Chapter 14

3 1 0
                                    

14: Teach Me (Kilig overload)

Dalawang araw na rin mula nong umalis si Alvin dito sa bahay at sa kabutihang palad ay naging okay na din ako. Tinutulungan din naman kasi ako ni Klyde. Pinapatawa niya ako at nagjojoke siya kahit na corny na. Ngayon ko nga lang nakita na may side din pala siyang ganoon. Cause, all I know for him is a serious type man na madaling mainis at nang-aasar.

Somehow, nakakalimutan ko ang problema ko kapag nandiyan siya. He is so thoughtful and caring guy na madalang lang ngayon makikita lalo na sa City na kinalakhan ko. Who would ever thought that I would met someone like him with a pleasing personality. I'm just a City Girl who's not aiming any kind of guy in this world pero mukhang magbabago ang pananaw ko sa mga boys dahil sa kanya.

Sa mahigit dalawang buwan kong pamamalagi dito sa bahay ni Klyde ay marami akong natutunan. Minsan nga ay napapansin ko na ang mga ilang pagbabago sa aking mga kilos. Unti-unti kong na realize ang sinasabi ni lolo sa akin. I learned how to socialize with others while not messing with them. I realize how hard being an average living individual. Lalo pa kaya kong poor talaga, Edi mas lalong nakakaawa at napakahirap. Ewan ko ba, kung bakit all of those times hindi ko man lang iyon naisip kahit ni minsan.

Maaga akong naligo ngayon dahil sabi daw ni Klyde ay mamimingwit kami sa sapa ng isda para pang hapunan. Although, nandidiri ako pero slight na lang di tulad ng dati na ayaw ko talaga. Nasasanay naman din ako dito at wala akong dapat ipaginarte dahil wala din naman akong pambili ng ulam. Eh, kaysa naman na magutom ako diba? Edi mas papangit ako non? No way. Over my dead gorgeous body.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Sinabi rin sa akin ni Klyde na wag magsuot ng mga maiiksing damit dahil baka kagatin ako ng insekto doon. Kaya eto ako ngayon balot na balot ang katawan. I wore leggings to cover my thighs and legs and also jacket for my upper. This is my first time na magsuot ng ganitong mga damit pero kahit cheap ang tingin ko dito, I think that it would help me there.

Hindi ko naman kinalimutan ang vitamins for my skin. This time powder na lang ang ginagamit ko dahil ayaw ni Klyde. Naiinis nga ako sa kanya e! Pero sabi naman niya na maganda ako kahit powder lang ang gamitin. Naniwala naman ako sa kanya dahil seryoso ang pagkakasabi niya aside pa don ay nakakatakot din siya. Madalas nga ay mas natatakot ako sa kanyang pagmumukha kaysa sa mga ipis, daga at ibat ibang insekto na nakikita ko. What a deadly look.

Bumaba na ako sa sala at nakita ko siyang naghihintay doon agad siyang lumapit sa pagkakita niya sa akin. Napahinto naman ako sa aking paglalakad dahil sa matalim niyang titig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" I asked him.

Bigla naman akong kinabahan dahil sa mas lumalapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi ko man aminin pero ang hot niya sa kanyang suot ngayon. He is wearing black pants and black sleeveless shirt kaya kita ko ngayon ang nag-iigting niyang muscles.

Napa-atras ako sa bawat hakbang niya papunta sa akin. Maging ang aking mukha ay pumupula na rin na parang mansanas. Shitss! Ano ba ang gagawin niya?

Isang dangkal na lang ang layo ng kanyang mukha sa akin kaya na aamoy ko na ang halimuyak ng kanyang katawan pati ang mabango niyang paghinga. Halos pigil ang hininga ko ngayon dahil sa kanya. Papatayin niya ba ako?

"Mmmm..Ang ganda naman ng asawa ko" Saad niya ng nakangisi. Itutulak ko sana siya pero nahawakan niya agad ang kamay ko.

Unti-unti ay parang nagiging slow mo ang paligid ko. Tanging siya lamang ang nakikita ng aking mga mata. Ang kanyang mapupungay na mga mata at ang kanyang mapupulang mga labi na umaakit sa akin ngayon. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang labi niya na halos dumikit na sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay napapikit ako. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Nanghihina rin ang mga paa ko. Parang gusto ko ng mahimatay.

Hinintay ko ang pagdampi ng labi niya sa akin subalit tumagal ng isang minuto ay wala akong maramdamang labi na dumikit sa labi ko. Agad kong binuksan ang mga mata ko at nagulat ako dahil wala na si Klyde sa harapan ko. Gosh! Pinagtitripan niya ba ako?

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ