Si Lauren at Leo ay magkapatid. And yes, alam ko ang tungkol sa issue sa pagitan nilang tatlo ni Jack. He's such an ass!

Nginisian lang siya ni Edward at naupo ulit para kumain. Si Lauren naman naupo siya sa tabi ng kambal at nag-usap sila ng alien na lenguahe. Ewan ko kung paano nila natutunan nang ganun kabilis ang ganyang lenguahe. Malamang pakana ni Lauren.

Apat na taon palang sila pero ang talas na ng pananalita nila. They can understand Korean, Spanish, tagalog. Kaya rin nilang makipag-usap gamit ang lenguaheng yan. Harry taught them Spanish.

"Stop that alien language, guys." nakasimangot na sabi ko

"It's Korean mommy!" sabi sakin ni Adam

"I can't understand it, okay?"

Tumawa naman silang apat sakin. Tinuturuan kasi nila ako pero nahihirapan ako. Nakakaintindi naman ako ng ilang words at phrase.

"Hayaan mo na sila, hon." natatawang sabi ni Edward

Inirapan ko lang siya. Lakas talaga mantrip nito palibhasa nakakaintindi ng ibang lengguahe.

"Wala ba kayong pasok ngayon?" tanong ni Lauren

Nanlaki ang mata ko nang maalalang may photoshoot ako. I am still a model at the same time, I manage our company here. Kilala ako bilang si Red L.

Why red? Because Scarlett means Red and L stands for Lewis.

Sikat kaming international model ni Leo pero madalang ko na siyang makatrabaho. Si Kuya na ang bahala kay Jack dahil napag-alaman naming hinahanap niya kami. Hindi niya kami pwedeng mahanap.

"Hurry up Edward!" tarantang sabi ko

Malelate na ako sa photoshoot at may event pa kaming pupuntahan mamaya ni Edward. Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko at mabilis na naligo't nagbihis. Mabuti nalang at nandito si Lauren at Leo.

Nagmadali na kami ni Edward na sumakay sa kotse. Ipinusod ko lang ang basang buhok ko dahil aayusin rin naman mamaya. Mabilis naman kaming nakarating sa beach na paggaganapan ng photoshoot.

"Tita Lyra! I'm sorry I'm late!"

And yes, it's tita Lyra again. Natuloy na ang pagpapalawak niya ng agency niya at heto kami ngayon. Produkto ng agency niya.

"It's okay, hija. I understand. Mag-ayos na kayo."

Si tita Lyra pa rin ang manager namin dahil ayaw naming kumuha ng ibang manager. It's hard to trust nowadays. Lalo na't kaunti lang ang nakakaalam ng tungkol sa kambal.
kanya kanina. Hahahaha. Lande.

"Madam! Nagkasakit ang isang model natin na kapartner ni Miss Red!" tarantang sabi ng isang staff

"What?! Then do something!" inis na sabi ni tita

Naayusan na ako pero wala pa silang nahahanap na kapalit noong nagkasakit na model. Napatayo ako nang marahas na bumukas ang pinto.

"Bitawan mo nga ako, Miss!"

Napatingin ako sa nagsalita dahil pamilyar ang boses nito.

"Hon..." nagtatakang sambit ko

Napatingin ito sa suot kong swim wear. Summer kasi kaya ito ang theme. Tumaas ang kilay nito na nagsasabing may mali sa suot ko. Napakagat ako sa labi ko nang maalalang hindi ko nasabi na magbibikini ako sa photoshoot namin.

"Payag na akong pumalit sa modelo niyo." seryosong sabi nito

"Hon, may board meeting ka ngayon, diba?"

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now