Special Chapter II

10.9K 370 36
                                    

Nakangiting pinagmamasdan ni Tereesa ang sarili sa vanity mirror ng kwartong ginagamit nila ni Andrew. Kinapa ang dibdib na hantad sa suot na silk sleeveless gown na kulay ginto. Dinama. Hanggang sa pinadausdos nito ang kamay pababa sa kaniyang maumbok na tiyan.

She couldn't contain the happiness she felt. Kung sumasabog lamang ito, malamang ay tila siya isang bagay na punong-puno ng confetti. Na para bang isang mahika na kung ano ang matapakan niya mamumukadkad iyon at magbabago tungo sa isang napakagandang kulay, at lahat nang makakakita niyon ay mabibighani.

Ganoon siya kasaya.

Isang bagay na ipinagpapasalamat niya araw-araw.

"Baka hinahanap na ako ng daddy mo, baby. Sobrang tagal kumilos ni mommy." Hinaplos niya muna ang tiyan bago muling pinagmasdan ang sarili sa malaking salamin. She smiled. "Maganda pa rin, Tereesa," she proudly said to herself and winked.

Akmang tatayo siya nang bumukas ang nakasaradong pinto. Iniluwa noon ang ina ni Andrew, napakaganda nito sa suot na pulang gown na mas lalo pang pinatingkad sa suot na gintong alahas sa katawan na bumagay sa hindi kakapalang kolorete nito sa mukha at mapupulang labi.

Andrew's mom screamed sophistication as ever while walking towards her direction. Napangiti kaagad si Tereesa dahil doon. Natigil sa planong pagtayo at hinintay na lamang ang ginang na makalapit sa kaniya.

"Hey, darling. Sorry to interrupt," wika kaagad nito nang makalapit.

"It's fine, tita, tapos na rin naman ako sa pag-aayos," sagot niya.

Pinagmasdan siya ng ginang mula sa salamin. Ngumiti ito. "You're really a beauty, Tereesa. Andrew is very lucky to have you, darling."

Natawa si Tereesa sa papuri ng ginang. "It's the other way around, tita. I am more than happy to have Andrew with me," she replied with a boastful heart.

Tereesa meant it. Wala nang mas maswerte pa sa kanilang dalawa ni Andrew kundi siya. He changed her to the bravest woman she could. He changed her point of views and beliefs in life. Napakalaki ng naging epekto nito sa buhay niya, at hinding-hindi niya iyon pagsisisihan. Hinding-hindi. Dahil nang pinapasok niya ito sa puso niya ay walang hanggang kasiyahan ang tanging ipinaramdam nito.

"I am happy, darling." Tumango-tango ang ginang habang may ngiti sa labi. Kontento at panatag. Kapagkuwan ay ginagap nito ang kamay ni Tereesa na nasa ibabaw ng tokador. Pinisil.

"Thank you, hija, for loving my son. You're like an angel that changes everything-in a good way. You're kind and spirited. Hindi ka nahihiyang ipakita sa amin ang pagmamahal mo sa anak ko-"

"Tita-"

"Please, darling, call me mommy. Magiging masaya ako kapag nangyari iyon," pilya at nakataas ang kilay nitong wika. Nang-uudyok. Ngunit mamasa-masa ang mga mata nito tanda nang nagbabadyang pag-iyak. "I have something to give you, hija." Inilahad nito ang kamay na may hawak na kwentas. Hindi ordinaryong kwentas lamang iyon. Sa tingin ni Tereesa, iyon na yata ang pinakamagandang kwentas na nakita niya.

Namamangha ang mga matang tinitigan niya iyon. Gawa sa ginto ang chain ng kwentas, ngunit agaw pansin ang emerald na bato na hindi kalakihan habang pinapalibutan ng purong dyamante. Magnificent. She was captured by that piece of jewelry in an instant.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERWhere stories live. Discover now