Chapter 7

4 2 0
                                    

7: Meet the Bestfriend

*Klyde's POV*

Mag-iisang linggo na si Ara dito sa bahay ko at sa wakas, mukhang naiintindihan na niya kung bakit nandito siya sa bahay ko. Sa kagustuhan ni lolo na mapabago si Ara kaya niya nagawa ang lahat ng ito at naiintindihan ko naman din ito.

Naiinis talaga ako minsan sa babaeng yon. Paano naman kasi ang arte mismo kung paano manamit, lumakad at kumain. Aaminin ko naman talaga na hot and sexy siya sa paningin ko kaya minsan napapagtripan ko siya na halikan. Sino ba naman kasing lalaki ang hindi maakit sa ganoong kagandang babae kaso nga lang ang sama ng ugali at damn, maarte na syang hindi ko gusto kaya minsan napapagalitan ko siya.

Nung una ko siyang makita, alam ko na agad na parang spoiled brat si Ara dahil nga mayaman sila kaya alam kong mahihirapan ako sa misyon kong baguhin siya. Kung hindi lang talaga kay lolo hindi ko tatanggapin ang alok niya sa akin dahil sobrang hirap. Hindi naman din ako makatanggi dahil unang-una may utang kami sa pamilya nila at pangalawa, si lolo ang gumastos ng pang-ospital sa aking lolong si lolo Fernand na kumapare niya.

Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na magbabago ang babaeng yun lalo na ngayon na parang na realize niya na ang mga pagkukulang niya dahil pinaintindi sa kanya ni lolo.

Masaya ang araw ko sa tuwing nasisilayan ko ang kanyang mukha. I don't know what is called with this feeling na parang ang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nandiyan siya sa tabi ko at sinusungitan niya ako. I find her cute pag ganon siya. Gusto kong galit siya sa akin dahil gusto ko ang reaksiyon niya pag ginagalit ko siya. Ewan ko ba...

Pauwi na ako ngayon galing sa pagsasaka ng prutas. Nag dala ako ng ako ng samot saring prutas para sa kanya dahil alam kong maarte yun sa pagkain dito at kapag hindi niya gusto ang pagkain prutas na lang kinakain niya.

Habang naglalakad ako papasok sa gate may nakita akong isang lalaking tila may inaabangan. Palinga-linga ito ng tingin. May katangkaran ito at halatang mayaman din ito dahil sa mga pananamit nito. Agad kong binilisan ang aking paglakad para tingnan kong sino ito.

"Sino ka?" Agad kong tanong. Napalingon naman ito sa akin saka ngumiti.

"I'm Alvin, Alvin Santiago." Nakangiting tugon nito saka naglahad ng kamay.

Alvin? Wala naman akong kilalang Alvin kaya labis na lang ang aking pagtataka. Nagtataka man ay tinaggap ko ang kamay saka nakipag-shakehands.

"I'm Klyde," mapakla akong ngumisi sa kanya habang nakipagkamayan.

"Dude, nandito ba si Ara?" Tanong niya sa akin na nagpakunot sa aking noo. Ano naman kailangan niya kay Wifey?

"Oo, nandito siya bakit?. Anong kailangan mo sa kanya?"

Hindi pa man siya nakasagot ay biglaang bumukas ang pinto saka nakita namin si Ara na napahawak sa kanyang bibig na parang nasurpresa.

"Alvin?!" Sigaw niya sa pangalan ni Alvin. Agad siyang tumakbo papunta rito atsaka niyakap si Alvin. Hindi ko alam ngunit nag-igting ang aking panga sa pagkakayakap ni Ara sa Alvin na 'yan. Tila matagal na silang magkakilala at ganoon kahigpit ang yakap nito sa kanya. Uminit ang aking dugo. Ewan ko kung bakit tila galit ako sa aking nakikita.

"Ara, my princess!"

"Oh my god Alvin, why are you here?"

Palipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Gusto ko na sana silang awatin sa pagyayakapan nilang dalawa dahil mas umiinit lang ulo ko sa ka-artehan nila.

Shit! Sino ba kasi yang Alvin na 'yan. I feel envy. Gwapo na mas di hamak ako sa kanya kaya wala dapat akong ipag-aalala.

------------------------------

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Where stories live. Discover now