Prologue

1.9K 53 0
                                    

"Mom, ayaw kong bumalik sa lugar na 'yon!" Sigaw ko ulit sabay ngiti ng sarkastiko.

Easy Delaney. Kalma.

"At bakit ayaw mong bumalik doon? Ang ganda-ganda ng lugar na 'yon Delaney. It's our hacienda."

"Mom, kayo lang ang nagagandahan sa hacienda. Wag n'yo kong isali." Pagsasalita ko habang ang mga mata ay wala kina Mommy.

Daddy and Mommy are still forcing me to go back to our hacienda, and I don't like that idea. Bukod sa walang interenet connection, madumi, maputik, at mapuno, wala rin aking makakausap doon. In short malayo sa kabihasnan. Malayo sa mundong aking kinagisnan.

"Aba?! Delaney?!" Hindi makapaniwalang usal ni Daddy sabay tayo sa kan'yang kinauupuan. Tinapunan ko lang naman si Daddy ng konting atensyon at hindi kalaunanay  ibinalik din ulit ang atensyon sa mga kuko ko.

"Maganda doon,canak." Malumanay na pagsasalita ni Mommy, but I know she's just holding herself not to get mad at me. "Malayo sa polusyon. Tahimik. Wala masyadong tao —"

"In short malayo sa kabihasnan." Putol ko sa dapat na sasabihin ni Mommy habang ang mga mata ay nasa mga kuko pa rin.

"Watch your word Delaney!" Galit na galit na sigaw ni Mommy at ang kanina n'yang maamong mukha ay naging tigre na. "That hacienda that you despise the most, that hacienda that you underestimate the most, is our legacy! Legacy of our family! Legacy that is from our ancestors!" Si Mommy. Napalingon naman ako kay Mommy na ngayon ay nasa tabi na ni Daddy. Napabaling naman ang mga mata ko kay Daddy na ngayon ay nakasalalay na kay Mommy. Nang magtama ang mga mata namin ni Daddy agad s'yang napailing.

I bit my inner lip as my eyes are burning in fire.

Bakit ba gustong-gusto nila akong pumunta sa hacienda na 'yon?! Ayaw ko doon! Hindi ba nila naiintindihan?!

"But Lola also despise that hacienda. Lola don't like nor love that —"

"Delaney! Ano ba?!" Si Daddy sabay lapit sa akin ng konti. Agad naman akong napaurong nang konti sa inuupuan kong sofa.

Napalunok ako ng laway.

"Can't you understand? Solong anak ka namin. Wala kang kapatid. Wala kaming ibang anak bukod sa iyo. Can't you understand that situation? Do you think kung may iba ka pang kapatid sa iyo namin ito ipapamana? Sa tingin mo pipilitin ka namin sa bagay na alam naman naming ayaw mo?" Daddy face softened. "Just understand Delaney. It's for your own goo—

"For my own good?" Tawa ko ng peke. "Ako Daddy? Hindi n'yo ba naiintindihan? Ayaw ko doon. Ayaw. Ko. Doon." May pinalidad ang tono ng boses ko.

"Bakit ba ayaw mo sa hacienda natin? Bakit ba ayaw mong pumunta doon? Dahil malayo sa kabihasnan? Really? 'Yan lang ba ang dahilan mo? O may iniiwasan ka?" Tanong ni Mommy na nagpakaba sa akin.

"Mom, kadarating ko lang dito. Days pa lang Mommy tapos babalik agad ako doon? Ibabalik n'yo agad ako sa lugar na maputik? Mabaho? Mapuno?" Iling-iling ko.

Ngayon na sana ang tamang oras at panahon para mag kasama-sama kaming lahat ng mga kaibigan ko. Dahil dumating na si Camari galing sa Italy. Tapos ngayon? Ako naman 'yong mawawala? Ako naman 'yong aalis?

Nah! Ayoko ko!

Madumi doon.

Maputik.

Nangingitim ako doon.

Hindi pa nga ako bumabalik sa dati kong kulay tapos papabalikin na agad ako doon?

Just wow!

"Delaney, matanda na kami. Walang titingin at mag baban—"

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu