Chapter 16

5 1 0
                                    

16: Moving On

Isang araw lang ang nakakalipas simula noong bumalik ako dito sa Manila. Isang araw pa lang, pero sobrang na mimiss kona siya.

Kumusta na kaya siya?

Halos walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko habang nagpapa-alam sa kanya sa mga oras na iyon. I was so lonely the moment I turned back at him. Nag-aalangan pa nga ako kung tutuloy pa ba akong umuwi dito dahil may part talaga sa akin na gusto kong mag stay doon at dahil siguro napamahal na sa akin ang probinsyang iyon sa loob ng anim na buwan. But, I'm sure deep within me. The reason why I want to stay there because of Klyde.

For the very first time, I had confess my love to a guy. He's the first guy I loved that's why I'm lonely right now because I already miss him.

He said, he will find me kaya kahit papano ay gumaan rin ang pakiramdam ko.

"Klyde.." I mouthed his name cause I badly miss him. "I miss you"

Napalingon naman agad ako ng biglang nag ring ang phone ko. Kinuha ko agad ito at sinagot ang tumatawag.

"Hey, Ara! I'm glad you're back. Nalaman ko lang kahapon. I'm so happy cause finally-----"

"Kif, what do you need?" Tamad kong tanong sa Manager ko. He's my manager in my modelling career for 5 years and I hate him for being so noisy at all. He's making me stress all day. Tanggap kasi ng tanggap ng kahit anong modelling invitation kahit busy na ang schedule ko for some matter. Hectic na nga ang schedule dadagdagan niya pa. And I'm sure alam ko na ang kailangan niya. Over my dead gorgeous body, sure na sure talaga.

"Ayyy. Ang sungit mo naman agad. Gusto ko lang naman na bumalik ka na sa modelling career mo. You know, some of your fans are demanding that you must go for a comeback."

O kita mo na? Gusto niya akong pabalikin. Pero since yun naman din ang dahilan kung bakit ako bumalik dito kaya wala akong dapat na ipag-inarte. Kaya lang naiinis talaga ako dahil hindi man lang niya ako binigyan ng time para mag refresh. At isa pa, I'm about on moving on with Klyde.

Napairap ako sa kawalan bago siya sinagot. "Ok." Tipid ko lang na sagot sa kanya.

"Ohhh Yesss! Thank you Ara. By the way, magkita tayo mamayang 1:00pm sa Davis Modelling company dahil may bagong contract ka kaagad!"

"Kif..Pwede bang wag muna-----" Hindi na ako nakapagtutol sa gusto niyang mangyari dahil pinutol niya agad ang linya.

God! Gusto ko pang magpahinga. Kakadating ko pa nga lang e. Napatingin ako sa ceiling at naisip ko naman ang probinsya. Even if is just one day before I leave there but I already missed all about that province. Siguro kung hindi kay Klyde ay hindi ko ma appreciate ang bagay bagay doon. Nakakatawa lang isipin na labis ako kung mandiri noon pero habang tumatagal ay minahal ko na ito.

Kahit lungkot na lungkot ako ngayon ay hindi ko mapigilan ang mapangiti habang iniisip ang mga naging karanasan ko doon.

"Ma'am Ara, Pinapatawag po kayo ng lolo niyo." Saad ni Layla na isang tagapagsilbi ko. Kumatok ito kaya agad akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Yes Layla." Sagot ko sa kanya atsaka binigyan siya ng ngiti. Napamulagat naman itong nakatingin sa akin na para bang hindi makapaniwala sa naging tugon ko sa kanya.

"What?" I asked in confusion.

"A--hhh. W-wala po ito Ma'am Ara" nauutal niyang sambit saka biglang tumakbo papalayo sa akin.

Kahit papaano, ay nahihiya ako dahil sa pagsusungit at pagtataray ko sa kanya bago ako pumunta ng probinsya.

Nagulat ako konti sa naging reaction ni Layla sa akin. Ngayon ko lang napansin na ang cute pala ng isang iyon. Siguro nagbago na nga ako dahil kita mo naman si Layla napansin iyon.

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Where stories live. Discover now