Kabanata 8

12.1K 547 58
                                    

"Puwede mo na bang sabihin sa akin kung bakit mo ako hinahanap?" Iyon kaagad ang tanong ni Andrew kay Tereesa nang mapag-isa ang dalawa sa barn. Magkaharap sila sa lamesang kahoy habang nakaupo.

Napakatahimik ng lugar. Wala nang kahit isang trabahante ang naroon dahil nagsisimula na sa kani-kanilang trabaho, ang magtanim ng tubo. Hindi tuloy maiwasan ng dalagang isipin kung gaano kalawak ang lupain ng mga Guerrero, ngunit iwinaglit din kalaunan. She shouldn't think anything rather than the question Andrew was asking.

Tumikhim siya at matamis na ngumiti rito.

"Bakit, ayaw mo ba na hinahanap ka?" balik-tanong niya.

Nagpasalamat si Tereesa nang hindi man lamang nautal ang kaniyang boses. She should use her charm to Andrew this time. Seeing him with furrowed eyebrows while looking at her intently almost leapt her heart. Iyon ang klase ng tingin na nakapanliliit. It intimidated her, while the pounding of her chest was also evident.

"I-Iniiwasan mo ba ako, Manong?" She couldn't stand the quietness of the place. Kung kailangang kausapin niya ito nang kausapin ay gagawin niya.

She may look desperate but that was she really felt. Frustration enveloped her. She wanted to know what was inside Andrew's mind. His thoughts. Bakit naging malamig ang pakikitungo nito sa kaniya? Did she do something that let him decide to keep his distance to her?

Napailing si Andrew sa tanong ni Tereesa. "I don't know what to say," wika nito. Para bang balewala lamang dito ang mga tanong ng dalaga.

"Yes at no lang ang sagot sa tanong ko." Tereesa crossed her arms in front of Andrew, challenging him to make a response. But the man didn't budge. Nanatili itong nakatitig sa dalaga, keeping his silence.

Bigla ay bumangon ang inis sa damdamin ni Tereesa dahil sa reaksyon nito. She stumped her feet and forcefully stood up. Malalakas at mabibilis ang mga hakbang na lumapit ito kay Andrew. Nakapameywang. Her plan of trying to seduce him by her charm vanished instantly. How could she do it, if answering her question was tough for him?

"Masyado ba akong naging makulit sa 'yo para iwasan mo?" It was an accusation from her with conviction. Tinitigan nito nang mariin ang binata. She wanted to know the truth from him even if it would piss her.

Andrew got appalled. Umiling ito. Hindi naman kasi ito umiiwas sa dalaga dahil gusto nito kundi dahil kailangan. These past few days made him sort things. Kinukulit siya ni Tereesa ngunit hindi iyon big deal sa kaniya. It was fine actually.

Ang ikinakatakot niya ay ang epekto nito sa kaniyang sistema. He didn't like it. She had some power over him. Odd, but every time Tereesa acted irritated, he couldn't help himself but feel frustrated too. Tulad na lamang ngayon. Gusto na niyang iuntog ang ulo dahil sa simpleng tanong nito ay hindi niya masagot.

Nagbaba siya ng tingin. Napabuga ng hangin. Pilit hinahanap sa isip kung ano ba ang dapat sabihin.

"Hindi ako pumapatol sa bata." The words just slipped from his mouth.

Gusto ni Andrew na kutusan ang sarili dahil sa nakitang hitsura ni Tereesa. Laglag ang panga nito nang tingnan niya. Wala rin itong kakurap-kurap na nakatuon sa kaniya ang atensyon.

"Ano—"

Hindi na natapos ni Tereesa ang sasabihin. Namalayan na lamang nitong akay ni Andrew patungo kung saan. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay. Seryosong nakatuon sa kanilang harapan ang buong atensyon. Hindi tuloy niya makuha kung ano ang trip nito sa buhay.

One moment he was aloof and very hard to handle. Then after, he was acting like he wanted her. Naiinis siya. It frustrates the hell out of her. Idagdag pa ang huling sinabi nitong hindi pumapatol sa bata. . .

HMSS: TAMING THE HOT FARMERWhere stories live. Discover now