CHAPTER 4 - YASH

1.6K 45 5
                                    

Natapos ang buong araw ng Sabado na kasama ko si Freah. Hindi mahirap makasundo ang bata dahil natural itong malambing. Iyon nga lang, pagdating sa kanyang tutor, akala mo laging inaagawan ng candy sa sobrang sama ng loob dito.

Hindi na kaduda-dudang may ginagawang kababalaghan si Vanessa sa mansyon. At mukhang ako rin, maiinis na sa babae. Tutor siya! Tapos iba ang ginagawa sa oras ng trabaho? Kaya siguro ganoon na lang ka-sexy ang damit ng babaeng iyon! At panay ang tanong pa sa bata kung dumating na ba ang kapatid nito!

Nandiri ako bigla habang tinitingnan ang boxing ring. Matapos ang paggala namin sa park ay pinatulog ko muna si Freah. Inutusan naman ako ng mayordoma na linisin muli ang gym dahil nagsabi ang amo nito, na kanina lang ay may ginagawang kababalaghan dito, na madumi pa rin daw ang gym.

"Paanong di dudumi eh kababalaghan ang ginagawa rito? Psh!" Angil ko habang pinupunasang maigi ang sahig ng ring.

Iniisip ko pa lang ang nasaksihan ko, tumitindig na ang balahibo ko. Hindi man lang nahiya ang Vanessa na iyon at talagang go na go pa sa ginagawa ng lalaki. Ito namang si... ano nga ulit pangalan? Ferro? Fernan? Farri? Whatever. Dito pa talaga naisipang makipag-anuhan. Like hello? Uso yun gawin sa kwarto!

Mapapailing ka nalang talaga. Nang masiguro ubod na ng linis at kinis ang sahig ng ring ay bumaba na ako para iligpit ang mga cleaning materials.

Umuwi na ang tutor ni Freah dahil nga sa nangyari. Nalaman nitong umalis kami bigla ng bata nang walang sabi-sabi sa kanya. Alam naman na siguro nating kung bakit hindi kami nakapagpaalam, diba?

I'm not judging those who do "that." Ang sa akin, mano man lang sana na hindi sa gitna ng trabaho, right? Okay lang sana kung sa club or bar gaya ng pinagtatrabahuan ko dahil parang normal iyong ginagawa ng iba roon habang nagtatrabaho, pero sa gitna ng pagtututor? Ewan ko na lang. Hindi iyon akma.

Teka, bakit nga ba masyado akong affected doon? Hindi ko na dapat iyon iniisip pa. Ang dami ko pang sinabi.

"Ate Deborah!"

Nilapitan ko si Deborah nang makitang tapos na ito sa paglilinis. Nakaupo ito ngayon sa upuan ng maliit na kitchen sa loob ng maids quarters. Nagkakape at nagbabasa ng dyaryo.

Tumingin ito sa akin nang pumasok ako at kumuha ng tubig sa mini-ref.

"Oh, tapos kana sa itaas? Balita ko pinaulit sayo yung paglilinis ng gym ah?"

"Oo eh, madumi pa daw kasi kahit nilinis ko naman nang maayos kaninang umaga."

Sumimsim ito sa tasa at binaba ang dyaryo sa gilid. Mukhang busy pa ang iba naming kasamahan dahil kami lang ang narito.

Tumayo si Deborah at maingat na isinara ang pinto.

"Huwag kang maingay ha, may chika ako sayo." Sabi nito nang mailock ang pintuan sa kanyang likuran.

Tumango ako. Lumapit naman siya sakin.

"Kanina daw, may kung anong naririnig ang ibang maids sa itaas. Parang mga ano... ungol yata?" Bulong nito.

Nanlaki ang mga mata ko.

"T-talaga?" Kunwaring gulat ako sa nalaman. Jusko! Akala ko ako lang ang nakarinig!

"Oo! Sabi ni Nenet nung paglabas niya daw sa masters bedroom ay napadaan siya doon sa gym. Sarado naman daw ang pintuan pero malakas daw mga ungol doon. Yikes!"

Tumango-tango ako.

"M-may balita ka b-ba kung sino at a-ano ginagawa doon?"

"Wag kang maingay na sinabi ko ha! Nakita ng mayordoma na lumabas ng gym yung Vanessa kasama si Sir Farrei! Gusot gusot ang damit at magulo ang buhok!"

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Kde žijí příběhy. Začni objevovat