CHAPTER 2 - JOB

2.2K 53 19
                                    

YLLENA

"Table number 35 is requesting for you." 

Busy ako sa paghatid at pagkuha ng orders nang may tumapik sa mga balikat ko. Ilang tao na ang nahatiran ko ng iba't-ibang klase ng inumin at habang lumalalim ang gabi, mas lalong dumarami ang pumapasok sa loob ng bar na ito. Nilingon ko ang nagsalita. Si Honeylette lang pala. Ano na naman kaya ang pagagawa nito?

"May order bang sinabi?" tanong ko habang nag-aayos ng sarili. Pinupunasan ang kamay at mabilis na nagspray ng pabango. 

"Ikaw lang daw. Huwag ka mag-alala, pasok parin sa limits mo," tinapik-tapik niya ang balikat ko bago kinuha ang nilapag kong order forms at circle tray. Ngumiti na lang ako at sinimulan nang tahakin ang table na sinasabi niya. 

Mabuti na lang talaga at alam ng mga kasamahan ko ang "limits" ko. Iyon kasi ang kasunduan namin lahat dito sa bar. Lahat kami rito may kanya kanyang limits. Ito iyong boundaries kung hanggang saan lang ang tatanggapin naming trabaho sa taong magre-request sa amin at pirmado iyon ng bawat isa at ng management. 

Sa kaso ko, ang limits na ina-allow ko lang ay hanggang companion lang sa loob ng bar na ito. Ibig sabihin, hindi ako puwedeng ilabas ng client or ipasok sa kahit na anong private room rito. Hanggang table lang kumbaga. Bawal din akong hipuan sa kahit na anong sensitibong parte ng katawan ko. Tanging "kasama" lang sa table ang puwede kong gawin. 

Samantala ang iba rito, ay mas malala pa ang kaya nilang tanggaping trabaho. Dipende na lang talaga sa amin kung mas malaking halaga ang kailangan namin o ang saktong may trabaho lang na masabi. Gusto ko lang ng trabahong kayang makapagbigay ng pangangailangan ng mga kapatid ko nang hindi nagagalaw ang pagkababae ko. Pero kahit kailan, hinding hindi ko hinusgahan ang mga kasamahan ko rito. 

Lahat kami nagtatrabaho dahil may responsibilidad kaming dapat gampanan at naiintindihan ko ang mga bagay na kayang marating ng trabaho namin. At ayos lang ako roon. Mas binibigyang prayoridad ko lang ang mga kapatid ko at siguro para na rin sa sarili ko ang ginawa kong limits. 

Masyado sigurong matayog ang pangarap ko para isipin na sa lalaking mamahalin ko lang habang buhay ipagkakaloob ang buong sarili. Ewan? pero naniniwala akong mahahanap ko rin ang lalaking iyon balang araw. Sa ngayon, wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay dahil mas una para sa akin ang pamilya ko. 

"Good evening, sir," nginitian ko ang lalaking nagrequest sa akin nang makarating ako sa kanyang table. Pansin kong wala na siyang iba pang kasama dahil iisang baso ng alak lang ang nasa lamesa. 

"Please have a seat, Yna." malungkot at baritonong sabi niya. Medyo naningkit ang mga mata ko nang marinig ang kanyang boses. Pamilyar siya ah. Teka.. 

"Mr. Sylvan?" agad kong tanong sa lalaking nakayuko habang nilalaro ang baso sa kamay. Hindi ko kasi maaninag nang maayos ang mukha niya dahil medyo madilim sa parteng ito ng bar. Iilang neon lights lang ang ilaw dito dahil nasa parte ng dance floor ang karamihan. 

Pero sabagay, kaya nga kumuha ng companion para may makasama... 

"Maka Sylvan ka naman diyan. Umupo ka na nga sa tabi ko," nangingiting sambit niya at hinatak ang kamay ko papunta sa tabi niya. Agaran naman akong umupo. 

Siya ang madalas na magrequest sa akin. Parang sa isang linggo kong pagtatrabaho rito, sakop niya ang tatlo hanggang apat na araw kong duty. Madalas kasi siya rito dahil sa isang dahilan.

Natawa ako. "Fine. Zekiah Hunter Sylvan. Okay na ba iyon?" pang-aasar ko na mas lalo niyang ikinatawa at pabirong inakbayan ako.

Nakaramdam naman ako ng kilig. Sa totoo lang halos magkaibigan na ang dating namin sa isa't-isa dahil mag dadalawang taon na kaming magkakilala dahil sa bar na ito. Pero para sa akin, alam kong crush ko siya. Crush lang naman. Sino ba naman ang babaeng hindi magkakaroon ng crush sa kanya? Model siya ng isang sikat na international business! Baka nga sila pa ang may-ari ng business na iyon eh! Masyadong gwapo sa paningin ko kaya ngayon palang na nakaakbay siya sakin, nararamdaman ko na agad ang ilang titig ng mga babae sa kabilang table. 

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Where stories live. Discover now