Kabanata 9

12K 491 64
                                    

"You will not believe what happened to me here, Krist. I mean. . ." Tereesa paused. Hindi mawala-wala sa labi nito ang isang ngiti habang kausap ang kaibigan sa telepono.

Nasa labas ng harden siya ng mga Guerrero nang araw na iyon habang nakatanaw sa malawak na taniman ng Tulip. Prenteng inuugoy sa duyang rattan ang sarili. Ang mga buhok niya'y sumasayaw sa pagsalubong sa mahinang hangin na nagmumula sa Silangan.

"What do you mean?" wika ni Krist sa kabilang linya.

Tumigil si siya sa pag-ugoy ng duyan. "What I mean is. . ."

Kinuwento niya ang lahat sa kaibigan. From the time Andrew came to rescue her until the moment he kissed her on top of the hell. Kinikilig siya habang sinasabi ang lahat dito. Hindi rin maitago sa kaniyang boses ang kasiyahan. Odd. But the mere thought of Andrew made her heart beat faster.

Narinig niyang tumawa ang kaibigan sa kabilang linya matapos niyang magsalita.  Napasimangot siya dahil doon. Minsan talaga ang pinaka-bully sa kaniyang buhay ay ito.

"Nakakainis ka!" bulyaw niya. Tumigil naman ito sa pagtawa. Nanatili silang tahimik. Naghihintay kung sino ang mauunang magsalita. Until she broke the silence.

"What if hindi ko lang pala siya crush?" bulong niya. "What if—"

"You're impossible, Eesa," pag-agaw ni Krist. "Hindi ikaw ang tipo ng taong mahuhulog agad dahil mabait sa 'yo. You are better than that!"

Tereesa sighed.

Ganoon nga ba siya?

Is she better than she thought she was? She didn't know. Hindi naman kasi siya pamilyar sa mga damdaming bago sa kaniya. She didn't even know what was the feeling of having a crush or falling in love. She relied on what she read in her books so much.

Reading romance stories was her hobby since young. May sarili siyang koleksiyon ng iba't ibang love stories sa iba't ibang manunulat. Her favourite was Jane Austen and Nicholas Sparks. In fact, she completed their books in every volumes and versions.

At iisa lamang ang depinisyon ng mga ito sa pag-ibig. The fluttering of the stomach. The constant pounding of the chest. An indescribable feeling. And the continuous need to see the person. Unconditional.

Ito ang mga damdamin at pakiramdam na hindi niya pa nararanasan sa isang lalaki. And it frustrated the hell out of her.  It was surreal. She didn't know what she exactly felt for Andrew either. All she knew was she adored him for his empathy towards his people and unfatomable gesture towards her.

Napailing siya. "Hindi ko alam." Kinagat ang pang-ibabang labi.

"Basta, I am only concerned about you, my friend."

"Yeah. I know."

Bago nagpaalam si Krist sa kabilang linya ay pinaalalahanan muna siya nito. Tumango lamang siya na para bang nakikita siya nito. Her mood suddenly changed. Lulugo-lugo ang kaniyang pakiramdam na bumalik sa loob ng kusina ng Guerrero's mansion.

Isinama siya ni Aling Melba kanina roon para tumulong sa paghahanda ng rekados sa papalapit na handaan para sa mga magsasaka. Nalalapit na raw kasi ang fiesta sa buong lalawigan at unang ipinagdiriwang iyon ng mga Guerrero kasama ang mga trabahante nito. Tumulong siya sa paghihiwa ng gulay kanina ngunit tumakas din nang tumawag ang kaibigan.

"Hay! naku, Essa, buti na lang at bumalik ka na," bungad kaagad ni Aling Melba sa kaniya. Iniwan nito ang ginagawa at hinarap siya.

Napapahiyang ngumiti si Tereesa rito. Kinamot ang likod ng ulo. "Pasensya na po, Nanay Melbs. May emergency lang po." Sinadya niyang lakasan ang salitang emergency. Alam naman kasi niyang nakikinig ang ibang katulong na naroon sa loob ng kusina. Nandoon din si Nene at abala sa ginagawa nito, ngunit hindi nakaligtas sa kaniya nang sumimangot ito.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERWhere stories live. Discover now