Chapter 6

4 2 0
                                    

6: Meet The Mother

I am very happy watching a make up tutorial in the TV. Maganda din itong pampalipas oras para sa aking pretty face. Kailangan kong maging matalino sa pagmamake-up para gumanda. Lalo na at napapabayaan ko na ang sarili ko simula noong pumunta ako sa buweset na bahay na ito lalo na sa Klyde na 'yan. Lakas ng loob niyang nakawan ako ng halik. Karmahin ka sana!

Hindi ko alam kong nasaan si Klyde ngayon. Ewan ko sa kanya, wala akong paki sa kanya. Sana mawala na lang siya dito para free akong gumawa ng kung ano-ano regarding to my beauty. Dahil pag nandiyan kasi siya, magagalit iyon at ang isusumbat na naman niyan sa akin ay papapiliin niya ako kung susunod ako sa kanya o gagahasain niya ako. Ang manyak talaga ng lalaking 'yon! How could he blackmail me. Syempre, ayaw ko namang magpagahasa no kaya no choice ako kundi sumunod na lang sa lahat ng mga ipinaguutos niya.

Buweset talaga siya ginawa man lang akong preso. I am not capable of obeying others commands dahil ako dapat ang uutos sa pretty self ko.

Hindi ako makatawag kay lolo dahil kinuha niya ang cellphone ko kaya wala akong connection sa kanila. Nakakabored nga e, supposed to be ngayon ay nag-iinstagram, tweeter atsaka nagf-fb na ako ngayon dahil sa mga libo-libo kong followers.

I hate lolo talaga! Masyado na akong nagsu-suffer sa hell na ito. I don't want here. I want to party. Nangangati na ang lalamunan ko dahil gusto ko ng uminom ng mga elite wines and alcohols. Huhuuhu, tapos ngayon ang tangi ko na lang magagawa ay ang manuod ng TV.

Matamlay akong sumandal sa couch dito sa sala habang nanunuod. Disappointed talaga ako sa mga nangyayari sa akin. I should enjoy my life while I'm young dahil minsan lang naman din tayong mabuhay. Maikli lang ang panahon natin para mabuhay kaya dapat lubos-lubosin ko na. Pero how? How could I enjoy my life if I'm jailed here?. So cruel destiny of mine.

Habang tamad na nanunuod sa TV napukaw ang aking atensyon dahil may kumatok sa pintuan. Napatingin ako saglit atsaka tumalima para buksan ang kumakatok. Sino ba 'to? I know hindi si Klyde 'to dahil hindi naman kasi marunong kumatok ang lalaking iyon. Nung isang araw nga halos mamatay na ako sa kaba dahil sa biglaang pagpasok niya sa kwarto habang nagbibihis pa ako. Mabuti na lang at may towel akong pinambalot sa aking katawan dahil kong hindi ay baka makita niya ang katawan ko na wala man lang suot ni panty. Gosh! Maloloka yata ako nun.

Binuksan ko na ang pinto at agad kong nakita ang isang babaeng nakangisi sa akin. Napamulagat ang aking mata habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.

O my G! Siya nga, alam kong siya ito dahil parehas kami ng fashion sa pananamit.

"My daughter!" Saad ni mom sa akin na nakangiti. "Do you miss me?"

God, si mom nga!

"Mom!" Napasigaw ako dahil sa saya. I hug her tightly. "I miss you mom," dagdag kong usal sa kanya habang nakanguso.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya atsaka malungkot ko itong tiningnan. "Mom, ayoko na dito. Please get me out of here." Pagmamaka-awa ko kay mom.

Kita kong nalungkot din ang mukha niya. Si mom lang talaga ang kakampi ko ever since nung magkamulat ako sa mga bagay-bagay. Nagkakasundo kami sa lahat at binibigay niya lahat ng gusto kaya ganon ko siya ka love.

Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi. "Yes, my daughter. Gagawin ko ang lahat para maka-alis ka dito." Saad nito na nagpangiti sa akin. "And look at you now, nabawasan tuloy ang pretty look mo. What happened?" Nag-aala niyang saad sa akin.

"Kaya nga mom, Ayoko ko na dito. Hindi ako masyadong nakakapagpaganda dahil hindi nila ako papayagan dito." Page-explain ko pa.

"Sino naman ang hindi papayag at ng ipakulong natin my daughter." Napansin ko rin na nainis din si mom. Yes, alam ko ring kakampi si mom sa akin.

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon