Chapter 4

2 2 0
                                    

4: Karma?

"Bye po, Miss ganda," Kian waved his hand as a sign of goodbye.

Ang sa narinig ko ay may sasabihin lang siya kay Klyde kung kayat naparito siya. Hindi na rin daw siya magtatagal dahil may pasok pa siya bukas. Well, nadidis-appoint din ako ng slight dahil wala ng magluluto sa akin. Maybe I could plead to Klyde to cook for me.

"Bye kuya Klyde!" Pagpapa-alam niya rin kay Klyde na nakangiti saka bumaling sa akin ng tingin at kinindatan ako. Napataas ang kilay ko dahil sa ginawa niya. What the heck?

"Magiingat ka sa byahe Kian. Wag pasaway" Pangangaral pa ni Klyde sa kanya.

I just give him a fake smile dahil plastic ako sa mga low class people.

Pinanood lang namin si Kian hanggang sa makalayo ito sa amin at hangang sa hindi ko na siya matanaw.

Ilang saglit lang at tiningnan ako ni Klyde kaya napatingin di ako sa kanya nang nakataas ang kilay.

"What?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Ready ka na ba?" Pabalik na tanong niya sa akin.

"For what?"

"I told you na pupunta tayo ng farm ngayon diba?"

Gosh, Ayoko ko doon! Ang dumi dumi roon. Ayokong magka-skin rashes at iba pang mga skin disease no! Kinabahan akong tiningnan siya.

Sumilay muli sa kanyang labi ang mga mapang-asar na ngisi.

"Diba sinabihan na kita?" Oo nga pala sinabihan niya ako kanina ngunit nakalimutan ko rin dahil busy ako sa paglilinis ng pretty feet at hands ko.

"Ayoko nga! Sino ka para utusan ako? Ha? Wala kang maipang-oospital sa akin kung sakaling mapano ako roon." Pag-angal ko sa kanya.

Gosh! Siya lang ata ang umu-utos sa akin ng ganito kahit nga lolo ko hindi ko masyadong sinusunod siya pa kaya na hindi ko kaano-ano? Unbelievable!

"Tuturuan lang kita ng mga dapat mong malaman tungkol sa pagsasaka para marealize mo kung gaano kahirap non."

"Ew! Yuck, maputik kaya doon baka madumihan lang ako doon!"

"Sige mag-isa ka na lang dito. Ikaw na lang pumatay sa mga ipis sa loob. Marami panaman non dito sa bahay."

Napatigil ako saglit sa kanyang sinabi. What does he say? Ipis? OMG ayoko sa ipis nakakatot sila. I don't like their looks! Natakot ako sa sa sinabi niya kaya hindi ako nakapagsalita.

"Sige mag-hahanda lang ako. Bye wifey." Deritsong saad ni Klyde atsaka tumalima papasok.

Hindi nawala sa aking isipan ang ipis kaya labis akong nahihintakutan.

"Klyde.. wait, I'm going with you. Don't leave me here alone." natatakot kong usal sabay sunod kay Klyde papasok.

******************

"Oh, bakit ganyan naman ang suot mo?" Nagtatakang tanong ni Klyde sa akin saka tinitigan ako na parang hindi gusto ang suot ko ngayon.

"Wala kang paki-alam. This is my life. Palibhasa wala kang alam sa fashion kaya hindi ka relate." Maarte kong usal sa kanya.

I am wearing very short pant na lantad ang aking maputing legs. I wear off shoulder naman para sa upper ko. Dapat lang na maganda ako dahil hindi ako bagay na magsaka. Mahiya naman kayo sa kagandahan ko no!

"Wifey, sa farm punta natin hindi party o kung ano mang gala okay." Iritado niyang sambit sa akin.

"Paki-alam mo ba? Palibhasa dirty ka." Sagot ko sa kanya atsaka maarte siyang inirapan.

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon