Chapter 24

4 1 0
                                    

24: Face Off

Hanggang ngayon ay hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko lang pala alam na nakakasalubong ko na pala ang ex na sinasabi ni Klyde. May kung anong takot at kaba na namumuo sa dibdib ko na baka may feelings pa siya sa babaeng yun. Itanggi ko man, pero ang katotohanan na maganda siya at nakaka-akit sa mata ay talagang nagpapraning sa akin ng mga isiping tulad ng baka hindi malayong magkagusto ulit si Klyde sa babaeng yun lalo na at sa tingin ko ay ganoon din yung girl.

Natigil na naman ang lutang kong isip at natinag nung may tumawag. Matamlay kung kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag. Napatingin ako sa kisame.

"Ara! Ano tung kumakalat mong issue?! Ha?" Agad na umalingaw-ngaw ang sigaw ni Kif sa kabilang linya. Nailayo ko ang phone ng panandalian dahil parang mababasag ang eardrum ko sa boses niya.

"Wag ka ngang sumigaw bakla." Suway ko sa kanya Napabuntong hininga naman siya. "Oo, alam ko." Matamlay pa rin ang boses na sabi ko sa kanya. Hindi talaga mawala sa isip ko ang babaeng yun at mga isipin ko sa kanya ang nagpapahina lalo sa akin.

"At talagang ang CEO ng HMC pa talaga ah! Wow teh, ang ganda mo talaga. Pati asawa ko inaagaw mo na." Nagbibirong sabi niya kaya ganoon na lamang kumunot ang noo ko.

'Assumerang bakla talaga'

"Sorry kung naagaw ko ang asawa mo. Maganda lang talaga ako. As if he would choose you against to a true woman like me."  Pabagsak kong saad at diniin ang salitang true. Naramdaman ko namang napa-amang siya at nangapa ng isasagot. Bahagya akong natawa.

"Ang sakit mong magsalita a! Di porket tunay ka na babae ay pipiliin ka niya. Alam kong maganda ka, maganda din ako. Sexy ka, sexy din naman ako. Hahaha." Ako naman ang napa-amang dahil sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng apog ng bakla ng toh!

"It's okay. Libre namang mangarap."

"Che! Hindi ka naman mabiro. Syempre, ano naman ang laban ko sa isang gaya mo. Ang yabang mo rin eh no!"

"Tss.."

"So ano ngang plano mo?"

"Anong plano?"

"Ano ka ba? Maganda ka lang siguro pero ang bobo mo!"

"Sabihin mo na kasi. Pabitin ka pa kasi!"

"Tungkol sa issue mo, ano kako ang plano mo babaeng maganda ngunit bobo naman?" Napataas naman ang kilay ko. Seryoso ang pinag-usapan panay ang pagloloko niya. Sarap batukan ng baklang toh! Nanggigil ako.

Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Sa ngayon hindi ko pa alam. Maybe, magpapa-interview na lamang ako sa media pag may time."

"Good.. at inaabala na ako ng mga media dito. Magpapaset na lang ako ng date sa interview mo."

"Mmm.."

"Sige yun lang muna sa ngayon. At sa susunod mag-ingat ka na sa mga pinagagawa mo." Pagpapangaral niya pa sa akin.

"Okay." Tanging sagot ko sa kanya at akmang ibaba ko na ang phone ko ng nagsalita na naman siya.

"Ngayon ang shooting mo diba?" Tanong niya kaya naalala ko naman si Klyde at yung EX NIYA.

"Oo." Hindi ko alam pero tipid kung sumagot ako sa kanya ngayon.

"Magprepare kana. Don na lamang tayo magkita okay?"

"Mmm.." Sabi ko at dali daling ibinaba ang phone.

Natapos ang usapan namin kaya ibinaba ko na ang linya. I let a heavy sigh before moving.

What ifs are looming around my brain and I can't help but to always force my brain to forget those yet it's coming back again and again. I bit my lower lip ang gush silently.

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin