Kabanata 31

8.3K 359 19
                                    

Naririndi na ang tainga ni Tereesa habang nakikinig sa ama na nagsasalita. Nasa harap sila ng hapag-kainan. Napilit siya nitong dumalo ng dinner na una na niyang tinanggihan. As usual, galit ito sa ginawa niyang pag-alis. Maging ang ina ay hindi rin pinalagpas nito.

"I'm really disappointed in you, Tereesa. Hindi ko alam kung saan mo namana ang katigasan ng ulo mo." Sinulyapan nito ang asawa. Umiling. "Ramona, please, not this time."

"At kailan, Fernan?" sagot naman ng kaniyang ina. "I told you, Tereesa has her own life. Bakit ba hindi mo maintindihan iyon?" Bakas ang inis sa boses nito.

Tereesa kept her silence. She was listening, waiting for them to stop. Pero mukhang walang balak ang mga magulang niya na tumigil. Kapag may argumento ang ama ay sasagutin ng ina niya. And vice versa. Nakalimutan na nga yata ng mga ito na nasa harap sila ng grasya. 

"This is for her, Ramona!" matigas na wika ng ama niya. "Every father's job is to ensure that their child's future will be better, kaya ko ito ginagawa!"

"No! This is for you!" sagot ng ina niya. Padabog itong tumayo at mariin ang titig sa kaniyang ama. "Lagi mong iniisip na hindi kaya ng anak mo ang responsibilidad sa kompanya na itinayo ng mga magulang mo. Ang kompanyang pinaghirapan mong itaguyod para manguna sa lahat. But, Fernan. . ." Tinapik nito ang balikat ng seryoso lamang na si Tereesa. "Tereesa is a brilliant child. She can decide in her own. Hindi mo kailangan na ipilit siyang ipakasal sa lalaking ayaw niya para masigurong magiging maayos ang lahat. Tereesa can choose better. Hindi na bata ang anak mo!"

Humugot ng malalim na paghinga ang ama. Halatang nagpipigil ito ng galit. "Your daughter did not prove to me anything, Ramona. Puro katigasan ng ulo lang ang alam ng anak mo." Tumayo rin ito. Tinitigan si Tereesa. "We will move the wedding soon. This is final." At umalis.

Napabuntonghininga na lamang si Tereesa sa sobrang frustration. Her head was aching so badly that she felt she wanted to puke. The last words her father said, made her anxious. By the looks of him, he was dead serious. Walang makababali niyon.

"I'm sorry," si Ramona.

Tereesa looked at her mother. She looked sorry and disappointed. Nginitian na lamang niya ito. "It's okay, mom. Thank you for helping me out. Baka mabaliw na ako kung wala ka." Pinisil niya rin ang kamay nito na kanina pa niya hawak.

"We will fight this," sinserong wika ng ina.

Tumango si Tereesa.

Of course, she will definitely fight it.

Hindi puwedeng mangyari ang gusto ng ama.

Hinding-hindi siya papayag.

NANG makabalik sa sariling silid ay tulalang nakatitig ang dalaga sa kawalan. Laying on the bed, she was contemplating for the next thing she would do. Alam niyang hindi magiging madali ang mga susunod pang araw, lalo na't sinisante ng papa niya si Andrew na nakilala nitong Andoy.

Hindi siya nagsalita o tumutol.

Ayaw niyang makialam.

Isa pa, sapat na sa kaniya ang makita at makasama ito kahit panandalian lamang.

There's no need for him to hid himself and over worked just to see her. Dahil alam naman niyang may responsibilidad din ito sa hacienda na pag-aari ng pamilya nito. At hindi niya rin hahayaan na ito na lamang ang laging magsakripisyo para sa sitwasyon nila.

She sighed heavily. Ipinikit niya ang mga mata nang mariin nang sumakit muli ang kaniyang sentido. Napaisip siya nang malalim. Lately, she was feeling really weird. She was unwell but she couldn't call herself sick. Apektado rin ang kaniyang panlasa at mga gustong kainin.

HMSS: TAMING THE HOT FARMEROù les histoires vivent. Découvrez maintenant