CHAPTER 15 - REAL

1.1K 45 1
                                    

YLLENA

This is it. Malalim na hininga ang ginawa ko bago tumingin sa aking likuran. My siblings were in their best clothes for tonight. It's Friday night. Ngayon ang araw na pinlano ni Rei para makilala ang mga kapatid ko. 

"Mabait ba 'tong client mo ate? Baka mamaya bisugo pala- aray ko naman boss!" kinurot ni Yohan si Yvarra sa tagiliran, dahilan kung bakit kami natawa ni Yvory. Tahimik naman si Yash habang nakahawak sa mga kamay ko bitbit ang kanyang barbie doll.

"Ang dami mong sinasabi Crisostomo! Eh kung magpasalamat ka nalang at sinama tayo sa trabaho ni ate Yna." Pangaral ni Yohan. Napakamot ng ulo si Yvarra. 

"Oo nga, kuya. Kung gusto mo, umuwi ka nalang at kami ang mag-e-enjoy ngayon." Ani Yvory. Pinagmamasdan ko na lang sila dahil wala ding mangyayari kung makikisali ako. Isa pa,  masaya panoorin pag nagtatalo ang kambal. 

"Eh kung ikaw nalang kaya umuwi? Diba may assignment ka pa? Sumbong kita sa teacher natin inuuna mo gala kaysa sa modules mo." 

"Excuse me? Natapos ko na kahapon pa! Ikaw tong may di tinapos sa Chemistry eh. Ang sabihin mo hindi mo alam paano gagawin." 

Nagtaas ng kilay si Yvarra. Kami naman ni Yohan ay napa poker face na. Parang gusto ko na lang mag-face palm. 

"Excuse me? Bakit dadaan ka? Dumaan kana oh," iminuwestra niya ang parking ng bar.

"Aba't ang pangit mo talaga!"

"Oh talaga ba? Kambal tayo kaya pangit ka din!"

Umambang susuntukin ni Yvory si Yvarra kundi lang natigil dahil sa busina ng kotse sa harapan namin. My siblings went silent on the sight of the black Jaguar.

Bumaba si Rei mula sa driver's seat at kulang na lang ay matutop ko ang bibig ko dahil sa pagdadabog ng dibdib ko. Simple lang ang suot niya pero napakaguwapo. Gray tshirt at black maong jacket. Nasa bulsa ng black jeans ang kaliwang kamay habang ang ay kumakaway sa amin. 

Masyadong nakakahawa ang ngiti niya kaya napangiti na rin ako. Hindi pa rin mawala sa dibdib ko ang pagdadabog. Para akong kakapusin ng hininga nito. Shet. 

"Ate, siya na ba yung sinasabi mo?" tanong ni Yohan. 

"Oo. Siya na nga." Bulong ko. 

"OMG! Ate crush ko na siya!" Mahinang tili ni Yohan at Yvory. 

Sinamaan ko sila ng tingin. 

"Magtigil kayo!" 

Kinikilig na nagbulungan ang dalawa. Balak ko pang kurutin sana. 

"Hi..." bati ni Rei nang makalapit sa amin. 

"R-Rei... Heto nga pala ang mga kapa-"

"Hello po! Ako po si Yohan! Love po ang palayaw ko."

"Ako po si Yvory, Baby naman po ang nickname ko." 

Napa-face palm ako nang wala sa oras. Napaka pasaway ng dalawa at dinumog na si Rei! 

"Sabing magtigil!" Inis kong sabi sabay hila sa dalawa palayo sa binata. Sumimangot ang dalawa at ngumuso. Binigyan ko ng tig-iisang pitik.

Tumawa si Rei sa kakulitan ng dalawa. Dumako ang mga mata nito sa dalawa pang nasa likuran ko. 

"Hey there, young man." 

"H-hello po, kuya." Biglang tiklop sa kakulitan si Yvarra. Sa laki at tangkad ba naman ni Rei ewan ko nalang kung may masabi pang kung ano si Yvarra. 

Nag fist-bump ang dalawa bago binigyang pansin ni Rei ang pinakahuli at pinakatahimik sa lahat. 

"Hey..." Rei kneeled. Nagtago sa likuran ni Yvarra si Yasheen at bahagyang sumilip sa lalaki. 

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Where stories live. Discover now