CHAPTER 9 - PAIN

1.4K 45 3
                                    

YLLENA

"R-Rei..." mahinang sambit ko sa pangalan niya.

When I uttered his name, I felt my chest skipped a beat.

"That's better. I'm not really that old to be called a sir." Aniya.

I continue massaging his temples and shoulders as he talked about what's bothering him. Nararamdaman ko ang paunti-unting pagkawala ng tensyon sa kanyang katawan na para bang gustong-gusto nito ang pagmamasaheng ginagawa ko.

Hindi siya mahirap kausapin dahil siya ang halos kadalasang nagsasalita. Nalaman ko rin na may-ari ng isang malaking airlines ang kanilang pamilya at inaalok sa kanya ang pinakamataas na posisyon.

"I'm not born to lead that, you know. But still they're insisting me to."

Marahan akong napailing. Minsan talaga sa buhay, hindi natin maintindihan ang gusto ng mga tao. Heto siya, anak ng isang mayamang businessman, sinusubo na lang sa kanya ang kumpanya, pero hindi niya pa ring gustong pamunuan ito.

"Kung ganoon, ang gusto mo lang ay maging piloto? Hindi kaya may kinalaman din sa kumpanya niyo ang pangarap mong iyon?"

Saglit siyang napaisip ngunit agad ding nagsalita.

"Nah. I only dreamed to fly an aircraft and be a pilot. That's it. Nothing else matters. I'm kind of thinking to reject the position tomorrow."

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa sa kanya. Nang matapos ay pinaupo akong muli sa tabi niya. Pinanatili ko ang maliit na distansya sa pagitan namin.

He sighed for what sounds like contentment. Relaxed na relaxed ang balikat nito habang nakapikit na sumandal sa backrest.

"We keep on talking about me. How about you? What's your story?" He calmly asked. Binigay  niya sa akin ang atensyon. 

Nagkibit balikat ako bago sumagot. 

"My story? Hindi mo kapupulutan ng interes ang tungkol sa akin."

"Try me then," aniya at umayos ng pagkakaupo. 

Ilang dangkal ang layo namin at naamoy kong muli ang pinaghalong pabango at alak na ngayon ay naubos  niya na.  

"Nothing much. Trabaho at trabaho lang yata ang maikukuwento ko." Alanganin akong ngumiti. 

"Anything you'll say, I'll listen. Now tell me about it." Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi. Napakasuplado ng dating pero ang gaan sa pakiramdam ng kanyang malalim na boses.

Sigurado ba siya? Hindi yata ako sanay na tungkol sa akin ang pag-uusapan namin ng client ko. Kadalasan ay tungkol sa kanilang sarili. Wala namang mawawala kung magkukuwento ako ng kaunti, diba? Isa pa, nakakatawa man kung isipin, minsan mas nalalaman pa ng mga companions ang mga bagay tungkol sa mga clients kaysa sa kanilang mga asawa at kaibigan. 

Some of the men blabbers too much when they're drunk. 

"Okay. Uhmm, tatlo ang trabaho ko. I'm a companion and a waitress at night, as you can see," taas baba ang kamay kong tinuro ang kabuuang damit ko. "Tagabantay naman ako ng bulaluhan sa hapon bago ako pumasok dito. At kada sabado naman, babysitter ako." 

Marahan siyang tumango-tango. May kislap sa kanyang mata.

"Let me guess... you're the breadwinner?" tanong niya. 

"Yep!" popping the letter P. 

Bahagyang gumalaw ang kanyang panga. Inilagay niya ang kanyang salamin sa lamesa at binigay sa akin ang buong atensyon sa naniningkit na mga mata. 

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Where stories live. Discover now