Chapter 8

4 2 0
                                    

8: First Jealousy

Maaga akong nagising sa pagkakatulog dahil parang hindi ako mapakali sa kung anumang bumabagabag sa aking isipan. Dahil maaga din naman akong nagising ay maaga rin akong nag-ayos sa aking sarili.

Tulad ng nakasanayan, I take a half bath saka pagtapos ay nag-apply ng lotion at kung ano-ano pang pampaganda. I also take my skin vitamins to maintain the flawless skin of mine. Naiinis nga ako dahil malapit na itong maubos. Hindi ko naman din ako makabili dahil kulong ako dito sa house.

Pagkatapos din non. I decided na mag jogging para ma exercise din ang pretty and hot body ko. I need to exercise para hindi ako maging losiyang na babae. Aba! I hate that kind.

Lumabas na ako sa kwarto at dahan-dahang naglalakad para hindi magising sina Alvin at Klyde.

Hindi pa rin mawala sa aking isipan kung ano ba ang pinag-usapan nina Klyde at Alvin kahapon. Usapang boys daw. Ano yun? Ano naman pag-uusapan nila? Kahit hindi ko man malaman ay wala akong paki-alam. Bahala sila sa kanilang life.

Humugot ako ng hininga saka pinihit ang pinto para makalabas. Bumungad sa akin ang malamig na temperatura at hangin. Hindi naman masyadong madilim dahil pasikat naman din ang araw kaya wala akong pro-problemahin at katakutan. Well, except na lang sa mga masasamang loob.

I wear leggings in my bottom part atsaka sports bra for my upper na tinatabunan lang ng hoody jacket para hindi ako ginawin.

Tinatawid ko ngayon ang daan patungong gate. Kaya aaminin ko talagang ang ginaw. Ganito pala sa province mas cool ang temperature kumpara sa City na kinalakhan ko. Mas magaan din ang pakiramdam ko dito, di tulad sa Manila na sobrang na sobrang init kahit gabi kaya sobra akong naiistress.

Nagsimula na akong mag jogging. Pagkalagpas ko sa gate, everything were in silent na tanging ang aking mga yapak at kalabog ng aking dibdib ang aking naririnig. Walang pang mga tao na aking nakikita dahil wala naman kaming kapitbahay malapit sa bahay ni Klyde. Mga iilang metro din ang lakad bago ka makakarating sa baryo ng Saint Ignacio.

Iksaktong doon din ang tungo ko dahil may bibilhin na rin akong gamot. Hinihingal rin ako ngayon dahil sa kaka-jogging. Malayo-layo na rin ako sa bahay nina Klyde.

Pagkarating ko sa baryo ay may nakikita na akong mga tao. Unti-unti na ring lumiliwanag ang kalangitan kaya ang iba sa mga tindahan ay nagsibukasan na. Napangiti ako dahil eksakto lang ang dating ko dito. Madali akong makakabili ng gamot.

Naglalakad na lang ako ngayon dahil hingal na rin naman ako. I need to relax my pretty self din no!. Habang naglalakad ako, kita kong lahat ng makakakita sa akin ay napapatingin. Oh! Hindi ko alam na kahit ito lang ang suot ko nakaka-akit parin ako ng mga mata. Well, that's the power of my beauty.

May mga probinsyanong mga lalaki na sumisipol kapag dadaan ako sa kanilang harapan. I find it bastos. Inirapan ko silang lahat dahil nandidiri ako sa mga pagmumukha nila.

"Hi Miss beautiful" Sigaw ng isang lalaki na bastos na nakatingin sa akin. Hindi ko ito sinagot bagkus ay inikutan ko lang ito ng mata dahilan para kantyawan siya ng mga kaibigan niya.

"Hina mo naman pare"

"Chicks na naging bato pa"

"Kawawa ka naman Dude"

Rinig kong saway nila sa barkada nilang trinashtalk ko. Mga feeling pogi! Chee, over my dead gorgeous body Hindi ko kayo papatulan no!

Inis akong napamura sa isipan ko. Ke-aga aga binubwesit nila ako. Duh!

Agad akong naghanap ng tindahan para bumili ng gamot.

"Hello po, pabili po ng gamot" Maarte kong saad sa manang na may-ari ng tindahan. Nakita kong napatitig ito sa akin saglit na parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon