Kabanata 20

11.7K 419 45
                                    

Napapangiwi pa rin si Tereesa kapag iginagalaw ang sariling katawan. Halos ilang araw na rin mula nang magkasakit siya. Ilang araw na rin siyang nasa unit ni Andrew kasama ito. They are spending their quality time together as a couple, cuddling and hugging like it was forever.

And yes, they have made it official. Nakapag-usap na rin sila ni Andrew nang maayos tungkol sa kanilang dalawa. Mga plano at saloobin. Maging ang usapin tungkol sa kani-kanilang pamilya; lalo na ang plano nitong pakasalan siya. Lumubo ang puso niya dahil doon. Ngunit ayaw niyang magmadali sa mga bagay-bagay.

Though she agreed to the proposal, it was not their right time yet. She wanted it slow. She wanted to spend more time with him than planning an out of a blue wedding. Mas gusto niya muna na mas makilala nila ang isa't isa; and enjoy each other's company. Katulad na lamang ngayon, sabay silang nanunuod ni Andrew ng Netflix sa malawak na T.V. room nito. Nakaupo ito sa couch habang nakahiga naman siya sa hita nito. Panay siyang sinusubuan ng popcorn ng binata habang sa bawat subo ay may katumbas na isang halik mula rito.

"Baka naman amoy laway na ako niyan," Tereesa joked while eating the popcorn Andrew was holding.

Ngumisi ito. He sneaked one kiss from her before answering, "Mabango ka pa rin naman. I like the smell of yours with mine," sagot nito.

Tereesa pouted. As usual, her heart beat like crazy. Isa na yata si Andrew sa mga lalaking matatamis kung magsalita. He knew the exact words to say. Para bang sanay na sanay itong magpakilig ng mga babae. Sanay na sanay kung mag-alaga. And despite of their age gap, ni minsan ay hindi ito nagparamdam na ito ang dapat masunod. Bagkus ay ito pa ang mapagparaya sa kung ano ang gusto niya.

Sa bawat araw na nagdaan ay mas lalo niya itong nagugustuhan. Mas lalo siyang humanga rito. He was indeed a perfect husband material. Mabait at maaalalahanin. Responsable. Lahat na yata ng katangiang gusto niya ay nasa lalaki na. Who would have thought that her desperation to escape from unwanted marriage would lead her to another marriage proposal?

None!

Maging siya ay hindi inaasahan ang lahat. Mas lalong hindi pinlano. Everything happened so fast but it was according to her will. With no regrets and doubts. Bukal sa kaniyang puso ang lahat.

Napangiti siya. She shifted her sight and looked at Andrew. She caught him staring at her. Mukhang kanina pa siya nito pinagmamasdan. Ganoon kahaba ang buhok niya na kampante siyang mahal na mahal nito. Hindi naman kasi nito iyon maitatanggi sa kung paano siya nito tingnan. His eyes were always beaming and obviously delighted. Para bang laging nakangiti. Tila nalulunod sa nakikita.

"Baka matunaw na ako niyan," she said.

Tereesa's smile widened. She lifted her hand. Idinikit niya ang hintuturo sa malapad nitong dibdib. May mumunting balahibo iyon, ngunit hindi ito naging rason para pigilan siya sa gagawin. She traced Andrew's chest slowly and sensually. Partida sa kaniya ang katotohanang wala itong pang-itaas na damit. Minsan ay iniisip niyang tinutukso siya nito.  Nakakaakit naman kasi ang perpekto nitong anyo at nakakatakam ang mga pandesal nito sa tiyan na nasa mismong kaniyang harapan. She was not a sex starve but she wasn't an angel either. Pilya din siya at may tinatagong kalokohan. Marupok pero hindi pokpok.

"Stop it." Andrew groaned when Tereesa played his nipple. Mabilis nitong nahawakan ang kamay ng dalaga.

Natawa si Tereesa at napailing. "Gusto mo naman," biro nito. Kapagkuwan ay sumeryoso nang tumunog ang sariling cell phone ni Andrew. She instantly peeked at it and saw Evander's name on the other line. "Si Gago," she muttered. Napaingos siya. Nalaman niya kasing ito pala ang naglagay ng pampatulog sa inumin niya sa nakaraang orgy party ng Hot Men Society.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERWhere stories live. Discover now