CHAPTER 13

384 22 1
                                    

"Belen, magsabi ka nga ng totoo sa akin. I don't want a sugarcoated answer," I stopped and looked directly at her. "Alam mo naman siguro ang kasabihang 'honesty is the best policy' kaya sumagot ka ng maayos."

Dahil sa direktang tanong ko kay Belen, nakita kong bigla s'yang nabulunan sa kan'yang kinakain na tinapay. Agad ko namang iniabot sa kan'ya ang basong may laman na tubig.

Andito ako ngayon sa loob ng bahay nila. Ang bahay nila at iba pang bahay ng mga farmers namin ay nakapuwesto sa likurang bahagi ng hacienda namin. Andito ako ngayon para itanong ulit sa kan'ya ang mga tanong ko sa kanina no'ng una.

"Senyorita naman..." May bahid ng inis ang boses ni Belen. "Kadarating n'yo pa nga lang dito, tapos ang tanong ninyo nakakatakot agad."

Hindi ko naman s'ya sinagot. Tinitigan ko lamang s'ya gamit ang walang buhay kong mga mata.

"Eh ano po ba ang itatanong ninyo sa akin, Senyorita?" Pagsasalita ulit ni Belen nang makitang wala akong balak na sagutin ang sinabi n'ya kanina. Sinasabi n'ya ito habang ang mga mata ay wala sa akin, kundi nasa tinapay na hawak-hawak n'ya.

"Okay," Wika ko. "Tatanungin ulit kita ng parehong tanong pero sana sa pagkakataong ito sumagot ka ng maayos."

Nakita ko namang natigilan si Belen sa kan'yang ginagawa at agad na itinuon ang buong atensyon sa akin habang ang kaniyang isang kilay ay naka arko.

"Ano po ba ang itatanong ninyo sa akin, Senyorita?" Tanong nito sa akin at mas lalo pang inilapit sa akin ang inuupuan n'yang bangko.

"The same question Belen, the same question."

"Senyorita, naman! Ano po bang itatanong ninyo?! Kinakabahan na ako! Natatakot na ako!" Singhal nito sa akin habang ang mukha ay hindi na maipinta. May mga butil-butil na rin ng mga pawis ang namumuo sa kan'yang noo. Ang kan'yang mga mata ay hindi na mapakali, hindi na nito alam kung saan idadapo ang buong paningin. Ang kan'yang isang kamay ay nakahawak sa kan'yang puso habang ang isa naman ay nasa hita lang n'ya ngunit ang gaslaw naman ng mga daliri n'ya, hindi mapakali kung anong gagawin.

Halatang kinakabahan na nga s'ya.

"Ano ni Zeil si Veronica?" I asked her again using the same question. Nakita ko namang dahan-dahan iniikot ni Belen ang kan'yang ulo papunta sa gawi ko, at nang nasa akin na ang kan'yang buong atensyon, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa reaksyon na ipinapakita ng kan'yang mukha.

Ang kan'yang mukha ay biglang ngumiwi, habang ang kan'yang bibig naman ay medyo nakaawang. Ang kan'yang noo ay nakakunot at ang kaniyang mga mata ay parang hindi makapaniwala sa tinanong ko sa kan'ya.

"Senyorita?!" Pagsasalita nito na para bang nabunutan s'ya ng tinik sa kan'yang lalamunan.

Hindi naman ako nagreact sa nakita ko. Nanatili pa ring seryoso ang mukha ko habang ang mga mata ay sinusundan ang bawat galaw n'ya.

"Girlfriend nga po ni Pritz." She lied.

Dati no'ng sinabi n'yang girlfriend ni Zeil si Veronica, parang may kung anong nadurog sa akin at nasaktan, pero ngayon hindi ko na ito nararamdaman. Parang wala lang. Parang normal na lang ito para sa akin. Hindi na ako nasasaktan.

"Again, I said I don't want a sugarcoated answer, so I'll ask again." Tumikhim muna ako. "Ano ni Zeil si Veronica?"

"Girlfriend nga po Senyorita, pabalik-balik naman po kayo. Girlfriend nga po ni Zeil si Veronica. Magfofour years na sila." Wika nito habang ang kamay ay pinaglalaruan ang tinapay. Halata sa boses n'ya na naiinis na s'ya sa akin.

Napabuga ulit ako ng hangin, pero hindi kalaunan ay napangisi na rin.

Seriously? Magfofour years na silang magkarelasyon? O magfofour years na silang hiwalay?

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now