Chapter 27

6 1 0
                                    

27: Follower

ARA'S POV.

I am ready meeting up with Klyde. I wore my best dress and so with my accessories. I am so excited to the point that my soul is going to leave my body. Hahaha. I don't know what I'm doing but all I knew I'm happy.

"Wow ate! saan po punta niyo? Ang ganda niyo po talaga."

Nakita ako ni Layla habang papunta ako sa living room. Dali dali siyang lumapit sa akin habang nakanganga ang baba. Todo pustora ako para mas maging maganda pa ako sa mga mata niya. I wink twice and flip my straight hair. I acted like a model infront of her ang guess what? She even giggled at me. Hahaha. That's my beauty.

"Ate, gusto ko na talagang maging lalaki. Gosh, ang ganda niyo talaga. Nakakatibo po kayo." She smiled at me while maintaining her gaze. Napatawa ako dahil sa kinilos niya. Na starstruck siguro siya.

Ginantihan ko din siya ng ngiting ganda. "Thanks Layla. By the way, where's Mimi?"

"Ahhh, kasama po niya ngayon si Mada'am Helena."

"Ganon ba?"

"Opo."

Iniintay ko ngayon si Klyde dahil sabi niya ay susunduin niya raw ako kaya habang wala pa siya ay nakipagkwentuhan muna ako kay Layla.

"M-may date ako ngayon Layla." Nahihiya ko pang usal.

"Talaga po? Wow! Kaya pala ang blooming niyo ngayon!" Gusto kong takpan ang bibig ng babaeng 'to dahil sa laki ng bibig. Halos marinig na nga siguro ng kapwa niya kasambahay.

"Ano ka ba Layla? Yang bibig mo!" Sita ko sa kanya sa mahinang boses.

"Ay sorry po. Hehehe." Nag peace sign siya sa akin at napahalukipkip.

"Well, marami namang ding nakaka-alam since binunyag na ito ni Klyde sa publiko but then, ayaw ko pa rin na pagchismisan ako."

"Hindi naman po siguro 'yun maiiwasan ate lalo na po't ang sikat niyo." Napatango naman ako sa kanya since may point naman talaga siya. I am famous kaya masyadong hot ang tingin ng mga tao sa akin kaya hindi talaga maiwasan na pag-uusapan ako at paki-alaman ang buhay ko. May mga tao talagang handang mang stalk para sa mga iniidolo nila.

"You're right about it. But still, I don't like it."

Naging tahimik kami ni Layla pansamantala hanggang sa may pumasok na katulong. Yumukod pa muna ito bago magsalita.

"May naghihintay po sa inyo sa labas Miss Ara."

Bigla naman akong napatayo at inayos saglit ang suot ko. This is it! Alam kong si Klyde na 'yon. Halos magliwanag na ang buong bahay dahil sa bright mood ko ngayon. Tinanguan ko ang maid saka ito umalis. Kinuha ko ang aking pinky shoulder bag at isinabit ito sa balikat ko.

"Mmm. Ate pwedi ko bang makita ang nanliligaw sa inyo?" Halos bulong na pakiusap ni Layla sa akin. At dahil kyut siya at maganda tulad ko ay pinayagan ko siya. Magkasama kaming lumabas. Malayo pa man ay nakikita ko na si Klyde at mas lalo akong kinilig dahil ang gwapo niya lalo today. He is wearing his best suit. His clean hair cut na mas lalong nagpapadagdag sa appeal niya.

Nagulat naman ako nang biglang nagtitili si Layla sa tabi ko.

"Siya na ba yun ate!" Parang kinikilig niyang usal habang na kay Klyde pa rin ang tingin.

"Yes Layla. What do you think of him?" Pagtatanong ko sa kanya at sumilay naman sa akin ang proud na ngiti.

"Ate bagay po kayo. He's handsome and you're pretty!" She giggled at napahawak pa sa braso ko habang kinikilig.

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon