na gumawa ako ng isang malaking kwentong puno ng kasinungalingan, pinagalitan at pinagsabihan nila ako. Ika nila, hindi dapat ginagawang biro o kasinungalingan ang salitang suicide, dahil napakaseryoso nitong usapin na hindi dapat sinasabi na lang ng basta-basta. Pero noong narinig na nila Mommy at Daddy ang tunay kong rasom kung bakit ko iyon nagawa, agad naman nila akong napatawad, basta daw sa susunod huwag ko na raw itong uulitin at nakangako naman ako sa kanila na hindi ko na ito uulitin. 

"Ano? Tulala ka ah, miss mo na Lola mo 'no?" Pambabasag ni Yvette sa katahimikang namayani sa aming dalawa.

Napalingon ako kay Yvette nang maagaw nito ang atensyon ko. Ngumiti naman ako sa kaniya nang magtama ang mga mata namin at inakabayan siya.

She's right. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas simula nang umalis kami ng bahay namin, ilang minuto pa lamang ang nakakalipas simula nang huli kong nakita si Lola, pero namiss ko na kaagad siya.

Ngayong araw nadischarge si Lola at andoon siya ngayon sa bahay namin, sabi kasi ng Doctor niya, kahit na nadischarge na ito, kailangan pa rin naming obserbahan si Lola kaya minabuti na nila Daddy na sa bahay muna pansamantala si Lola para mabantayan namin ito ng maayos. Marami kaming sumundo kay Lola kanina, dahil sumama ang mga kaibigan ko sa hospital, at noong nasa bahay na kami, nagorder si Mommy ng makakain namin at ganoon na rin ng mainoom, at makalipas ng ilang oras na pagstastay sa bahay namin, nagsimula nang magsialisan ng paisa-isa ang mga kaibigan ko. Ang unang umalis ay sina Camari at Sergie, sumunod naman si Michael dahil may pupuntahan daw sila ng Daddy niya, at noong sina Yvette at Valkyrie na lang ang natira sa bahay, nag-aya si Yvette na magmall kami, kaso bigla namang tumawag ang Mommy ni Valkyrie at pinapauwi ito, kaya at the end kami na lang ni Yvette ang magkasama ngayon.

"Del, sorry huh? Naistorbo pa kita." Anya ni Yvette sabay pisil ng kamay ko na nakaakbay sa kaniya. Napakunot naman ako ng noo. "Sorry kasi naistorbo pa kita, kailangan ko lang kasi talaga ng kasama sa Mall."

"Okay lang, pabor din nga ito sa akin, eh." Pagsisinungaling ko sa kaniya. Nagsinungaling ako kasi bigla siyang nalungkot nang sabihin niya iyon, at dahil ayaw ko siyang makitang malungkot, nagsinungaling nanaman ako.

Hay naku! Buti na nga lang at hindi humahaba ang ilong ko katulad ni Pinocchio, kapag nagsisinungaling.

"I love you na talaga!" Malakas nitong sabi at walang sabi-sabing agad ako nitong yinakap ng mahigpit. Natulos naman ako dahil sa biglaan niyang pagyakap sa akin at napalingon sa paligid namin. Agad akong dinapuan ng kaba nang makitang napahinto ang ilang naglalakad at napapatingin sa amin, ganoon din ang ilang mga taong nag-uusap sa isang gilid.

Dahil sa aking puso na hindi maawat sa pagkabog, at dahil na rin sa kahihiyan na dala ng mga matang nakatingin sa amin, walang sabi-sabing tinulak ko ng mahina si Yvette na nagsanhi upang mabuwal ang dalawang braso nya na nakayakap sa akin. Narinig ko namang nasaktan siya dahil sa pagtulak ko na iyon kaya pasimple ko siyang nilingon na ngayon ay nanlilisik nanaman ang mga mata.

Mas lalo namang kumabog ang puso ko nang makita ang kaniyang mga mata, at dahil sa kabog na rinig na rinig ng dalawa kong tenga, inalis ko na kay Yvette ang atensyon at nagsimula nang maglakad na para bang walang nangyari. Naglalakad ako ng hindi pinapansin ang mga matang alam kong nakasunod sa akin.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now