Chapter 19

7 1 0
                                    

19: Request

Hindi talaga ako nakatulog kagabi sa kakaisip kong ano ba talaga ang nangyari kay Klyde. Yung ipinakitang kilos niya kahapon ay parang hindi siya. Bakit ganon na lamang sa kanya kadali na ganohin ako. Hindi man lang niya ako tinulungan matapos kaming aksidenteng magkabanggaan. Malayo siya sa Klyde na nakilala ko.

Hindi ko maiwasan ang malungkot. May mga katanungan akong gusto ko na agad na masagot. Why he is acting like he doesn't care and even atleast know me.

'Why Klyde?'

Si lolo lang ang matatanungan ko ngayon. May nalalaman kaya siya kung bakit may-ari na ngayon si Klyde ng sikat na Kompanya. Kahit ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, ang alam ko lang kasi ay mahirap siya at ignorante sa mga pangmamayaman na mga bagay. Kahit nga nung nag resto at ng party kami sa bar don sa probinsya ay bakas sa kanya ang pagkapanibago sa mga nakikita niya kaya hindi ko talaga alam kong bakit biglang naging mayaman siya. Naging mesteryoso na siya sa paningin ko.

I decided to go to Lolo's mini office here in our mansion to interrogate him about Klyde. I was so desperate to know the truth. And when I was already there I knocked the door but I get no response.

Eksakto naman na napadaan si Layla kaya tinawag ko siya.

"Layla!" I call her name. Napatingin naman siya sa akin na parang nahihiya. Tskk.. Bakit nahihiya pa rin siya sa 'kin?

"M-ma'am.. Ano po iyon?" Nahihiya niya pa ring usal.

"Hanggang ngayon ba naman Layla nahihiya ka pa rin sa akin? I told you already diba?" I asked her about I said some other day. Kinausap ko kasi siya na dapat hindi na siya nahihiya sa akin actually lahat ng kasambahay namin dito sinabihan ko.

"A-ahh... S-sorry po.." Nauutal niyang sambit. Pasalamat ka at cute kang bata ka Hehehe.

"By the way, Where's Lolo?" Tanong ko sa kanya.

"A-ah.. Oo nga pala, wala po ang lolo niyo dito dahil may pinuntahan siya... Sabi daw niya business matter at pinasasabi niya rin po niya sayo na aalis siya. Sorry po at hindi ko nasabi sayo kaagad."

'Tskkk.. Bakit ngayon pa? Kung kailan may itatanong ako sa kanya Bwuset!' Hindi ko maiwasan ang pagkainis at napamura na lang sa isipan ko. Hindi ko pinahalata ang pagkainis ko kay Layla dahil baka matakot na naman siya sa akin.

"Eh? Kailan daw siya babalik?"

"Sorry po Ma'am Ara. Hindi ko po yun alam." Parang nahihiya siyang ngumisi sa akin.

"Okay lang, don't worry."

"Hehehehe... May kailangan pa po kayo Ma'am?"

Umiling ako. "No, wala na. Yun lang. Thank you. Atsaka... Wag mo na ako tawaging Ma'am. You can call me Ate. Okay?" Sabi ko sa kanya at kita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat pero agad din siyang naka-recover.

"Okay lang po?"

"Ofcourse." Binigyan ko siya ng isang malapad na ngiti.

"Salamat A...te.... Hehehehe." Napatawa naman ako ng kaunti dahil sa sinabi niya.

"Maiwan na muna kita Layla. Tatawagin na lang kita pag kailangan."

"Segi po."

"Bye," pagpapa-alam ko atsaka bumalik sa kwarto.

Wrong timing naman kasi. Kung bakit pa kasi ngayon ko na gusto malaman ang lahat atsaka pa wala si Lolo na matatanungan ko. Nakakainis.

Kinuha ko sa aking pink shoulder bag ang aking compact mirror para e check ang skin ko sa mukha. I drink my vitamin bago nag shower.

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora