CHAPTER 15

453 20 1
                                    

Andito na sila.

Senyorita!" Tinawid na ni Bong ang dalawang dangkal na layo namin sa isa't isa  sa pamamagitan ng isang malaking hakbang.

Ngayong andito na si Bong sa harapan ko, hindi ko mapigilan ang mapalinga-linga.

S'ya lang ang andito?

Nasaan si Zeil?

Napahinto lang ako sa paglinga-linga at natulos ako sa aking kinatatayuan nang may maramdaman akong dalawang kamay na pilit pumapasok sa pagitan ng dalawang braso at bewang ko.

"Hmmm..."

Napangiti naman ako ng mabosesan kung sino ang taong nasa likuran ko at binigyang laya ang dalawang braso n'ya sa makapasok sa pagitan ng braso at bewang ko.

"Hinahanap mo 'ko, 'no?" Tanong nito habang may mumunting tawa akong nariring mula sa kan-ya.

"Bakit? Masama ka bang hanapin, huh?" Tanong ko rin at pinagsiklop ang aming mga kamay. Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa labi nang mas lalo n'yang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin, ganoon din sa pagkakahawak sa aking dalawang kamay, nakasubsob na rin ang kan'yang ulo sa aking kanang leeg.

"I love you." Wika n'ya habang marahan na hinahalikan ang leeg ko. Hindi naman ako tumutol sa kan'yang ginagawa.

I really really love this man. Napakasweet.

Napalingon naman ako sa gawi ni Zeil at tamang-tama na paglingon ko, mga labi agad n'ya ang sumalubong sa mga labi ko.

He really love to kiss me.

"Ehem." Malakas na tikhim na nagpangat ng ulo ni Zeil.

Napangiwi naman ako nang makitang andito nga pala si Bong sa harapan naming dalawa. Ang kan'yang kaliwang palad ay nasa harap ng kan'yang bibig, habang ang kan'yang mga mata ay wala sa amin ni Zeil kundi nasa ibang lugar.

"Totoo pala ang kasabihan na 'hindi nagsisinungaling ang mga bata' totoo pala ang sinabi ni Butchoy na aking nakababatang kapatid na naghalikan kayo ni Senyorita sa damuhan." Umiiling n'yang saad.

Napatango-tango naman ako. Kapatid pala n'ya si Butchoy.

"At pareho kayo ng kapatid mo na paepal. Nakikita mo na ngang naghahalikan kami ng GIRLFRIEND KO, tapos hindi ka pa rin umaalis, ano gusto mong manood ng live na bold?"

"Zeil!" May banta sa tono nang pananalita ko. Kung anu-ano na lang kasi ang lumalabas sa bibig n'ya.

Ang bastos masyado. Bold daw.

"'Yang bibig mo, huh, ang bastos masyado, anong bold ang pinagsasabi mo d'yan?" Mataray kong tanong sabay kalas sa dalawa n'yang braso na nakayakap ng mahigpit sa akin.
Sa una hindi s'ya pumapayag, nagmamatigas pa s'ya, pero kalaunan s'ya na mismo ang kumalas nito at lumipat ng puwesto sa tabi ko, habang nakanguso.

Nagpapacute, tsk.

"Narig mo 'yon Pritz? Pinagalitan ka n'ya—"

"Shut up! Umalis ka na nga dito! Paepal!" Zeil cut Bong's word using his menacing voice.

"Zeil ano ba?! Ano ba, huh?! Ano ba 'yang bibig mo?!" Naiinis kong tanong sa kan'ya sabay lingon sa kan'yang gawi nang nakakunot ang noo.

"Masarap. Masarap ang labi ko." Parang bata n'yang saad at muli, yinakap na naman n'ya ako namg napakahigpit. Ang kan'yang mukha ay tuwang-tuwa, habang ang kan'yang mga ngipin sa taas ay lumilitaw na naman.

Para s'yang bata na yumayakap sa kan'yang ina.

Dalawang araw na ang nakakalipas matapos ang nangyari doon sa kubo. Matapos kaming maghalikan sa loob ng kubo at matapos kaming magkaaminan. Lahat sinabi ko sa kan'ya, mula sa pagsisinungaling sa akin ni Belen, hanggang sa pagseselos ko kay Veronica. Sa dalawang araw namin na ganito, Zeil ang tawag ko sa kan'ya at pinapabayaan naman n'ya akong tawagin s'ya ng ganoon.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt