CHAPTER 7 - TOUCH

1.7K 47 2
                                    

Natulala ako saglit sa sinabi niya. Iniwas ko ang mga mata ko at pinagtuunan ang maikling dress na suot ko. Bakit ba ako kinakabahan?

"Against po iyon sa limits ko, sir. I'm sorry. I'll go down and find someone-"

Pinaghalong amoy ng alak at panlalaking pabango ang bumalot sa ilong ko. Nag-angat ako ng tingin at napansing mas malapit na siya sa akin. Tatlong hakbang, iyan lang ang pagitan namin at naamoy ko rin ang aftershave nito. May ganoon ba?

"Nevermind. I guess we can take the balcony?" his thumb pointed at his back.

Naroon ang iilang tables na madalas tambayan ng mga naninigarilyo. Pinagmasdan ko ang tinuro niya at napansing iilan lang ang naroon.

"Okay, sir. Come with me."

Nauna akong maglakad at ramdam kong sinabayan niya ako. I pushed the glass door and motioned him to go first. Siya na ang naghanap ng puwesto namin at iyon ay sa pinakadulong parte kung saan walang katao-tao.

Pasalampak niyang inupo ang sarili niya at sinandal ang likod sa leather couch. Tumabi ako agad, pinanatili ang ilang dangkal na distansya sa pagitan namin.

"Ahhh fuck." He groaned tiredly.

"Are you okay, sir? You can tell me anything."

Ilang minuto siyang tahimik at nakapikit. Tanging ingay lang ng mga sasakyan sa kalsada ang maririnig sa amin. At dahil hindi siya nagsasalita, pinagsawa ko nalang ang mga mata ko sa pagmamasid sa kanya.

His hair was neatly slicked back. Mahihiya ang hangin na guluhin ito. He also has soft, yet shaved stubbles, running along the strong angle of his jaw. Matangos ang kanyang ilong at makapal ang kilay. Mahaba ang pilikmata nito na natatakpan ng clear eyeglasses.

Bumaba ang mga mata ko sa kanyang labi. It was thin, like he's trying not to supress something.

Kung bakit nagkakaganito ako, hindi ko alam. Parang masyadong hinahatak ng kanyang itsura ang mga mata ko.

"Have life ever choked you to death?"

Ilang beses akong kumurap nang bigla siyang nagsalita.

"Sir?" Hindi ko yata naintindihan.

Nagmulat ito ng mga mata at inangat ang salamin sa kanyang buhok bago lumingon sa gawi ko.

"You know, I studied in the states for years. I took my dream course and now that I graduated, I can't put it to good use. Funny."

Umayos ito ng upo. Iniwasan kong tingnan ang mga braso nito.

Ganito lang naman ang madalas kong ginagawa sa tuwing nire-request ako bilang companion. Someone who can listen to their antics, rants, stories, ideas, and sometimes nonsense. Minsan ay may mga nangangailangan din ng something physical gaya ng pagyakap. But if more than that, hindi ko na iyon maibibigay.

"I wanted to become a professional pilot. Fly around the globe to take people to their destinations. Country after country..." he said.

Wow... pagpipiloto?

So...

Alam ko nang big time itong kasama ko dahil hindi biro ang gastusin sa pagpipiloto at isa pa, sa ibang bansa siya nag-aral!

"Bakit naman, Sir?" tanong ko na siyang nakapagpatawa rito.

"Wala naman. Just parents' stuff. How about you? Why are you working in this place?" Marahan itong tumingin sa akin. Pinilit kong iwasang bumaba sa mga braso niya ang mga mata ko.

Sa ilang taon kong pagtatrabaho rito, ngayon pa lang yata may nagtanong sa akin ng ganito. Napangiti ako.

"Nagtatrabaho ako rito kasi... wala na akong choice?" I bit my lip, trying hard not to stifle a laugh. Parang gusto ko na lang matawa sa sinabi ko.

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Where stories live. Discover now