CHAPTER 17 - COURTING

1.1K 41 1
                                    

YLLENA


Shocked.

The moment our lips touched, I knew I lost it. It's just a brief kiss yet it happens to stir so many clouds in my head and butterflies in my stomach. Alam ko kung ano iyon. Doon ko tunay na naintindihan kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Para sa kliyente ko na hangad ang mas higit pa sa kung ano ang mayroon kami.

Rei Monteverde. Ang rich client na nakilala ko lamang sa bar at palagiang nagre-request sa akin.

Dapat ay client at companion lang. Kung paano kami dumating sa ganitong estado, hindi ko alam.

He withdrew his lips. Kahit gaano pa kagulo ang isipan ko, naroon lang ang atensyon ng puso ko. Ang bilis. Napakabilis ang tibok nito at para akong sinilaban. Sigaw ko sa isip ko, normal lang iyan sa linya ng trabaho ko. How many times have I told myself that? Maraming beses na. Pero ngayon na naranasan ko ang mga labi niya, tila nagbago yata ang lahat.

"If it isn't obvious, love. I want to court you."

Halos mabingi ako nang sabihin niya iyon. Court? As in ligaw? Siya, manliligaw sa akin? Sa ibang pananaw, napakalabo yatang totoo ang naranasan ko nang gabing iyon. Ani mo'y parang hindi kapani-paniwala at para akong naglalakbay sa isang panaginip.

Hindi lang talaga ako maka-get over doon. Totoo ba? Is he sincere? Gosh! Hindi ko na alam!

Mababaliw na yata ako dahil sa nararamdaman ko. I knew to myself that I liked him. I really, really do. Hindi dahil sa mayaman siya o sa perang binabayad niya sa management bilang parte ng buwanang suweldo ko sa bar. It doesn't matter. Kung sa ibang pagkakataon ko siguro siya nakilala, baka mahulog din ako.

Rei's a sweet and caring man. Sa ibang pagkakataon, lalo na sa trabaho ko, bihira na lang ang lalaking gentleman dahil iba ang paningin nila samin. The girls working at the bar have their own share of secret life, if you know what I mean, and I don't intrude on that nor judge them for doing things behind the curtains. We all have the freedom to live our lives. However, there are circumstances and situations that limits us to do that.

First time?

No. Many boys have courted me in the past but I never threw a glance at any of them. Sa bigat ng gampanin ko sa pamilya ko, sa mga kapatid ko, hindi ko na maisip ang pumasok pa sa mga ganoong klaseng bagay. Sa isip ko, aksaya lang sa oras at panahon. Mas gugustuhin ko pang masubsob sa pagtatrabaho kay sa atupagin ang pagrerelasyon.

Ngayon, hindi ko na maintindihan kung ano ang dapat maramdaman. I never thought he'll say such things to me. Ni wala nga sa hinagap kong liligawan niya ako. Like why? Bakit ako? Sino ba ako? I'm just a mere companion. Napakalayo ng agwat naming dalawa sa isa't isa!

"Uyyyy ikaw na talaga ang reyna! Tingnan mo oh! May nagdeliver nito sayo! Jusmiyo ke aga aga!" hirit ni Pia pagkapasok ko pa lang ng bar.

"Ang haba ng hair mo, Yna! How to be you po?" si Lyra.

"Sana all na lang talaga! Kailan ba ako makakahanap ng papi katulad ni Mr. Monteverde?" dagdag ni Honeylette.

Nangunot ang noo ko nang makita silang nagkukumpulan malapit sa locker ko. Lumapit ako at naki-usyoso.

"Teka ano bang ginagawa niyo sa loc-" natigilan ako nang makita ang isang malaking bouquet ng sunflowers. Simple lang ang design at nababalot ito sa brown felt paper at may puting ribbon pa sa harapan.

"Ayan oh! Gosh ang sweet pala talaga ni papi Rei!" Kinuha ito ni Pia at madramang tinitigan.

"Napakaswerte mo talaga, girl!"

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz