CHAPTER 35

272 14 0
                                    

Agad akong humagalpak ng tawa nang makitang madulas ang bidang babae sa teleserye na pinapanood ko.

Ang tanga-tanga. Nakita na nga niya na basa sa lugar na yon, doon pa talaga dumaan.

Ang tanga-tanga mo.

"Tawang-tawa ah," Napalingon ako sa aking likod nang marinig ko ang boses ni Daddy mula doon. Nginitian ko lang naman siya at sinundan ng tingin na ngayon ay umiikot para tumabi sa akin. Nang nasa tabi ko na siya, agad kong ibinaba ang isa kong paa na nakataas sa sofa na kinauupuan ko at umurong ng konti para makaupo ng maayos si Daddy.

It's been a week since Daddy came back home, and it's been a week since his relationship with Mommy got okay. Sabi ni Daddy, dala lamang daw ng kaniyang galit at sakit na naramdaman kaya niya nasabi na magfifile siya ng annulment, pero ang totoo daw ay natatakot siya dito. Natatakot siya na maghiwalay sila ni Mommy. Noong tinanong namin ni Mommy si Daddy kung nasaan siya ng mga araw na wala siya sa bahay, ang sagot niya ay nasa hospital siya, at siya ang nagbabantay kay Lola. Tama si Michael noong sabihin niya sa akin na si Daddy ang nagbabantay kay Lola.

Noong pumunta daw ako sa hospital para bantayan at bisitahin si Lola ay nasa ground floor siya ng hospital, at nang makita niya akong naglalakad papunta sa may elevator, mas minabuti na lang daw niya na huwag bumalik sa kwarto ni Lola para hindi ko siya makita, at para hindi daw niya ako makitang umiiyak.

"Tatanga-tanga kasi yang si Coleen," Sabi ko sabay turo sa TV. Si Coleen ang bidang babae sa pinapanood kong teleserye at ginagamapanan ito ni Sydney. Si Sydney na kaibigan ko.

May katagalan na rin itong teleseryeng pinapanood ko, sa tangin ko mga tatlong taon na rin ang nakakalipas simula nang ipabalas ito sa TV, at ngayon nireplay ulit ang teleseryeng ito. Hindi ko alam kung bakit nireplay ulit ito ng ADC, siguro dahil na rin sa demand ng mga tao na ireplay ang teleseryeng ito. Sa pagkakaalam ko kasi sa lahat ng mga ginawang teleserye ng ADC, ito ang pinakasumikat at inaabangan ng tao. Or baka may ibang dahilan ang ADC kaya nila ito nireplay.

"Tinawag mong tanga ang kaibigan mo? Diba kaibigan mo si Sydney?" Daddy asked in disbelief.

"Dad, hindi naman si Sydney ang sinasabihnan ko ng tatanga-tanga, kundi si Coleen, ang character na ginagampanan nya." Pagpapaliwanag ko kay Daddy habang ang mga mata ay nakatutok sa TV.

"Ahh, akala ko kaibigan mo ang sinabihan mo ng tatanga-tanga." Natatawang sabi ni Daddy na ngayon ay nanonood na rin ng teleserye.

Nilingon ko naman si Daddy at agad na sumiksik sa kili-kili niya. Nang nakasiksik na ang ulo ko sa kili-kili nya agad kong ipinalibot ang dalawa kong braso sa katawan niya.

Namissed ko ang Daddy ko. Sobra. Kapag tumatabi o nagkakatabi kami ni Daddy, palagi ko siyang yinayakap ng mahigpit, yinayakap ko siya na para bang pinipigilan ko siyang umalis ulit. Natatakot kasi ako na baka mamaya umalis nanaman siya, pero nangako naman siya sa amin ni Mommy na hindi na siya aalis ulit, at pinanghahawakan ko ang panngakong iyon.

"Sweety, hindi na ako aalis, palagi na akong nasa tabi ninyo ng Mommy mo." Natatawang sabi ni Daddy nang mapansin na ang higpit higpit ng pakakayakap ko sa kaniya.

"Natatakot lang ako Daddy, baka kasi mamay–"

"Promise anak, hindi na mauulit. Hindi ko na talaga makakaya kapag iiyak nanaman ang Mommy mo nang dahil sa akin, kasi noong makita ko ang Mommy mo na ganoon ang itsura, parang gusto kong patayin ang sarili ko dahil ginawa ko iyon sa kaniya, at hindi ko na din makakaya pa kapag marinig ko nanaman na nagmamakawa at umiiyak ka ng dahil ulit sa akin, kasi noong marinig kitang umiyak at nagmamakaawa, pakiramdam ko wala akong kwentang Ama, kasi dapat yung Ama ang nagpapasa sa anak eh, hindi nagpapaiyak."

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon