Kabanata 10

12.2K 507 48
                                    

Umaga pa lang ay naningkit na ang makakapal na kilay ni Andrew. Parang punyal ang mga titig nito na nakatuon sa dalawang taong nag-uusap sa kanilang hardin. Papalabas siya ng bahay para magtungo sa kwadra ng mga kabayo ngunit si Tereesa at Matt kaagad ang bumungad sa kaniya. Nawalan ng silbi ang pakikipagpalit niya ng cell phone sa dalaga.

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo nang nagtawanan ang dalawa. Naiinis, sinadya niyang dumaan sa harapan ng mga ito. Binagalan niya rin ang mga hakbang ngunit parang hangin lamang siya na hindi pinansin, lalo na ni Tereesa na patuloy lamang sa pakikipag-usap kay Matt.

Hanggang makarating sa kwadra ay mabigat ang loob ni Andrew. Padabog niyang kinuha ang balde at brush para sa paglilinis ng kaniyang kabayong si Toro. Napansin ni Mang Ben, ang tagapag-alaga ng kanilang kabayo, ang kakaiba niyang awra kaya tumigil ito sa ginagawa. Nilapitan nito ang binata.

"Ayos ka lang ba, Andrew?" tanong nito.

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Andrew. Tumigil ito sa ginagawa at tiningnan ang matanda. May pagtataka at pag-aalala sa mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Kinuha rin nito ang bitbit niyang balde at ito na ang nagpaligo sa kaniyang kabayo. Umusog siya para bigyang daan ang matanda.

"Ayos lang, Manoy Ben," sagot ni Andrew dito. Tinawag ang matanda sa pangalang gustong-gusto nito. Matagal na rin itong nagtatrabaho sa hacienda nila kaya'y magaan ang loob niya rito.

Napangiti si Mang Ben. "Mabuti kung ganoon. Bawal sa mga gwapo ang nakasimangot. Bisperas pa naman ngayon, baka hindi ka lapitan ng swerte niyan."

Napailing si Andrew at natawa na lamang sa sinabi ng matanda. Doon niya lamang din napagtantong nakasimangot siya nang hindi niya alam. He shouldn't be affected at all. He shouldn't feel jealous and irritated. But, fuck it! He couldn't help it.

Ngayon lamang uli siya nakaramdam ng ganoong damdamin matapos kay Laura. It was stranged that he was totally acting weird. Maging ang sarili ay hindi na niya kilala. He got pissed easily. Tereesa could instantly made him a mad man in her oddly way. Perhaps, she didnt have any idea how she was making him fucked up and problematic. Katulad na lamang ngayong nakita niya si Matt na kasama nito.

'Damn Andrew! Focus!' pagkastigo niya sa sarili. Napabuntonghininga pagkatapos.

Iniwan ni Andrew ang kwadra. Bumalik siya sa loob ng mansion. Mas lalo siyang nainis nang mawala na sina Tereesa sa kinauupuan ng mga ito kanina. Pasimple siyang luminga ngunit hindi pa rin niya nakita ang dalawa. Tumuloy na lamang siya sa loob ng mansion at pabagsak na naupo sa malambot na sofa. Kinapa ang bulsa at kinuha ang cell phone na kabibili lamang.

He dialled his own number. Nakailang ring muna ito bago may sumagot.

"Hello?" wika ni Tereesa sa kabilang linya.

Napangiti si Andrew. Napahawak sa sariling baba. "Hey, nasaan ka?" tanong niya.

"N-Nandito. Bakit?"

"Busy to someone?" Halata sa boses ni Andrew ang sarkasmo. Napatingin dito ang ina na nakaupo sa kabilang bahagi ng sofa at kanina pa nagmamasid sa kaniya. Nakataas ang kilay nito habang hawak ang diyaryong binabasa.

"Sort of," sagot ni Tereesa sa kabilang linya.

Nagtagis ang bagang ni Andrew. Gusto niyang tanungin kung si Matt ba ang dahilan ng pagiging abala nito. Ngunit, may karapatan ba siya? He couldn't even determined his feelings for her. Baliw siya kung sasabihin lamang niyang natutuwa siya sa dalaga, dahil ang totoo-mas higit pa roon ang damdamin niya para dito. Nahuhulog na nga yata siya dito nang hindi niya alam.

Nang maibaba ni Andrew ang aparato ay napasandal na lamang siya sa kinauupuan. Napamura nang mahina. He looked up and heaved a sigh. Minasahe rin nito ang noo dahil sa biglaang pagsakit ng ulo. Nababaliw na siya at nawawala sa pokus dahil sa isang babae. He was fucked up, big time!

HMSS: TAMING THE HOT FARMERWhere stories live. Discover now