CHAPTER 17

388 20 0
                                    

"Ano na naman bang pakulo ito, huh? Naku lalaki, sinasabi ko sa'yo." Naiinis ngunit kinikilig kong sambit.

Nagkukunwari lamang ako na galit ako kahit na ang totoo ay kanina pa ako kinikilig. Kanina pa kasi kami naglalakad ni Zeil at hindi ko alam kung saan ba kami papunta. Bukod sa nangangapa ako sa dilim dahil nakapiring ang mga mata ko, nagdadalawang isip din ako kung hihinto na ba ako sa paglalakad o hindi. Natatakot kasi ako na baka may matapakan ako na matulis na bagay na magsasanhi upang dumugo ang paa ko, at natatakot ako na baka matetanos ako dahil sa matatapakan ko. Iniisip ko pa nga lang natatakot na ako, what more kung nakatapak na ako, diba? But knowing Zeil, hindi n'ya ako hahayaan na magkaganoon. Hindi n'ya ako hahayaan na masaktan. He promised me.

"Calm down babe, malapit na tayo."

Kahit nakapiring na ang mga mata ko, hindi ko pa rin mapigilan ang mapairap.

Here we go again. Babe na naman ang tawag n'ya sa akin.

I hate that endearment. Hearing that kind of endearment makes my blood boil in much anger.

Sobrang daming klase ng endearment, tapos ang itatawag n'ya sa akin BABE?

Ewww.

"Here are we." Pagsasalita ni Zeil at kasabay nito ang paghinto namin sa paglakakad, ganoon din ang unti-unting pagluwag ng pagkakahawak n'ya sa dalawa kong braso. Bale nasa likod ko s'ya at ginagabayaan n'ya ako sa paglakakad na para bang isa akong bulag.

Kasabay ng pag-alis nang kan'yang dalawang kamay sa braso ko, ang paglapat ng kan'yang mainit na hininga sa kanan kong tainga.

"I love you..." He softly whispered and later on he chuckled.

Agad namang uminit ang dalawa kong pisngi. Kung kanina ay nakokontrol ko pa ang sistema ko, puwes ngayon ay hindi na. Kusa ng nawawala ang tampo ko at unti-unti itong napapalitan ng galak.

God! Kinikilig ako!

My mouth was about to open to speak up, when suddenly the handkerchief that was covering my entire vision gradually loosening its tightness. Inaalis na ng marahan ni Zeil ang handkerchief na tumatakip sa mga mata ko. Nang matapos na si Zeil sa pag-aalis ng kan'yang piring na pinalibot sa buong mata ko hanggang sa likod ng ulo ko, dahan-dahan ko na ring minumulat ang mga mata ko, at habang ginagawa ko ito, ang sinag ng araw ay unti-unti ng bumabati sa buong mukha ko, lalong-lalo na sa mga mata ko.

Argg! I hate it! Ang sakit sa mga mata!

"I love you again, happy first weeksary..." Wika nito at medyo hinawi ang buhok ko at hinalikan ako sa gilid ng leeg ko.

Natulos ako sa aking kinatatayuan at ang puso ko ay unti-unti nang nabubuhay at kumakabog ng napakalakas. Kahit ayaw ko pang alisin ang dalawa kong palad sa mukha ko, inalis ko pa rin ito at matapang na sinalubong ang bawat sinag ng araw. Dahil sa ginagawa ko, nararamdaman kong unti-unting lumalabo ang mga mata ko, ngunit hindi ito nagiging dahilan upang hindi ko makita ang kung anong nasa harapan ko, harapan namin ni Zeil.

Medyo napapitlag ako nang maramdamang unti-unti pumapasok ang dalawang braso ni Zeil sa pagitan ng braso at bewang ko.

"A-Anong....a-anong mayroon? Bakit may pagkain?" Inosente at naguguluhan kong tanong kay Zeil.

Sa harapan kasi namin ni Zeil ay may isang malaking tela na nagsisilbing sapin sa mga damo at lupa. May tatlong medyo malaking basket rin sa harapan namin na ang laman ay puro pagkain at may dalawang karton rin ng fresh milk na sa tingin ko ay malamig, dahil ang karton nito ay medyo basa at may butil-butil rin ng tubig.

Weeksary? Namin? Weeksary namin ngayon?

Napapitlag ulit ako nang pwersahang higitin ni Zeil ang dalawa n'yang braso na nakayakap sa akin. Agad ko namang s'yang hinarap nang may nakataas na kilay at nakakunot na noo, handa na sana akong sigawan s'ya nang maunan n'ya ako sa pagsasalita.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon