Kabanata 34

9.3K 369 38
                                    

Bulungan ang sumalubong kay Andrew nang makapasok sa malawak na hardin ng mga Esquevel. Nauna sa kaniya si Doña Asunsion, ang abuela ni Tereesa. Kasunod naman nito si  Attorney Kraius Montreal na tinawagan niya matapos makipagkita kay Hernan Esquevel.

Hindi inaasahan ni Andrew ang balitang kasalan ni Barry at Tereesa. Ngunit mas hindi niya inaasahan nang hanapin siya mismo ng abuela ni Tereesa para makipag-usap sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang gusto nito, ngunit nang sabihin nitong gusto siya nitong tulungan, ay hindi na siya nakatanggi. Iyon ang pinakainaasam niya—ang pagsang-ayon nito sa relasyon niya at ni Tereesa.

The old woman gave her hope that he could win the battle between him and Tereesa's father. Mas pinalakas nito ang kaniyang loob. At mas lalong lumakas pa nang marinig si Tereesa at ang mga salita nito habang kaharap ang mga bisita ng sariling ama. Walang takot at purong determinasyon lamang ang makikita niya sa mga mata nito. He couldn't help himself but to fall for her deeper. She just made him prouder in her little revelation.

"I can't marry Mr Vanidestine." Ang mga mata ni Tereesa ay nakatuon sa kaniya, ganoon din ang mga mata niya. She was the only one he was seeing right now. The only woman he loved dearly. "I can't marry him because I am already married." Nang itinaas nito ang kamay na may singsing ay mas lalong lumundo ang puso niya.

Napangiti si Andrew. The ring was not that fancy. Hindi rin masyadong malaki ang bato na nasa gitna niyon. Ngunit dahil sa ilaw na nakatutok sa entablado ay mas kuminang ito. Mas nakaaagaw ng atensyon.

"This is the only ring that I desire to put in my finger. The ring that has my heart, my body, and my soul," Tereesa proudly confessed.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Andrew.  Humugot din siya ng malalim na paghinga. The feeling of extreme happiness made his heart ache. It was still surreal. Pakiramdam niya, nasa alapaap siya dahil sa katotohanan na kasal na sila ng dalaga. The wedding happened so fast. Nakisabay sila sa nadaanang kasalan ng bayan nang nakaraan, sa tulong na rin ni Attorney Kraius at sa kilala nitong Mayor. The documents weren't a problem though, dahil magaling na abogado si Kraius at nasa tamang edad na rin sila ni Tereesa.

"I'm proud of you, baby," he whispered. Tinitigan ng binata si Tereesa nang puno ng pagmamahal.

Kasabay ng pagsinghapan ng mga naroroon ay ang dahan-dahang paghubad ni Tereesa sa suot nitong mga mamahaling alahas sa katawan. Kapagkuwan ay binalingan nito ang sariling ama na halatang nagpipigil ng galit. "I don't need your wealth, dad. I don't need these fancy stuff. I only want one thing." Tumuon muli ang tingin nito kay Andrew. "I want my life. I want my happiness."

Andrew was speechless. He couldn't process everything he had witnessed, yet, one thing was sure, he was moved by Tereesa for being brave and standing up to what she really adhire. Lumubo ang puso niya dahil ipinaglaban nito ang pagmamahalan nila. Same thing as what he wanted for them. The freedom to love.

Nagkikislapan ang mga camera ng inimbitahang media sa pagtitipon nang bumaba si Tereesa sa entablado. Dahan-dahan itong lumapit kay Andrew—na sinalubong naman nito. They were smiling at each other. Hilam sa luha ang mga mata ng dalaga na agad namang pinunasan ng binata nang magtagpo sila. Nagyakapan ang dalawa. 

"I love you, baby. I really do," bulong ni Andrew habang yakap nang mahigpit ang humihikbing si Tereesa.

Kumalas si Tereesa sa pagkakayakap mula kay Andrew. Lumayo nang bahagya rito at muling hinarap ang mga panauhin. "He is the man I love. Everyone, I would like you to meet Mr. Andrew Guerrero. My husband."

Nagsinghapan ang mga taong naroon habang nakikinig sa mga sinabi ni Tereesa. Napuno ng bulong-bulungan ang buong lugar. Gulat ang inang si Ramona habang tigagal naman ang ama ng dalaga na tila hindi nakahuma sa pagkabigla. Kapagkuwan ay napahawak ito sa dibdib nito. Tila noon lamang rumihestro ang lahat dito. Inalalayan ito ni Barry nang akma itong mabubuwal.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERWhere stories live. Discover now