CHAPTER 1 - NIGHT

4.1K 66 18
                                    

YLLENA

I smiled at the wonderful sunset view in front of me. The crashing of waves to the white sand calmed my soul. Finally, the dream place that I would always want in my life. Who would've thought that after all the years of suffering from debts after debts, I'm free!


Wala nang mga tao ang kakalampag sa aming pintuan upang maningil. Wala na ring bills ng kuryente't tubig na hirap akong bayaran, balance sa tuition fees ng mga kapatid ko na halos ikarurupok na ng buto ko.


Wala na'ng mga luha sa mga mata ko habang lumuluhod sa mga taong pinagkakautangan ng mga magulang ko. Ha! Akala nila hindi ako yayaman? Nasa akin na ang yamang inaasam nila! Hinding-hindi na ako babalik sa lugar na iyon. Kumpleto at kuntento na ako sa narating ko ngayon.


Pinanood ko ang mga kapatid kong nagtatawanan sa labas ng mansyon. Masaya silang nagtatakbuhan sa puti at pinong pinong buhangin ng dalampasigan. Hawak nila ang kaniya-kaniyang mamahaling laruan at kung ano pang mga bagay na masasabi kong kaya ko nang maibigay.


Hindi na nila kailangan pang mainggit sa mga kaibigan at kamag-aral. Hindi na sila manghihiram ng gadget sa kapitbahay makapagpasa lang ng assignment at project sa kanilang pag-aaral. Hindi na din sila mag-aasam pa ng mamahaling pagkain at mga damit dahil ngayon, kayang-kaya ko nang bilhin.


With the money I have right now, we will never starve again.


"Tao po! May gising na ba riyan sa inyo? Tanghali na mga deputa!"


Napamura ako sa aking isip nang makarinig ng ingay sa labas. Minulat ko ang mga mata ko at nilibot ang paningin sa paligid ng silid. Teka, wag mo sabihing nanaginip lang ako?


Kinusot ko pa ang mata ko at muling natauhan sa katotohanang nang may kumatok sa'king kwarto.


"Ate? Ate Yna? Gising kana ba?" rinig kong sambit ng kapatid ko mula sa pintuan.


Tumayo na ako mula sa kama. Tinapunan ko muna ng tingin ang bunsong kapatid na payapang natutulog bago binuksan ang pinto at lumabas. Nakakairitang umaga na naman!


"Oo bababa na! Pakisabi kay Aling Baby magbabayad na ako!" utos ko sa kapatid kong sumunod sa akin. Mangiyak ngiyak itong tumango bago dumiretso sa sala para kausapin ang nagwawalang baboy sa labas. Paniguradong namura na naman ito ng babae. Tsk.


Ako ang panganay sa limang magkakapatid at tapos lamang ng senior high. Hindi ko na naipagpatuloy ang kolehiyo dahil maaga akong nagtrabaho para sa pamilyang binubuhay ko. Ang pangalawa naman ay si Yohan, isang grade ten student na pipilitin kong makarating ng senior high. Responsableng kapatid si Yohan at siya ang kaagapay ko sa pag-aalaga sa tatlong pasaway.


Pangatlo ay ang nag-iisang lalaki sa pamilya, Yvarra Christian, na minsa'y inaasar naming Crisostomo dahil naiba lang ng spelling ang Ibarra niya. Kasalukuyan siyang nag-aaral bilang isang grade eight kasama ang kanyang kakambal na si Marry Yvory. Parehong nasa top-notcher ang dalawa pero ubod naman sa kalokohan.


"Palabasin mo nga yang ate mo at nang makausap ko nang matino! Tanghaling tapat na'y tutulog tulog pa! Palibahasa'y pok-" hindi na ko nakatiis na lumabas.

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Where stories live. Discover now