Kabanata 14

11K 460 46
                                    

Maaliwalas ang panahon dala ng malamig na simoy ng Hanging Amihan. Sumasabay sa pagaspas ng dahon ang huni ng naglalarong ibon sa kalangitan. Peace. Serenity. Katulad na lamang nang nararamdam ni Andrew habang yakap si Tereesa mula sa likuran nito.

For a very long time, he never showed any affection to woman. Si Laura lang ang naging pedestal niya sa mahabang panahon. Giving himself a chance to fall in love was certainly not absurd. Because he deserved it. And he was willing to take the risk.

"May ipapakita ako sa 'yo," Andrew whispered near Tereesa's ear.

Nagdulot iyon ng kiliti sa dalaga. Tumango ito. "Sige." In one snap, her emotion changed.

Kumuwala si Andrew mula sa pagyakap kay Tereesa. Pinaharap niya ito sa kaniya. He saw her lips pouted. Natutukso siyang halikan iyon. Kung alam lang nito kung paanong pagpipigil ang kinailangan niya para kontrolin ang sarili para hindi ito halikan. She was like a walking temptation that he couldn't resist but needed to avoid if he didn't want to cross the line.

'You already cross the line, idiot!' pagkastigo niya sa sarili.

Umiling si Andrew, trying to gain his senses back. "Stop pouting and look at me," utos niya kay Tereesa. Nasa baba kasi ang tingin nito.

Sumunod naman si Tereesa. Pumikit-pikit. "P-Puwede bang magdamit ka muna? Na-d-distract ako," pag-amin nito. Itinuro ang hubad na katawan ni Andrew.

Mahinang natawa ang binata. Doon lamang din nito napagtanto na wala nga pala itong pang-itaas na damit. Hinubad niya iyon nang magsimula siyang umakyat sa mga puno ng niyog para kumuha ng buko. He disregard the idea of taking his shirt on when he realized that he left it somewhere. Ginulo na lamang niya ang buhok ng dalaga at umiling.

"Kung saan-saan ka kasi tumitingin." May himig panunukso ang boses nito.

Pinamulahan si Tereesa ng mukha. Totoo naman kasi iyon. But she wouldn't give him the satisfaction he wanted. She flinched. "Nilalandi mo ako, eh, may Laura ka na."

Natahimik si Andrew. Napakunot ang noo. Then, his laughter echoed the place. His eyes were beaming. He couldn't help himself but to be fascinated from Tereesa's little jealousy. Ang cute lang kasi nitong tingnan. Namumula ang tungki ng ilong habang magkatagpo ang makakapal nitong kilay. She looked wonderful in his eyes, including her imperfections.

"Selos ka lang." He grabbed Tereesa's hand. Pinagsalikop niya kaagad ang kanilang mga daliri. "Tara na nga!" Nagsimula siyang maglakad bago pa man niya ito mahalikan.

Andrew was guiding Tereesa. Siniguro ng binata na hindi ito masasaktan ng kahit anumang ligaw na halaman. Minsan ay nagkakandalaiti ang kanilang mga katawan sa makipot na daan na nagdudulot sa kaniya ng kakaibang init. And worst, he got his boner in broad day light.

"Fuck!" he silently cursed himself.

Narinig iyon ni Tereesa. Tumigil ito sa paglalakad na ikinatigil din ng binata. Hinarap nito ang dalaga. Nagtatanong ang mga mata. Sumimangot ang dalaga rito. Did he just cursed her? Pero bakit naman? Nainis ba ito sa bagal niyang maglakad? Nangalay na ba ito sa pag-alalay sa kaniya?

"Minumura mo ba ako?" There she was again, acting like a moody girlfriend.

Napalitan ng amusement ang nakakunot-noong hitsura ni Andrew. Ginulo muli nito ang buhok ni Tereesa gamit ang bakante nitong kamay. "Silly. Why would I do that? You're as precious as pearl. It's just that. . ." He stopped. Papaano niya sasabihin dito ang kakaiba nitong epekto sa kaniya? Surely, Tereesa would probably think that he was a maniac.

"Pagod ka na ba?" bagkus ay tanong na lamang ni Andrew.

Tumango si Tereesa. "Oo."

Walang pagdadalawang-isip na binuhat ni Andrew ang dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Tereesa. Naumid ang dila dahil sa bilis ng pangyayari. She just found herself being captured by Andrew's strong arms and trapped by his broad chest. At kung ibabaling niya ang ulo ay tiyak na mahahalikan na niya ang matipuno nitong dibdib.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon