CHAPTER 20 - FAMILY

1K 39 4
                                    

YLLENA



"Ate maganda kana, ano pa bang ilalagay ko sa mukha mo?" reklamo ni Yohan habang nilalagyan ako ng make-up. Wala talaga akong pag-asa sa mga ganito at parang gusto ko na lang maiyak sa kaba. 

"Sigurado ka? Tama lang ba itong blush na to? Pag si Honeylette makapal pa ang nilalagay..." tanong ko, tinitingan ang sarili sa maliit na salamin. 

Inaayusan ako ni Yohan dahil ngayon ang araw na ipakikilala ako ni Farrei sa kanyang pamilya bilang kasintahan. Ilang araw yata akong hindi makapag focus sa trabaho sa kaiisip ng mangyayari. 

"Sa bahay ng boyfriend mo ang punta ate at hindi sa bar. Magandang natural make-up look lang ang gawin natin. Matangos ang ilong mo at maganda ang mga mata mo. Hindi ka naman tinitigyawat  dahil makinis ang kutis morena mo." 

Napabuntong hininga ako at muling pinagmasdan ang sarili. Tama si Yohan. Napaka-natural lang ng koloreteng nilagay niya sa mukha ko. Mas lalong nangibabaw ang ilong ko at mga mata dahil sa contour at eyeshadow. Ang blush on? Hindi gaano. Tama lang ang kulay niyon para ipakita ang cheekbones ko kasama ng highlights. 

Kung paano natutong magmake-up si Yohan? Hindi ko alam. Muntik ko pang malimutang babae ang kapatid kong 'to. 

"Ayan. You're good to go, ate Yna! Tiyak na mababaliw na naman sayo si Kuya Rei pag nakita ka," proud na sambit ni Yohan sa ginawa niya sa mukha ko. 

"For your long hair... itali na lang natin ng Mermaid Tail para hindi humarang sa face mo ang buhok mo." At iyon nga ang ginawa niya. 

Matapos ng ilang sandali ay tinulungan niya akong suotin ang baby pink floral dress na binili ko pa sa mall. May kamahalan ito. Wala naman kasi akong matinong damit dahil karamihan ay jeans at shirt. Ang mga dress ko naman ay maiikli dahil ginagamit ko iyon sa bar. 

Inhale. Exhale. Kinakabahan talaga ako. Hindi mapigilan ng isip kong mag-overthink ng mga bagay. Shocks! First time kong magkaboyfriend! At ipapakilala agad ako sa mga magulang! Nag-aalala akong baka hindi ako magustuhan ng mag-asawang Black bilang girlfriend ni Farrei.

Estado pa lang namin ay napakalayo na sa isa't-isa. Paano kung hindi pa ako  tuluyang ipakilala at humadlang agad sila? O kaya naman ay palayuin ako sa anak nila? Oh gosh, hindi ko alam ang gagawin ko kung mangyari ang mga bagay na bumabagabag sa isipan ko. 

"Ate Yna! Nandiyan na si Kuya pogi!" rinig kong sigaw ni Yvory. Agad akong tumayo sa pagkakaupo sa kama. Bago ko pa mabuksan ang pintuan ay nagsi-unahan na ang mga kapatid kong salubungin si Farrei. 

"Uya Neeeyyy! Namiss nitaaa!" Kuya Rei! Namiss kita!

"Hey there, princess! Missed you too!" Aniya at binuhat sa bisig si Yasheen. Nakipag-high-five naman si Yvarra sa kanya at ginulo lamang ni Farrei ang buhok ni Yvory. 

"Buti naman at nandito kana Kuya Rei. Aatakihin na yata sa kaba si Ate Yna sa kakahintay sayo." Natatawang biro ni Yohan. 

Dumapo ang mga mata ni Farrei sakin. Nahihiyang iminuwestra ko ang suot kong bestida. 

"A-Ayos lang ba 'to? Hindi naman siguro masyadong-" he cut me off. Nilapag niya si Yash at naglakad palapit sa akin. 

"Just... wow..." bulong niya habang pinagmamasdan ako. Tinukso siya ng mga kapatid ko. 

"Patay! Ayan naaa Ate Yohan! Mababaliw na si Kuya Rei kay Ate Yna!" asar ni Yvarra. 

"Hoy! Magtigil kang bata ka!" Saway ko. 

Ilang beses pa nilang tinukso ang boyfriend ko na parang walang naririnig dahil nakatutok lang sa akin ang atensyon. He's wearing a maroon shirt, tucked inside his pants. Mas nag-stand-out ang kutis niya dahil sa kulay ng damit. 

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Where stories live. Discover now