Chapter 34: Killer's Helper

626 32 4
                                                  

×MIRAE×

"Mirae..."

 
Alah. Anong gagawin ko? Ano?

 
Teka... Parang... Parang alam ko na kung sino ang kumidnap kay Wendell, at pumapatay sa mga kaibigan ko. Lalo na kay Lucy..

 
"Mirae, anong ibig sabi--"

 
"Pwede bang pagusapan natin to sa ibang lugar?"

 
"Okay. Sige. Tara na." pag sangayon ni Matthew sa sabi ko.

 
"Pero matthew yung pagkain?" tanong ni Tory.

"Mas gugustuhin ko pang may malaman kesa may makain. Tara, sa bahay mo.. Mirae." sa bahay ko talaga? sa aking bahay talaga?

Baka makiistorbo lang ang dalawang matandang gumugulo sa buhay ko. Hindi naman kasi ako killer, sya ang killer! Yung tumawag! Bakit ba nya ako sinisisi? Hindi ko naman sinasadyang gawin yun e..

Hindi ko inaasahang magagawa ko yun!

 
***

Nandito kami nina Mirella sa bahay ko. Naabutan kong si Mommy na tulog sa sala. Wala si Daddy, siguro may pinuntahan.. Pakealam ko naman at kailangan ko pang alamin? Sino ba ako sa kanila? Tsk.

 
"Tulo--"

 
"Wag nyo ng gisingin, baka maiba lang aura ko." pigil ko sa kanila. "Sa kwarto ko na lang uli."

Pagpasok namin sa kwarto, dali dali silang nagsiupo sa couch at yung iba ay sa kama ko, mga nakaindian sit, sa gitna ng kama ako umupo.

"Go. Magkwento ka na, Mirae." sabi sakin ni Matthew.

Nagbuntong hininga ako habang nakapikit ng saglit, sabay isa isa silang tiningnan.

 
Nakakatakot..

 
Nakakakaba...

 
Pag ba nalaman nila.. Pagiisipan ba nila ako ng masama? Iiwasan kaya nila ako? Lalayuan ba nila ako? Hindi na ba nila ako kakausapin? Aawayin ba nila ako?

Pero wag naman sana.

 
I was about to speak nung naunahan ako ni Mirella. "Guys, singit lang ako ha...Bakit hindi natin unahin, kung sinong tumutulong sa killer?"

Oo! Tama! Tama si Mirella. Bakit hindi na lang muna yun ang intindihin? Ang isipin? Ang alamin? Tama, yun na lang muna!

"Sige. Saka ka na lang magkwento, Mirae." sabi ni Matthew sabay buntong hininga at nilingon si Mirella. "Yung plano mo?"

 
"Ah, eh, ih,"

 
"Oh, uh. Oh ayan, kompleto na.. Ano na?" pamimilosopo ni Warren.

 
"Wag ng ituloy..pwede? T-tutal, ang pangit nung plano eh. Tsaka, yung tumutulong sa killer, baka kaibigan lang natin kaya kung magpaplano pa tayo, baka mali pa tayo. Dahil minamali tayo."

May point dun si Mirella. Nagplano pa, kung mamaliin lang naman tayo nung tumutulong sa killer,

"Hindi naman siguro.." hindi pagsang ayon ni Patricia.

Napatingin kaming lahat tuloy sa kanya ng nakakunot noo. "Anong pinagsasasabi mo Pat?" tanong ni Andy.

"Lahat naman ng kaibigan natin ay mabubuting tao.. Alam kong, may mabuting kalooban sila. Hindi nila tayo gagawing--"

 

"Hindi Pat. Lahat ng nagbabait-baitan, magaling manguto. Iisipin nila na totoo to sakin, mabait to. Pero yun pala santa-santita/o lang. Maraming naloloko duon." sagot ni Matthew.

"Pero alam ko namang totoo tayong lahat sa isa't isa.."

Nakakapagtaka.. Grabe naman si Pat. Masyado syang.. Ano nga bang tawag sa ganung tao? Aish. Di ko maalala.

 
(A/N: hindi ko alam ang tawag sa ganung tao e.)

 
"Pat, bakit ganyan ka sumagot? Namatay si Lucy. Siguro dahil sa may tumutulong sa killer.. Pero bakit.."

 

"Sorry. Hindi ko lang talaga gusto yung sinasabi nyo. Para naman kasing ang pinapalabas nyo ay kayo, tayo, sila, ay hindi naging totoo satin. Parang sinasabi natin na.. Hindi kayo, tayo o sila mga totoong kaibigan."

Oo nga naman. May point dun si Pat. Syempre noh, hindi naman lahat siguro samin ay fake right?

"Wag na lang tayong magplano para walang maisabi yung helper sa killer." sabi ni Tory.

"Nakakapagtaka yung mga sinasabi mo talaga, Pat." sabi naman ni Mirella habang pakamot kamot sa ulo, na halatang walang maintindihan.

×WENDELL×

"Wendell, ako na lang pwede?" sabi ng babaeng to sakin habang hinihipo hipo ang pisngi ko.

Iniilag ko yung mukha ko. "Pwede ba? Bakit naman ako magkakagusto sayo?! E hindi kita kilala! At killer ka kaya!"

Tumigil ang paghipo nya sa pisngi ko. At nagsama ang tingin nya sakin. Patayin na lang nila ako, hindi yung gagamitin pa nila ako mapunta lang dito sina Mirae at para takutin.

"ANONG AKALA MO SAKIN? UTO UTO?! HINDI AKO MAGPAPAKILALA SAYO DAHIL BAKA KUNG ANO PANG MASABI MO KAY MIRAE! HINDI AKO UTO UTO! HINDI NA!"

Tsk. Ano bang pinagsasasabi nito? Hindi ko naman sya inuutusang magpakilala sakin ah? Ang gulo naman nito!

"b-babae... Pakawalan mo na ako, pwede? Hindi ako magsusumbong dahil alam kong ikapapahamak lang to nina Mi--"

 

"NO NO NO! Ayaw kitang bitiwan. Ayaw! Akin ka lang Wendell! Akin! Wendell, pagbigyan mo na ako.. Kinuha na ni Mirae ang lahat sa akin.. Kaya sana ipaubaya mo na lang ang sarili mo sakin.. Mahalin mo lang ako, titigilan ko na si Mirae.." nagmamakaawa nyang sabi habang pinapagpapatuloy ang paghipo sa pisngi ko. Sa magkabilang pisngi ko.

Ewan. Naaawa ako sa kanya, pero alam kong mali to. Mali ang maawa sa killer. ISANG MALAKING MALI.

"Sorry.. Pero loyal akong magmahal, at kung--"

Hindi ko naituloy ang pagsasalita ko sa hindi ko inaasahang paggawa nya.

Ang biglang halikan ako. Hindi sya smack. Kundi torrid kiss. Sa hindi ko rin naman inaasahan, ay tumugon ako sa halik nya. Ang mga lalaki, mas marami ang hindi marunong tumanggi sa ganitong bagay. Kaya nagagalit ako sa sarili ko ngayon at isa ako sa mga lalaking hindi marunong tumanggi sa halik.

Tumagal ang halikan namin ng mabalik ako sa sarili ko saka ko nilayo ang mukha at labi ko sa babaeng nakahawak ang dalawang kamay sa leeg ko ngayon.

 
"Ano bang ginagawa mo?!"

 
"I knew it!" nakangiti nyang sabi. Aish! Bakit ko ba kasi iyon ginawa? Mali naman kasi ito e. MALI!

 
"Kung ano ang iniisip mo, mali yun."

 
"You respond to my kisses! I knew you love me! I knew you love me!"

 
"HOY! HINDING HINDI AKO MAGMAMAHAL SA KILLER, SA PANGIT, SA MAHILIG SA DUGO, SA DESPERADA AT HIGIT SA LAHAT! SA BABAENG TULAD NA TULAD MO! MASAMA KA! AT HINDI AKO PAPAYAG NA MAGMAHAL SA PUSONG KULAY ITIM NG TULAD SAYO!"

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon