CHAPTER 6

414 28 1
                                    

Hoy! Ikaw! Oo ikaw! Ikaw na nagbabasa, huwag mo munang i-scroll. I just want to say WALA KANG JOWA! Sige, you can scroll now. Enjoy reading!
------

"Mang Arnel sasama ako!" Malakas kong sigaw habang tumatakbo ng mabilis papunta sa kanilang pwesto.

Nakita ko namang napatigil sina Mang Arnel at mga kasamahan n'ya sa paglakakad at nilingon ako gamit ang kanilang nagtatakang mga mata.

"Senyorita, bakit ka pa sasama sa amin? May lagnat ka pa. Baka mabinat ka n'yan." Si Belen at halatang nag-aalala.

Huminga muna ako ng maraming hangin bago sumagot. Hiningal ako. "Mas lalo akong manghihina kapag nasa loob lang ako ng bahay. Kaya ko naman, eh," Ngiti ko kay Belen para ipakita na medyo nagiging mabuti na ang pakiramdam ko.

Masasabi kong nakatulong nga kahit papano ang cool fever na ibinigay ni Zeil kagabi. Medyo bumababa na ang lagnat ko at hindi na rin ako gano'n ka init hindi tulad kagabi na inaapoy ako ng lagnat. Dalawang sheet lang ang nasa isang pakete nito, at dalawang pakete naman ang ibinigay ni Zeil sa akin kagabi, kaya may dalawa pa akong reserba para mamaya. Ubos na kasi ang dalawang sheet.

Napahinto naman ako ng maramdaman ang mainit na kamay ni Belen na nasa noo ko. She's checking if maglagnat pa ba ako.

"I'm now okay Belen." I assure her that I'm okay using my ear-to-ear smile. "Kaya ko na, at tiyaka nakakahiya na sa iyo, hindi na nga ako nakapagdilig kanina dahil tinanghali na ako ng gising kaya ikaw na ang nagdilig ng mga seedlings na inaalagaan ko. Then now I'm volunteer myself—"

"Mapapagalitan talaga ako nito ni Pritz..." Hindi ko natuloy ang dapat kong sasabihin nang marinig ko ang mahinang bulong ni Belen sa kaniyang sarili. Ang kan'yang mukha ay hindi na maipinta dahil sa sobra nitong pagkakunot, habang ang kan'yang mga mata naman ay gano'n din ang ipinapakita, hindi na rin s'ya mapakali sa kan'yang kinatatayuan.

Nangunot naman ang noo ko.

"At bakit ka naman pagagalitan no'ng hipokrito na 'yon? At tyaka I can manage myself, matanda na ako, alam ko kung kailan ko kailangan ng pahinga at kailan—"

"Belen, sige na! Payagan mo na si Senyorita!" Sigaw ng isang lalaking may dalang watering can. Medyo malayo-layo ito ng konti sa amin kaya kailangan pa n'yang sumigaw. Nang magtama ang mga mata namin ngumiti ito sa akin kaya sinuklian ko rin s'ya ng isang matamis na ngiti.

Matapos kong ngitian ang lalaki, agad kong ibinalik ang buo kong atensyon kay Belen na ngayon ay nakatitig lang pala sa akin. Nginisian ko naman s'ya. "See?! Let's go!" Masaya kong sigaw at walang sabi-sabing hinila si Belen. Naramdaman ko namang medyo nagulat s'ya dito, pero panandalian lamang ito dahil nagpatianod din s'ya sa paghila na ginawa ko sa kan'ya.

Habang naglalakad, hindi pa rin napapawi ang masayang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam pero masaya ako ngayon. Siguro dahil medyo nagiging mabuti na ang pakiramdam ko.

Thanks to the cool fever.

Kaming dalawa lang ni Belen ang nasa likuran, binubuntutan namin ang mga kalalakihan sa pangunguna ni Mang Arnel. Habang naglalakad, hindi ko maiwasan ang mapalinga-linga sa dinaraanan namin. Ang dinaraanan namin ay isang sementadong daaanan at ang mga gilid-gilid naman nito ay napapalibutan ng mga hindi gano'n kalaking ligaw na mga damo. Sa kanang bahagi ko ay mayroong mga puno ng narra na nagsisilbing panangga namin sa maiinit na sikat ng araw. Ang iilang mga puno ng narra ay halatang matanda na, dahil sa mga nagsisilakihang mga ugat nito at mga sanga na halos yumuko na sa dinaraanan namin, habang ang iilang mga puno naman ay halatang bagong tanim pa lamang. Hindi pa kasi gano-n karami ang mga sanga nito. Sa kaliwang bahagi ko naman ay may mga puno rin na hindi ko alam kung ano, dahil halatang mga bagong tanim din.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now