Kabanata 11

11.9K 515 72
                                    

Kasing ingay ng pumapailanlang na tugtugin ang puso ni Tereesa. Sa lakas ng tibok niyon tila ba ito na lamang ang kaniyang naririnig. Mariin pa rin ang titig ni Andrew sa kaniya. Kung nakatutunaw lamang ang titig nito ay baka kanina pa siya bumulagta.

Walang balak si Andrew na bitiwan siya. Ramdam niya iyon sa higpit ng hawak nito. Sinubukan niyang bawiin ang braso ngunit matigas ang binata. Narinig niya pa ang mahinang ungol nito, tanda ng pagrereklamo.

Tereesa's heart was raging wild. Dama niya ang kirot niyon. Nahihirapan siyang huminga sa dami ng emosyong nararamdaman. Sa dami ng tanong ay wala siyang mahapuhap na sabihin. Nanatili siyang nakatitig dito. Naguguluhan. Bakit ba siya sinundan ni Andrew? Bakit parang galit ito sa kaniya? May nagawa ba siya para ikagalit nito?

"Saan ka pupunta?" Andrew interrupted her thoughts. His voice was raspy. Amoy ang alak sa hininga nito.

Tumikhim siya para palisin ang bara sa lalamunan. Ibinaling sa ibang direksyon ang tingin. "Uuwi na. I'm sleepy," pagsisinungaling niya.

"Tired of roaming around with Matt?" It was an accusation from him.

Hindi nagustuhan ni Tereesa ang tono ng boses ni Andrew. Tinitigan niya ang binata. Pinaningkitan ng kilay. "Tired of doing chores, Manong." Idiniin niya ang huling kataga.

Andrew loosened his grip. Kinuha niya ang pagkakataon at binawi ang kamay. Umatras siya para magkaroon ng distansiya mula rito.

"Now, you don't like to be near me. Is it about Matt?" anito.

"Wala akong alam sa sinasabi mo." Bakas sa kaniyang boses ang inis. Bakit ba lagi na lang nitong nababanggit si Matt?

She was with Matt the whole day. Utos iyon ng ina ni Andrew. Hindi siya sang-ayon sa ideya ngunit hindi rin naman tumanggi. Kahit napipilitan ay sinamahan niya ito na libutin ang hacienda. Kalaunan ay nakapalagayan na rin niya ito ng loob. Mapagbiro naman kasi ang lalaki at mabait.

"So, totoo. Magkasama kayo buong araw," wika muli ni Andrew.

"Bakit mo ba laging dinadawit si Matt dito? Inosente ang tao sa kung ano man 'yang iniisip mo." Tuluyan nang humulagpos ang kaniyang pasensya. She felt frustrated all of a sudden. She wanted to know why Andrew was acting stranged.

"You're defending him, huh," he accused her sarcastically.

Tereesa and Andrew looked like lovers who had a petty fight. Walang magpapatalo. Mariin ang titig sa bawat isa. Madilim ang gabi at tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing tanglaw, ngunit bakas sa mukha ng dalawa ang hindi maipaliwanag na damdamin. Walang katumbas na salita. Parehong naguguluhan.

Unang nagbaba ng tingin si Tereesa. Napabuntonghininga. Pinutol rin nito ang namamayaning katahimikan. Pagod siya dahil sa buong araw na pagiging abala. She badly wanted to rest. Bukod pa roon, hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. Sumasakit ang kaniyang ulo nang hindi niya alam.

"Sorry kung may nagawa man akong ayaw mo. Sorry dahil hindi kita nakausap buong araw." Tumalikod siya. Nagsimulang maglakad. Hindi na hinintay ang sagot ng binata.

"Gusto kita," wika ni Andrew.

Natigil sa paghakbang si Tereesa. Hindi siya lumingon.

Did she hear him right? O, pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang pandinig?

Naramdaman niya ang papalapit na mga yabag ni Andrew, ngunit nanatili siya sa kaniyang puwesto.

"Gusto kita, Eesa," ulit nito sa sinabi. Nasa harap na ito ng dalaga. Seryoso ang mga mata nitong nakatitig dito.

Ramdam ni Tereesa ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Dumoble iyon nang walang ano-ano'y hinaplos ni Andrew ang kaniyang mukha. Mas lalo siyang natuod. Ang kaniyang mga tuhod ay tila ba nawalan nang lakas at pilit na lamang na pinapatatag. Napaawang ang kaniyang labi nang inilapit ni Andrew ang mukha nito sa kaniyang mukha.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERWhere stories live. Discover now