Chapter 17

3 1 0
                                    

17: We met again

Lumipas ang isang linggo ay hindi parin mawala sa isip ko ang text ng isang unknown number. May kutob akong si Klyde nga 'yon dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin na wifey pero hindi ko kasi maintindihan kung paano niya nakuha ang phone number ko atsaka wala naman kasing cellphone si Klyde. Nung time din nayon ay ni-replyan ko siya pero hanggang ngayon ay wala parin akong natatanggap na reply niya ulit. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon, may part sa akin na galit dahil kung siya si Klyde ay dapat ni-replyan niya agad ako at may part din sa akin na masaya dahil may pag-asa na namumuo sa loob ko dahil makakausap ko siya kahit nasa malayo pa siya and I'm contented with that. Yun ay kung siya nga ang unknown number na nag text sa akin. Baka kasi may nantrip na naman at nagkataon na wifey ang tinawag sa akin.

Sanay naman kasi akong makatanggap ng mga text messages na hindi ko alam kung sino ang nag text. May mga death threats pa nga e!.

Napatigil lang ako sa pagiisip nang tumunog ang cellphone ko. I immediately fished it out of my pocket and answer the call.

"Baklaaa!! San ka na ba?? Hindi mo ba alam na malapit na magsimula ang show! Magpre-prepare ka pa noh! Hallleeeerrrr!" Nailayo ko ang phone saglit dahil ang lakas ng sigaw niya.

"Your so OA Kif! Stop shouting! Oo na! Papunta na ako okay!?" Inis ko ring sigaw sa kanya.

Napatingin ako sa relos ko at malapit na ngang mag one pm. Bakit hindi ko kasi napansin? Buwiset!

"Gaga ka!! Bilisan mo na at hinahanap ka na dito. Ikaw pa naman ang guest bakla ka!"

Napairap ako sa kawalan bago ibinaba ang phone. Nagmadali akong sumakay sa kotse ko at pumunta sa venue kung saan gaganapin ang fashion show.

Pagpasok ko pa lang sa entrance ay sinalubong agad ako ng guard.

"I'm Ara Agustin. I'm the guest here." Sabi ko sa guard.

"Welcome Ma'am Ara. These way please.." Nakangiting saad ng guard at tinuro sa akin ang way sa rooms ng models..

Pumasok agad ako sa room 4 na sinasabi ng guard.

Pagkapasok ko sa room ay agad na bumalandra ang kunot na noo ni Kif. Hindi ko siya pinansin bagkus ay iginala ko ang paningin ko sa buong room. The room is in medium size and I could say that it was so refreshing as the walls are cooling your atmosphere. It was cold inside dahil sa aircon sabayan pa ng kulay asul na dinding. Sa harapan naman makikita ang ibat-ibang uri ng damit na hinanger.

"Mabuti naman at nakapunta ka. Nakakaloka ka girl! Muntik na akong mapagalitan dahil sayo." Sarcastic na sabi ni Kif habang nakapamewang.

"I am sorry okay." Saglit ko siyang tiningnan at pumunta na sa tukador para manalamin.

"What did I hear? Again please!"

"I said I'm sorry." Walang ganang ulit ko.

"Nagbago ka na yata Ara. You really know how to say sorry?" Parang namangha niyang saad habang nakadungaw sa akin na hinanrangan pa ako dahilan para hindi ko makita ang sarili ko sa salamin.

"Ano ba Kif!" Inis kong sabi sa kanya ata hinawi siya gamit ang mga kamay ko.

"Ewan ko sayo.. Marami ka ng ipinagbago simula nung nag stop ka pansamantala sa modelling career mo. Pero ang pagiging late mo ang hindi nagbago. Bumait ka nga pero tulad ng dati ang bagal mong kumilos.

Taas kilay ko siyang tiningnan atsaka inirapan. "None of your business tskk.." I said atsaka tamad na umupo sa couch.

Inismiran niya lang ako. Kinuha niya ang cellphone niya nang hindi pa rin ako tinitigilan sa mala-ahas na tingin niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pinukol na lang sa ibang direksyon. This gay is so annoying.. Grrrrrrrr.....

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Where stories live. Discover now