CHAPTER 14 - DISTRACTED

1.2K 43 1
                                    

YLLENA

Sa sobrang abala ko sa buhay at pagtatrabaho, hindi ko nabigyang pansin ang mabilis na paglipas ng araw. Dalawang linggo na at ganoon pa rin ang trabaho ko. 

Rei would always take me out on weekdays, and I would babysit on Saturdays. It was a bliss. 

Kung saan-saan na niya ako naidala. Iba't-ibang restaurants na ang nakainan namin at mga lugar na napuntahan. Lahat iyon, hindi naulit. Para bang lagi siyang may baong surpresa sa tuwing nire-request niya ako. 

Mas higit ko rin siyang nakilala at ganoon na lang kabilis kung magdabog ang dibdib ko sa tuwing maiisip na magkikita kaming ulit sa gabi. Ngayon, pakiramdam ko kaibigan na talaga ang turing ko sa kanya na kliyente ko. 

Hindi naman siguro masama diba? Wala naman akong tinatapakan? Isa pa, wala naman kaming ginagawang masama. We just enjoyed each other's company. 

"Kanina ka pa ha! Hindi ko na naenjoy yung dancing fountain sa kakaharang mo sa harapan ko." 

Tumawa lang siya at kumagat sa corndog na binili namin. 

Kasalukuyan kaming nasa isang sikat na park na dinadayo ng marami dahil sa dancing fountain, fire and lights sa gabi. Maraming tao ngayon at mukhang may special event na hinanda ang management. 

Nagkalat sa paligid ang iba't-ibang food stalls. Malawak ang park kaya't kahit maraming tao ay hindi crowded at nagsisiksikan. 

Umupo ako sa isang bench at uminom ng milktea na binili ni Rei. Maya-maya'y tumabi din siya sakin matapos itapon ang paperplate na pinagkainan. 

"I saw some takoyaki on the other side, do you want some?" 

I gave him a side glance and rolled my eyes. Alam kong simpleng white tshirt, maong jacket, jeans and rubber shoes lang ang suot niya. Pero bakit naman ganito? Masyado yata talagang pinagpala ang lalaking ito kaya kahit naka eyeglasses at magulong buhok dahil sa hangin ay panay paring pinagtitinginan ng kababihan. 

"Kanina pa tayo kumakain, Rei. Tingnan mo oh, lumolobo na tyan mo." Pang-aasar ko sabay turo sa tyan niya na hindi naman mataba.  

He has a well toned body... I doubt kung tataba siya sa dami ng nakain namin ngayong gabi. 

"I don't have fats, Yna... they're abs." Balik niya sa nangingiting labi. 

Nagkibit balikat na lang ako at sumandal sa bench. I felt him moved closer and placed his hands behind my shoulders. Hindi ko na lang iyon pinansin. 

"Where should we go, next week? Hmmm?" 

"Alam mo namang hindi ko alam ang mga lugar lugar na iyan, Rei. Bahay trabaho lang ako noh?"

I sipped on my drink and watched a group of kids playing around. 

"Nasabi mo sakin noon na may mga kapatid ka... Did you ever thought of taking them out? Perhaps dinner? Isama natin sila if its okay with you." 

Wala sa sariling nilingon ko si Rei. Hindi ko alam na pati pala iyong tungkol sa mga kapatid ko ay maaalala niya. 

"Huh?" 

He chuckled at my response and pinched my cheeks. 

"Let your siblings join us. Ilang beses mo nang nababanggit ang mga kapatid mo. I want to meet them. We're already friends, right?" May kislap na dumaan sa mga mata niya nang mabanggit ang panghuling salita. 

"Oo. Pero hindi na kailangan, Rei..." bigla akong nahiya. Trabaho lang din itong ginagawa ko at walang personal na intensyon. 

Nagtagal ang tinginan namin sa isa't isa bago ako kusang umiwas. Pansin kong nitong mga nakaraang linggo, masyado na akong nagiging komportable sa presensya ni Rei. Totoong kaibigan na ang turing ko sa kanya at hindi basta kliyente lang. Maraming bagay na rin akong nakwento sa kanya tungkol sa buhay ko at ganoon rin sa kanya. 

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon