Chapter 11

3 1 0
                                    

11: Confession?

Labis ang aking galak dahil pinagbigyan nina Klyde at Alvin ang kagustuhan kong pumunta sa isang bar. Ang bar na pinuntahan namin ngayon ay hindi katulad sa City na malaki, maliit lamang ito. Pero hindi na rin naman masama dahil gusto ko ang atmosphere dito. For one month, salamat at naka-party na rin sa wakas.

Napatingin ako kay Klyde ngayon na walang gana at parang naririndi sa mga music dito sa bar. Well, hindi ko naman siya masisisi dahil hindi naman siya sanay sa mga ganitong ganapan.

Since, when the time my Dad left me and Mom alone naging bisyo ko na ang pag-paparty. I'm so angry at him dahil hindi lang man niya inisip na may anak pa siya. But, I don't care at him anymore, bahala na siya sa life niya. I hope he is happy with some other girl.

Agad kong nilagok ng iisahan ang isang basong wine. Naramdaman ko agad pait na lasa na dumadaloy pababa sa akin lalamunan.

"I want more!" Hiyaw ko at aamba na naman na iinom ngunit pinigilan lang ni Klyde ang aking kamay.

"Tama na wifey" sambit niya sa mababang tono.

Itinaas ko ang aking tingin sa kanya atsaka tinaasan siya ng kilay.

"And who are you to say what I am supposed to do?" Mataray kong saad sa kanya.

"Lasing ka na"

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya na hindi naman niya sinunod bagkus ay inagaw niya sa akin ang wine atsaka siya ang uminom nito.

"Ano ba Klyde?" Inis kong saad sa kanya atsaka tinapik ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. This is my life and no one should stop me from doing something I wanted to do. Minsan nga lang ang pagkakataon na 'to cause I'm sure makukulong na naman ako sa bahay.

Hindi niya ako binitawan bagkus ay humigpit pa ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay. Shemmss. Ano ba problema niya?
Napamulagat ako nung hinila niya ako papunta sa kanya dahilan para masubsub ako sa dibdib niya.

Ouch!! Napara-aray ako dahil sa pagsalpok ng ulo ko sa kanyang dibdib. Ang tigas talaga. Bato ba kinakain ng mokong na 'to?

Tumingala ako ng tingin. "Ano ba Klyde?" Napa-igik na naman ako ng mas idiin niya pa ako sa kanyang katawan.

This is the second time that I feel sudden shock inside of my body. Uminit ang pisngi ko dahil ramdam ko ang tigas ng katawan niya. Gusto kong kumawala pero somehow I want to stay.

"Lasing ka na, wifey" Cold niyang saad. Ramdam ko ang pagiging seryoso niya ngayon at ramdam ko sa boses niya ngayon na parang may paki-alam siya sa akin.

"I'm not drunk" pagmamatigas kong saad sa kanya. "I'm just a little bit tipsy"

"That means, lasing ka pa rin"

Napabuntong na lamang ako ng hininga dahil ang tigas ng ulo niya. Can't he just let me be happy for this night? Gosh! So hardheaded guy.

"Bakit mo ba ako pinakiki-alaman?" Inis kong tanong sa kanya saka nagtangka na kumawala sa katawan ngunit hindi niya pa rin ako  pinakawalan. Sa tuwing gagalaw ako ay mas lalo niyang ididiin ang sarili ko sa kanya.

"Because I care of you" sandali akong napatigil sa kanyang sinabi. Everything went stop as he says it. It's my first time from a guy na sabihan ako ng ganyan kaya labis akong nagulat.

Binaba niya ang tingin sa akin kaya kitang-kita ko kung gaano siya ka seryoso ngayon. Gusto kong isipin na it's only a joke na para mapaniwala ako pero parang totoo talaga dahil may epekto iyon sa akin ngayon. Uminit ang aking pisngi na tila ba nasusunog, my heart's beats faster as I saw his face shining while gazing at me. I don't know what's happening to me but  somehow I want to fall from his words.

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Where stories live. Discover now