Chapter 18

4 1 0
                                    

18: Revelation .1 Why?

Hindi pa rin tumitigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa nakita. Napaisip ako kung siya nga yun? bakit siya nakahanay sa mga mayayaman na mga personalidad?

Hindi pa rin ako makapaniwala kaya lutang ako pagpasok backstage. I was thinking of approaching him pero ewan ko ba at hindi ko kaya. Natatakot ako at nahihiya.

At para masagot ang lahat ng katanungan ko ay napagdisisyonan ko na hanapin si Kif at sa kanya magtanong tutal marami siyang kakilala doon sa mga mayayamang personalidad sa gitna.

I went to the crowd and search for Kif. Hindi naman ako nahirapan dahil agad ko siyang nakita sa isang table na nasa gilid malapit sa bleachers.

"Oh my God! Ara is so beautiful!"

"That Goddess look! Omg!

"Sana ganyan ako ka kakinis"

"She is my Idol! Wohhh!!"

"Nakakaingit naman!!"

"Siya nga talaga ang Princess of Modelling. Tingnan mo nga, bagay talaga sa kanya."

Rinig ko ang mga bulungan ng mga tao sa bawat  tables na madadaan ko. May mga sumisigaw pa nga e kaya hindi na ako nagtaka nung napatingin sa direksyon ko si Kif pati na rin ang mga kasama niya sa table. Kunot noo niya akong tiningnan.

"What are you doing here Ara?" Bungad na tanong ni Kif.

"I need to talk to you."

"Is there any problem?"

"W-wala naman.."

"Hi Miss Ara!" Singit ng isang babaeng singkit at mestisa. Binalingan ko siya ng tingin at nginitian.

"Oh.. Hello.."

"By the way Ara, this is Shanely Vergara." Pagtutukoy niya doon sa babae na kausap ko. "Ang that is Felipe Vergara." Pagtuturo niya naman sa isang lalaking parang walang paki-alam. Hindi siya umiimik na parang walang naririnig. I can't deny that he is handsome and hot lalo na sa suot niyang black suit ngayon. "They are siblings and the children of Mr. Felimon Vergara of Davis Modelling Company." Dagdag na saad ni Kif.

"Pesensya na po kay kuya Felipe Miss Ara. Ganyan lang po talaga 'yan. Hindi siya kumikibo parang Pepe lang ganern!!!" Natawa naman kami ni Kif sa sinabi ni Shanely. Tiningnan ko ulit yung lalaking Felipe pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha niya. Nanatili pa rin itong blanko. May pinagdadaanan yata ang isang 'to.

"Kif, Please let me talk to you for a moment." Pagmamaka-awa kong sabi kay Kif."

"Oh sige na nga.."

"Ummm. Shane, hihiramin ko muna si Kif saglit." Pagpapa-alam kong usal kay Shanely. Hindi ko na pinasin yung Felipe dahil baka mapapahiya lang ako kung hindi rin naman niya ako kikibuin.

Habang naglalakad kami ni Kif ay tiningnan ko ang table sa gitna at laking gulat ko na nawala na siya doon. Bakanti na ang inuupuan niya kanina. Panay ang palinga-linga ko sa paligid para hagilapin yung lalaking parang si Kyde pero hindi ko na siya makita.

"Sino ba hinahanap mo?" Napatingin ako kay Kif dahil sa tanong niya.

"A-ahh may familiar face lang kasi akong nakita. Doon sa gitnang table."

"Ofcourse, Ara lahat naman siguro diyan ay familiar sa iyo dahil mga CEO sila ng mga modelling company. Are you out of your mind?"

"Oo nga kilala ko ang ilan sa kanila... but except for him!" Pigil ang inis kong sagot sa kanya.

"H-ha? Bakit atat na atat ka naman yatang makilala yung lalaking sinasabi mo?"

"Tss.. kasi familiar siya sa akin."

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon